You are on page 1of 1

Sa paraan kung paano makikitungo ang mga babae sa mga katutubo

sa lahat ng aming nakapanayam, lahat sila ay may alam ng katutubo,


isa na rito ay ang mga ita galing sa zambales. Ang tingin nila sa ibang
lahi ay kapwa Pilipino at mabuting ehemplo sa atin. Wala naman
silang nakikitang diskriminasyon na nagaganap sa ating paaralan o
kung meron man, panunukso at ginagawang biro sila. Pakikitunguhan
nila ang ibang lahi bilang isang ordinaryong tao dahil pantay pantay
lamang tayong lahat. Halos lahat sila ay nagsasabing merong
diskriminasyon sa trabaho dahil hindi matatanggap ng mga boss ang
mga taong may ibang lahi dahil baka hindi nila matanggap ang mga
kultura at ang mga lahi nila. Para sa marami, gusto nilang magtrabaho
dito sa pilinas para makapaglingkod sa mga mamamayanan at para
rin makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay at ang kanilang mga
kaibigan. Iba sa kanila ay gustong magtrabaho sa ibang bansa para
umunlad ang kanilang mga buhay at para makapagbigay ng
serbisyong na nangangailangan sa kanila. Gusto nilang pumunta sa
ibang probinsya para malaman ang paraan ng pamumuhay nila doon
at para rin malaman nila kung paano nakikipaghalubilo ang mga tao
sa isat-isa. May nagsasabi na hadlang ang ethnicity sa pakikipagunay
ng mga tao dahil mababa ang tingin sa kanila dahil sa kanilang
paraan ng pamumuhay. Meron ding nagsasabihing hindi ito hadlang
dahil kailangan maintindihan ng mga tao sa panahon ngayon na may
ibat-ibang pamamaraan ng pamumuhay ang mga katutubo. May
nagsasabing depende nalang ito sa mga taong katutubo dahil kung
pinapahalagan niya ang kaniyang lahi o kultura at kung magiging
normal ang kanyang pakikitungo sa mga taong nakapaligid sa kanya,
ay swak na hinding hindi makakahadlang ang ethnicity sa pakikiugnay
niya sa mga taong nakakasalamuha niya

You might also like