You are on page 1of 1

SINONG NAGSABI?

Sinong nagsabing wika koy walang dangal?


Kasaysayang nagpanday, sa akiy nagbigay buhay!

Bathala man sakiy kinaloob- kaibang talambuhay


Wikang tumikis sa hampas ng tadhanang bigay
Simula pat sapul, ang sa buhay nagbigay-malay
Hanggang sa huli, wikay nag-gawad ng saysay

Sinong nagsabing wika koy walang kaya?


Nagdikta sa hinaharap, tumahi sa Inang Watawat!

Ginapi ang delubyo dala ng Kanluran.


Hinawi ang bagyo nagbuhat sa kadiliman
Dinanas man din sa kalayaay kagutuman
Wikang may lakas, hatid ngay kalunasan

Sinong nagsabing wika koy kawatakan?


Hayut binigkis ang pitonglibong kapuluan!

Samut saring diyalekto, binuo ay ako!


Magbuhat pa sa Luzon patungo sa Kabisayaan
Hanggang sa karurukan ng karagatan ng Mindanao
Kayamanan ay nabigkis sa iisang kalakasan

Sinong nagsabing ang wika koy walang tatag?


Halinat subukin nang masipat ang kalasag!

Kanino ka-ninyo papatalo ang wikang irog?


Sa sikat na Ingles na sa mga taga-ibayong ilog?
Hahaha! Ako bay mababahala sapagkat ako ditoy bihasa?
Sa bandang huli, sa minulatan pa rin akoy hasa!

Sinong nagsabing wika koy tunay na malakas?


Kayo nga! Kayo nga! Tunay kayong pinagpala!

Ang impit na tinig ng wikang minaliit


Sasaan bat maglilinaw hudyat ay katanyagan
Tunay na tatag ng wikang ito
Kayamanang lakas ng pagka-Pilipino..

You might also like