You are on page 1of 2

SINO AKO

Verse: 1

Hiram sa DIYOS ang aking buhay

Ikaw at akoy tanging handog lamang

Di ko ni nais na akoy isilang

Ngunit salamat dahil may buhay

Verse:2

Ligaya ko na akoy isilang

pagkat tao ay mayroong dangal

Sino ang may pag ibig sinong nagmamahal

Kung di ang tao DIYOS ang pinagmulan

Koro:

Kung di ako umibig

kung di ko man bigyang halaga

Ang buhay kong handog

ang buhay kong hiram sa DIYOS

Kung di ako nagmamahal sino ako

(Back to verse:2)

(Back to koro:)
Sa Diyos Lamang Mapapanatag

Koro:

Sa Diyos lamang mapapanatag

Ang aking kaluluwa

Sa Kanya nagmumula

Ang aking pag-asa at kaligtasan

Verse:1

O Diyos, Ikaw ang aking kaligtasan

Nasa 'Yo aking kalwalhatian

Ikaw lamang aking inaasahan

Ang aking moog at tanggulan

(Back to koro)

Verse:2

Paniniil di ko pananaligan

Puso'y 'di ihihilig sa yaman

Kundi sa Diyos na makapangyarihan

Na aking lakas at takbuhan

(Back to koro)

Verse:3

Poon, Ika'y puno ng kabutihan

Pastol Kang nagmamahal sa kawan

Inaakay sa luntiang pastulan

Tupa'y hanap Mo kung mawaglit man

(Back to koro)

You might also like