You are on page 1of 2

2 pulis Caloocan, taxi driver kinasuhan

na ng murder
(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 14, 2017 - 4:23pm

MANILA, Philippines Naghain na ng kasong murder ang


magulang ni Carl Arnaiz laban sa dalawang pulis Caloocan City at
taxi driver kasunod ng pagkasawi ng 19-anyos nilang anak.

Isinampa nina Carlito at Eva Arnaiz sa Deaprtment of Justice ang


kasong paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code laban
kina Police Officer (PO)1 Jeffrey Perez at PO1 Ricky Arquilita.

Dawit din sa kaso ang taxi driver na si Tomas Bagcal na


nagsabing hinoldap siya umano ni Arnaiz.

Imposible magawa ni Carl Angelo ang panghohold-up, wika ni


Eva Arnaiz.

Si Bagcal ang humingi ng tulong kina Perez at Arquilita matapos


siya umanong holdapin ni Carl Arnaiz sa Caloocan.

Ayon naman kina Perez at Aqquilita, armado at nanlaban ang


teenager, ngunit iba ito sa sinasabi ng forensic analysis.

Ayon sa forensic report, ang aming anak ay tinorture at


pinahirapan muna bago siya pinatay. Ito ay salungat sa sinasabi
ng mga pulis sa kanilang police report na nanlaban ng aming
anak, patuloy ng ina ng biktima.

Ang huling nakasama ni Arnaiz na si Reynaldo de Guzman ay


natagpuang patay sa Nueva Ecija na halos tadtad ng 30 saksak.
Holiday sa Martial Law anniversary?
(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 15, 2017 - 6:22pm

MANILA, Philippines Upang maiwasan ang kaguluhan, balak ni


Pangulong Rodrigo Duterte na isuspinde ang pasok sa trabaho at eskwela
sa Metro Manila sa anibersaryo ng Martial Law.

Ito ay sa kabila ng banta ng malawakang protesta ng mga komunistang


grupo.

At this early, I am announcing that I am ordering a holiday para walang


masaktan, walang ano kung may demonstration diyan, magkagulo, wika ni
Duterte sa kaniyang panayam kay Erwin Tulfo.

Wala namang binanggit na petsa ang pangulo para sa kaniyang plano.

Kinakailangan din naman na magkaroon ng proklamasyon ang Palasyo


upang maging opisyal itong holiday.

Walang trabaho ang gobyerno yang araw na 'yan at ang klase


suspended. At lahat ng public places dito na gusto ninyong i-occupy, kunin
ninyo, dagdag ng pangulo.

Kinumpirma naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang plano ni


Duterte. Aniya baka gawin ito sa Setyembre 21 petsa kung kailang
idineklara ni dating Pangulo Ferdinand Marcos ang Proclamation 1081.

During my interaction with him early this week, sinabi niya na pagka-
magkaroon ng massive rally sa Metro Manila at it might inconvenience the
public, para hindi ma-inconvenience, sabi niya, Hindi ko na lang sila
papasukin. I will declare walang papasok sa mga opisina, sabi ni
Lorenzana.

Hindi naman niya sinabi kung anong araw but since the Left is threatening
to have this massive demonstration on the 21st and siguro baka 21st,
dagdag ng kalihim.

You might also like