Sangay ng Quezon Pagtatasa sa Science Ikatlong Baitang, Kwarter 1 Unang Edisyon 2016
Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung itoy pagkakaitan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng Quezon Pansangay na Tagapamanihala : Merthel M. Evardome
Mga Bumuo ng Kagamitan
Konsultant Gerlie M. Ilagan
Mga Tagasuri at Editor: Maria Carla M. Caraan, Monalisa D. Loayon,
Elizabeth Zeta
Mga Manunulat: Bella E. Austria, Princess M. Cauyan, Michelle R. Cerezo
Tagaguhit: Teresita L. Dellosa
Naglayout: Fijiel John S. Mabulay
Punong Tagapangasiwa: Maria Carla M. Caraan
Paunang Salita
Ang kagamitang ito ay inihanda para sa mga mag-
aaral at guro sa Ikatlong Baitang. Layunin nito na mabigyan nang wastong pagtatasa ang mga mag-aaral hinggil sa mga kompetensi na itinakda ng K to 12 Kurikulum. Isinaalang-alang sa kagamitang ito ang gulang, lengguwahe at mga kagamitan na direktang nararanasan ng mga mag-aaral.
Ang kagamitang ito ay kinapapalooban ng limang
(5) uri ng Pagtatasa.
Paunang Pagtatasa Maaaring ibigay sa mga mag-
aaral sa unang araw ng pagtuturo ng kwarter na ito upang tasahin ang dating kaalaman o prior knowledge ng mga mag-aaral. (40 aytem na pagsusulit)
Pormatib Maaaring ibigay ang pagtatasang ito
matapos ituro ang kompetensi na nakasaad sa Curriculum Guide. (5 aytem na pagsusulit)
Lagumang Pagtatasa Maaaring ibigay sa mga
mag-aaral matapos maituro ang mga kompetensing nakapaloob sa bawat nilalaman o content na nakasaad sa Curriculum Guide. (20 aytem na pagsusulit)
Perpormans na Pagtatasa Bawat nilalaman o
content ay may kaakibat na perpormans na pagtatasa at maaari itong ibigay matapos magkaroon ng Lagumang Pagtatasa. Panapos na Pagtatasa Ito ay 40 aytem na pagsusulit na maaaring ibigay sa mga bata pagkatapos ituro ang lahat ng kompetensi sa isang kwarter. Susukatin nito ang natutuhan ng mga mag-aaral sa loob ng isang kwarter.
Ang Revised Blooms Taxonomy at Pagtatasa na
itinakda ng K to 12 Kurikulum ang pinagbatayan sa paggawa ng kagamitang ito.
Inaasahang sa pagsasagawa ng wastong pagtatasa
ay maitataas nito ang perpormans ng mga mag-aaral sa Science.