You are on page 1of 1

dyordya

Sa ngayon, itutulog ko muna ang lahat.


Ang lahat ng sakit na aking nararamdaman..
Ang lahat ng tanong na bumubulabog sa aking nanahimik na isipan.
Ang lahat ng luha na gustong ibuhos ng aking nakikiusap na mga mata.
Bukas na lang, maaari ba?
Bukas na lang natin harapin ang katotohonan.
Bukas na lang nating pagdaanan ang lahat.
Bukas na lang nating hayaang maramdaman ang bawat patak ng ulan, ang pagragasa ng ilog patungo sa dagat
ng kalungkutan.
Pangako, bukas na bukas din maaari ka nang umiyak.
Pero sa ngayon, matulog ka muna.
Aliwin ang sarili sa panaginip na lilikhain ng iyong isip.
Panaginip na sana'y masaya kang kapiling mo siya.
Kahit sa panaginip na lamang kayo magtagpo.
Dahil mukang diyan na lang ang inyong magiging tagpuan.
Sapagkat masikip na ang realidad upang ika'y sumiksik pa.
Kaya ngayon, matutulog ka muna.

You might also like