You are on page 1of 2

How Fire Sprinklers Work?

Ang fire sprinkler ay isang device na ginagamit upang mabilis na maapula ang sunog sa mga
establisyimento. Ito ay may supply ng tubig na makakapagbigay ng tamang pressure at angkop na dami
ng tubig sa piping system, na kung saan nakakonekta ang fire sprinklers. Ang fire sprinklers ay ginagamit
sa halos lahat ng parte ng mundo. Kapag ang buong establisyimento ay may nakakabit na fire sprinklers,
higit sa 96 na porsyento ng sunog ay kayang kontrolin gamit ang fire sprinklers lamang.

Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita kung paano nga ba gumagana ang bawat parte ng fire
sprinkler. Ang isang fire sprinkler ay walang pinagkaiba sa isang faucet o gripo. Katulad ng isang gripo,
ang fire sprinkler ay may butas din sa pipe na kung saan maaaring lumabas ang tubig. Kung sa gripo,
kailangan ikutin ang screw para may lumabas na tubig, sa fire sprinkler, mayroon itong heat-sensitive
plug na kung saan kusang may lalabas na tubig kapag may sunog. Ang ibang fire sprinkler ay gumagamit
ng woods metal, ito ay maaaring pinaghalong bismuth, lead, tin o kaya naman ay cadmium na kusang
matutunaw kapag tumaas ang temperature ng higit pa sa normal na nararanasan tuwing summer.
Maaari din na isang maliit na glass bulb ang gamitin na puno ng likidong glycerin na nag-eexpand at
mababasag kapag uminit. Kahit ano man ang material na gamitin sa isang fire sprinkler, ang plug ay
dapat mabasag upang mabuksan ang fire sprinkler kapag nagkaroon ng apoy sa isang gusali.

Kapag gumamit ng fire sprinkler na gawa sa Woods metal, mayroon itong dalawang spring-like
metal arms (2) na binabalot ng Woods metal (3). Kapag magkadikit pa ang Woods metal, ang spring
arms ay nakalock upang walang makawalang tubig sa tubo ng tubig. Sa baba ng bawat fire sprinkler, ay
mayroong hugis bulaklak na metal na tinatawag na deflector (4).

Kapag nagkaroon ng apoy sa lugar na kung saan ay may fire sprinkler (5), may maiinit na gas na
aabot sa kisame ng gusali (6). Kapag umabot ang temperatura sa 70 degrees celcuis, matutunaw ang
Woods metal, at ito ang magiging dahilan upang bumukas ang dalawang metal arms (7). Kapag naman
ang likidong glycerin ang ginamit sa isang fire sprinkler, mababasag ang hugis bombilya na kinalalagyan
ng glycerin at ito ang magiging dahilan upang may lumabas na tubig sa fire sprinkler. Lumalabas ang
tubig mula sa tubo na nakalagay sa kisame, tumatama ito sa deflector, at bumabagsak ang tubig mula sa
fire sprinkler sa banayad na p araan (8). Kapag maliit lang ang apoy na kailangang apulahin, ang fire
sprinkler lang na malapit sa apoy ang mabubuksan at hindi mabubuksan ang mga malapit na fire
sprinkler ito ay ginagawa upang malimitahan ang masasayang na tubig (9). Subalit, kung hindi kayang
apulahin ng isang fire sprinkler ang apoy, ang mga fire sprinklers sa malapit ay mabubuksan rin hanggang
sa tuluyang maapula ang sunog o hanggang sa may dumating na bumbero.

You might also like