You are on page 1of 4

FILIPINO IV

GNG. ALMA A. CASAS

JULIAN ANDREI A. IMPERIAL


IV PATIENCE

************
FILIPINO IV
JULIAN ANDREI A. IMPERIAL
IV PATIENCE

LUCAS 11:1-12
ANG BAGONG MAGANDANG BALITA BIBLIA (2005 ED.)

1
Minsan, nanalangin si Jesus sa isang lugar. Nang siyay matapos,
sinabi ng isa sa kanyang mga alagad, Panginoon, turuan nga po ninyo
kaming manalangin, tulad ng ginawa ni Juan sa kanyang mga alagad. 2
Sinabi ni Jesus sa kanila, Kung kayoy mananalangin, sabihin ninyo,

Ama, sambahin nawa ang iyong pangalan.


Naway maghari ka sa amin.
3
Bigyan mo kami ng aming kakainin sa araw-araw.
4
At patawarin mo kami sa aming mga kasalanan,
sapagkat pinapatawad namin ang bawat nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming hayaang matukso.

Sinabi pa rin niya sa kanila, Ipalagay nating isang hatinggabi, isa


5

sa inyoy nagpunta sa isa ninyong kaibigan at nakiusap, Kaibigan, bigyan


mo muna ako ng tatlong tinapay. 6 Dumating kasi ang isa kong kaibigang
naglalakbay at wala akong maihain sa kanya! 7 At ganito naman ang sagot
ng kaibigan mong nasa loob ng bahay, Huwag mo na akong gambalain!
Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng aking mga anak. Hindi
na ako makakabangon para bigyan ka ng iyong kailangan. 8 Sinasabi ko
sa inyo, hindi man siya bumangon dahil sa kanilang pagiging magkaibigan,
babangon siya upang ibigay ang hinihingi ng kaibigan dahil sa pagpupumilit
nito. 9 Kayat sinasabi ko sa inyo, humingi kayo at kayoy bibigyan;
humanap kayo at kayoy makakatagpo; kumatok kayo at kayoy
pagbubuksan. 10 Sapagkat ang bawat humihingi ay tatanggap; ang bawat
humahanap ay makakatagpo; at ang bawat kumakatok ay pagbubuksan. 11
Kayong mga ama, bibigyan ba ninyo ng ahas ang inyong anak kung itoy
humihingi ng isda? 12 Bibigyan ba ninyo siya ng alakdan kung siyay
humihingi ng itlog? 13 Kung kayong masasama ay marunong magbigay ng
mabubuting bagay sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama
na nasa langit! Ibibigay niya ang Espiritu Santo sa mga humihingi sa
kanya!

Ang parabula dito ay ang Lucas 11:5-8. Ngunit bilang pagbuo sa diwa ng kwento, isinama na nang nagpasa ang mga nauna at
sumunod pang talata.

-2-
FILIPINO IV
JULIAN ANDREI A. IMPERIAL
IV PATIENCE

1. ANO ANG MGA ARAL NA NAKUHA SA AKDA?


Marami akong aral na nakuha mula sa akdang aking nabasa. Bilang
isa itong parabula mula sa bibliyamula sa mismong bibig ni Hesusito
ay paniguradong pagmumulan ng mga aral. Isa na sa mga aral na
iyon ay ang pagdarasal. Minsan sa buhay natin ay para bagang wala
ng paraan, wala ng malalapitan. Sa pagdarasal sa Panginoon,
nagkakaroon tayo ng paniniwala na mayroong pag-asa. Ito ay dahil sa
pakiramdam nating mayroon tayong nasasandalan, ang butihing
Maylikha.

Pinagtibay pa ni Hesus sa parabula na dapat ay huwag tayong


tumigil sa pagdarasal. Hindi lamang dasal ng mga banal at ng mga
taong may mabubuting kalooban ang kanyang bibigyan katuparan.
Kahit ang isang makasalanan, kung marunong magsumamo sa Kanya,
ay pagbibigyan Niya.

2. PAANO NITO MAIIMPLUWENSIYAHAN ANG INYONG BUHAY?


Maiimpluwensiyahan nito ang aking buhay kung susundin ko ang mga
aral na ibig ibahagi ng parabulang ito. Dahil nalaman ko na ang mga
aral, pwede ko na ito gamitin sa pang-araw-araw kong pamumuhay.
Ako ay magiging mas matatag dahil alam kong nariyan si Hesukristo
sa aking tabi. Halimbawa na lamang kapag araw na ng mga
pagsusulit. Kapag ako ay naguguluhan o nalilito sa ibang mga numero,
mabibigyan niya ako ng katatagan na tapusin ko ang pagsusulit nang
maayos.

Ako ay magkakaroon nang lakas ng loob sa pagharap sa mga


hamon. Isa pang halimbawa ay ang paghingi ko sa mga bagay na
aking matagal nang hinahangad. Nakawawalang-gana kung hindi ko
ito makuha at nawawalan na rin nang lakas ng loob dahil para bang
naiwanan ako mag-isa. Pero dahil sa aral ng parabulang ito, natutunan
kong maghintay dahil Siya ang nakaaalam ng tamang panahon para
sa lahat.

3. ANONG TALINHAGA SA BUHAY ANG NAKUHA MO?


Sa parabulang aking nabasa, ang ginamit na talinhaga ni Hesukristo
ay ang kaibigang sa hatinggabi pa ay nanganagtok ng bahay dahil sa
siya ay may kailangan. Kumakatawan ito sa atin, na dapat tayo ay
marunong dumalangin sa kanya. Dahil kahit mistulang huli na ang
lahat, at tayo pa ay yung uri ng tao na walang kinikilalang diyos, pero
tayo ay nanalig sa kanya at hindi tumigil sa layuning ito, paniguradong
darating din ang oras na diringgin niya ang ating hinihiling.

Ang inilalarawan naman ng kaibigang tumayo mula sa kanyang


pagkakahiga kahit hatinngabi na para ibigay ang hinihingi nang

-3-
FILIPINO IV
JULIAN ANDREI A. IMPERIAL
IV PATIENCE
kanyang kaibigan ay ang Diyos. Dininig niya ang tawag nang kaibigan,
hindi dahil sa kanilang pagkakaibigan, kung hindi dahil sa pangungulit
nito. Ang Diyos, kung tayo ay taos-puso at tunay sa ating mga
pinapanalangin, ay ibibigay ang ating mga hiling. Bilang matalino sa
lahat ng matalino, ibibigay niya ito sa kanyang pagkakaunawa kung ito
ba ay talagang makabubuti sa atin o makasasama. Ibibigay niya rin ito
sa
SALITA KAHULUGAN
IPALAGAY isipin, maungkol, gunigunihin
HATINGGABI kalaliman ng gabi, medyanotse
NAKIUSAP manawagan, magsumamo, magmatwid
NAGLALAKBAY maglibot sa ibang dako, liwaliw sa ibang
bayan
MAIHAIN ihanda, ihandog, ialay
GAMBALAIN abalain, guluhin, magkaroon ng gusot
NAKATRANGKA nakasara, nakakandado
KAILANGAN dapat mayroon, pangangailangan
BABANGON tatayo mula sa pagkahiga
PAGPUPUMILIT Pagpupuwersa
nakatakda Niyang tamang oras. Kaya hindi dapat tayo magsawa sa
Kanya.

4. TALA-SALITA: PUMILI NG 10 SALITA MULA SA PARABULA AT BIGYAN NG


KAHULUGAN.

-4-

You might also like