You are on page 1of 1

Andito lang ako para sayo

tatandaan mo yan ha
wag ka vag aalala kasi di kita tatalikuran
hinding hindi kita iiwanan sa gitna ng iyong kahinaan
andito lang ako pag kailangan mo ng iiyakan
Ibibigay ko sayo ang buong likod ko para sandalan mo
Ibabahagi ko sayo ang balikat ko para lang iyakan mo
andito lang ako pag kailangan mo ng kakwetuhan tungkol sa mga mahpapalungkot o
nagpapasaya sayo
Ilalaan ko ang mga tenga ko para makinig kahit pa umabot na sa punto na sumasakit
na eto sa haba ng pag uusap e ayos lang basta maging okay ka okay na rin ako
nandito lang ko handa kang patawanin o patahanin ako ang magsisilbing love doctor
or clown mo kung kinakailangan makita ka lang ulit na nakangiti at malayo sa
pighati
andito lang ako ipapaalala sayo na mahalaga ka at di dapat sinasaktan
Ipapakita kung gaano ka kahalaga
Na sa bawat paghinga meron kang taong napapasaya
Andito lang ako
magsisillbing panyo para tuyuin ang mga luha at magsisilbing kumot para yakapin ka
sa tuwing ikay nalulungkot
Nandito lang ako
Ibibigay ang buong atensyon ko sa oras na kailangan mo
Ibabahagi ang mga kulay sa aking mundo magkaroon lamang ulit ng kulay ang mga ngiti
mo
handang magpuyat at magbuhat sayo kapag naglalasing ka at handang ihatid at sunduin
kahit saan pa umabot ang iyak at suka
pagtitiisan kita
andito lang ako
mananatili sa tabi mo sa lahat ng klase ng bagyo
sa bawat pagkakataon na akala mo galit at iniwan ka ng buong mundo
nandito lang ako sa likuran mo
lumingon ka lang
ilang hakbang lang
isang lingon lang
kakaway at ngingiti ulit sayo
handang sumalo ng bawat sakit at galit
handang magbigay ng paalala
ligaya
at halaga
tandaan mo kahit na anong mangyari
nandito lang ako sa tabi mo palagi
Hindi kita iiwanan
hindi kita papabayaan
gagawin ang lahat para maalagaan at maparamdam na mahalaga ka higit na sinuman
nandito lang ako para sayo kaibigan

You might also like