You are on page 1of 1

Pinilit ko

sa paglipas ng panahon
pinilit kong kalimutang mahalin ka
sapagkat ang mga ngiti mo'y di ko na maaaring angkinin
ang iyong masasayang pagtawa ay hindi na magiging akin kailanman
simula ang oo mo'y ibinigay mo na sa kanya
hindi ko alam kung nagkulang ba ang mga salitang namutawi sa aking bibig
para di mo malaman ang aking nadarama
hindi ko alam kung sa loob ng maraming pagkakataon na tayo'y masaya ay ako lang ba ang
nakadama na tayo na
na pareho ang sigaw ng ating mga puso
marahil nga'y dapat na kong lumayo at wag nang umasang ibabaling mo ang iyong pagtingin sa akin
kaya pinilit kitang hanapin sa iba,
na maaaring may katulad ka pa
ngunit imbis na matagpuan kita
ako ay mas lalong naligaw
nahanap muli ang sarili sa kanlungan ng damdamin ko para sayo
hindi ko alam kung kailan ko napagtantong minamahal kita
sa paanong paraan tumibok ang puso ko para sayo
marahil nga'y hindi ko matandaan sapagkat ang araw-araw ay ang naging dahilan para mahalin ka

You might also like