You are on page 1of 3

Panimula ng Lahat

Hindi ko alam kung papaano ko ito sisimulan, ngayon na kung saan ay nasa
isang kritikal na kundisyon ang maraming bagay tungkol sa akin, na nakasalalay sa
aking isipan, isipang magulo at hindi alam kung saan ang patutunguhan, isa lang
ang natitiyak ko, iyon ay ang dahilan, dahilan ng lahat ng ito, na kung saan ang
sarili ko ay unti-unting nasisira, nasisira parang sangang unti-unti ng nabubulok, at
metal na kinakalawang, ito ay nagmula dahil sa aking kapabayaan, kapabayaang
hindi inaasahan, dahil lamang sa aking mga kagustuhan at pagliliwaliw sa
mundong mapanukso na kung saan hinamak ang tama at katotohanan sa ngalan
lamang ng aking kaligayahan, pinabayaan kong lamunin ako ng malakas na pwersa
ng mundong ito mula sa aking mga pangarap, bigla akong nalubog sa kumunoy ng
kawalang pag-asa at napaso ng baga ng pagsuko, samantalang ang pag-aaral ay
patuloy na napapabayaan habang ang mundo'y patuloy sa pagsisikap sa sarili
nitong hangarin, kasabay nito'y patulo'y akong hinihila sa kailaliman habang ang
mga nilalang na kasabay kong nilikha ay tumitingin sa akin ng nakatungo, ngunit
ang araw ay patuloy na sumisikat kung saan ito nagmumula at alam kung ang
Panginoon ang siyang mag-aahon sa akin sa putikang aking kinalugmukan, sa
hukay na aking pinagkahulugan at sa mga batong aking pinagkaipitan, hangga't
mayroon akong hangaring magbago ay hindi mawawala ang pagkakataon na aking
makikita na ang kumukurap na liwanag sa akin ay magniningas ng higit pa sa sulo
sa isa sa mga burol na nakatayo na makikita ng maraming tao. Ito na ang panahon
para hipan ang tambuli, patugtugin ang mga tambol at umpisahan na ang
pagsasanay para sa isang pangarap at iyon ay ang magtagumpay, at ang panimula
ng lahat ng ito ay sa aking sarili. Sigaw para sa tagumpay!

Pagsuko
Sa pag-ulan ng problema

tiyak na tayo'y mababasa

sa lamig na dala'y

tatag ay bibigay

Mga pagkakataong pagsuko ang nasa isip

pagod at hirap ay di na matiis

ngunit napagtanto, walang mabuting hatid

lalo pa ngang ikaw'y binibigkis

Sa bawat gabi'y may buwan

Sa mga problema'y may daan

mula sa Diyos at kaibigan ang paraan

upang ikaw ay matulungan

Anuman ang pinagdadaanan

habang may buhay nasaan ka man

pag-asa ay hatid

kung ikaw man ay mapatid.

Kalungkutan
Lahat ng tao gustong maging masaya, saya na parang bukas ay wala na, na bawat
araw ay susulitin. Ngunit sa kabila nito, tayo'y nakakaranas pa rin ng kalungkutan,
buhat sa problema, karamdaman at maging sa kamatayan, kadalasa'y hindi natin
maiwasan parang panahon na di natin mababago. Sa mga pagkakataong wala na
tayong maasahan at makapitan, mga pagkakataong ang ating mga sarili na lamang
ang ating kakampi, na minsa'y naiisip pa ngang mas mabuti pa ang kamatayan
kaysa magdusa ng lubha. Sakit na higit pa sa sugat mula sa tabak, habang
pinapanuod ang paglubog ng araw damdami'y nawalan ng kulay.

Kagaya ng kasiyahan ,kasalungat nito'y umiiral ang kalungkutan sa lahat ng


nilalang. Iba't-iba ang sanhi o dahilan ngunit iisa ang patutunguhan,kalugmukan,
pagkatalo, pagbagsak, panlulupaypay, panghihina o pagkamatay. Hindi na bago sa
atin ito sapagkat naranasan na natin ang mapait na parte ng ating buhay , sa
bawat hakbang may nasusugatan, may kirot, at meron din sumusuko, sumuko
dahil sa kawalan ng pag-asa, pag-asang mabuhay ng masaya at puno ng tagumpay
dahil sa paulit-ulit na pagkalugmok at sa pagod nang tumayo at lumaban sa buhay,
dahil kadalasan sa bawat paglaban ay palaging natatalo, kaya ngayon ay
sumusuko, maaaring mas mabuti pa nga itong gawin kung alam natin na mas
mabuti ang kalalagayan natin, ngunit hindi , hindi natin alam ang hinaharap
sapagkat ang sa kasalukuyan ay anino lamang ng kinabukasan, kinabukasan na
kahit sa panaginip man ay hindi natin nakita. May mga ilang kilala na bnagsasabing
ang kalungkutan ay parti ng buhay na mabuti na kailangan ito upang maging
balanse ang lahat, sa pagdating ng lungkot tumataas ang paghahangad ng tao sa
ligaya, parang sauce na nkakapagpadagdag ng sarap sa paborito mong manok.
Ngunit ganito nga ba ang halaga nito, ano nga ba ang katotohanan hinggil dito?

You might also like