You are on page 1of 8

Alamat Ng Antipolo

Sabi ng matatanda, ang mga magsasakang naninirahan sa kapatagan noong pahahon ng Kastila
ay nagsilipat sa kabundukan upang makaiwas sa kalupita ng mga dayuhan. Sa kagubatan na sila
namalagi para huwag masangkot sa kaguluhang nagaganap sa bayan. Ang patuloy na
paghihimagsikan ay lalong nagpagalit sa mga Kastila. Umisip sila ng paraang maka-paghiganti.
Maraming walang malay na Pilipino ang kanilang pinag-bintangang kasapi ng Katipunan at
ipiniit sa madilim na karsel.

Nabalitaan ng mga naninirahan sa bundok ang gagawing paglusob ng mga guardia sibil sa
kanilang lugar at sila ay natakot. Araw-gabi ang nangangambang mga kababaihan ay walang tigil
sa pagdarasal upang sila ay iadya sa panganib na darating.

Hanggang isang araw, umakyat na nga sa bundok ang mga Kastila. Nakarating sila sa lugar na
kung saan nagkakatipon-tipon ang mga nagdarasal. Sa pagtataka ng lahat ay biglang nagningning
ang punong TIPOLO. Kaginsa-ginsa ay lumitaw ang Birheng Concepcion sa itaas ng puno.
Palibhasa'y mga relihiyoso ang mga dayuhang ito, sila ay nahintakutan at nagsisi.

Marami ang nakakita sa pagmimilagrong iyong ng Birhen. Sila ay nagpasalamat sa saklolong


ibinigay nito. Angmasamang balak ng mga Kastila ay hindi na natuloy, bagkus sila ay
nanganakong ang pook na yaon ay kanilang igagalang. Masaya nilang ipinamalita sa kapwa nila
Kastila ang nakitang pagmimilagro.

"Saang lugar iyon at kami man ay pupunta roon", tanong ng mananampalataya.

"Sa bundok. Itanong ninyo kung saan ang Tipolo at ituturo nila sa inyo." ang kanilang sagot.

Dahil sa paulit-ulit na pagtatanong ng mga taong doon ay dumarayo ng "Saan ang Tipolo?"
tinawag nilang SANTIPOLO ang pook na ito na kalaunan ay naging ANTIPOLO.

Buhat noon, nakagawian na ng lahat, mahirap man o mayaman, ang pamamanata sa mataas na
bundok na ito ng ANTIPOLO lalo na sa panahon ng Mahal na Araw.
Alamat Ng Marinduque

Noong unang panahon, maraming taon na ang nakalilipas, ang mga lalawigan ng Camarines,
Mindoro at Timog Kanlurang bahagi ng Laguna ay nasasakop ng barangay ng Batangas. Ang
namumuno sa barangay na ito ay si Datu Batumbakal. Ang Datu ay may napakagandang anak na
dalaga, si Mutya Maria. Si Mutya Maria ay itinuturing na Reyna ng Katagalugan, sapagka't
taglay niya ang mga katangian ng isang reyna.

Maraming manliligaw si Mutya Maria. Kabilang na rito ang mayamang Datu ng Mindoro,
Laguna at Camarines. Nguni't sinuman sa tatlong ito ay walang damdamin si Mutya. Ang
kanyang napupusuan ay isang hamak na lalaki, si Garduke na kilala sa tawag na Duke. Si Duke
ay mahilig umawit at kumatha ng mga tula. Isa siyang mangingisda.

Ang tatlong datu ay malayang nakakadalaw kay Mutya samantalang si Duke ay maraming ulit na
pinagbawalan ni Datu Batumbakal. Minsang nakita ng Datu si Duke sa palasyo, ito ay kanyang
kinagalitan at ipinagtabuyang palabas. Kahit pa sinabi niyang kagustuhan ng Mutya ang kanyang
pagtuntong sa palasyo upang makinig ng kanyang mga tula ay hindi pa rin siya pinahintulutan ni
Datu Batumbakal.

Magmula noon ay hindi na nakita si Duke. Labis na nalungkot at nangulila si Mutya Maria.
Naglalakad-lakad siya sa bukirin sa pag-asang baka makita niya doon si Duke. At sa dulot ng
tadhana, ang dalawa ay nagkita sa baybayin ng ilog Pansipit.

"Kung sadyang ako'y mahal mo, ipaglalaban mo ito sa anumang paraan." Hamon ni Mutya kay
Duke. Bago naghiwalay ay napagkasunduan sa dalawa na magkita sa hardin ng palasyo sa
pagsapit ng dilim.

Hindi nalingid kay Datu Batumbakal ang pagtatagpo ng dalawa. Kinagalitan niya ang anak at
pinagbawalang makipagkita kay Duke. Isang kautusan ng kanilang barangay na ang mga dugong
maharlika ay nababagay lamang sa kapwa dugong maharlika. Ang kautusang ito ay nilabag nina
Maria at Duke.

Ipinahuli ni Datu Batumbakal si Duke at ito ay pinapugutan ng ulo. Labis itong ikinalungkot ni
Mutya Maria. Ang pag-iibigan nina Maria at Duke ay naging bukambibig sa buong barangay at
dito rin hinango ang pangalan ng isang lugar na ngayon ay kilala sa tawag na lalawigan ng
Maringduque.
Ang Alamat ng Taguig

Pagkaraan ng ilang taon makaraang matuklasan ni Ferdinand Magellan ang Pilipinas, ay


nagdatingan sa ating bansa ang mga dayuhan sda ating bansa.

Nahirapang taqndaan ng mga Kastila ang mga lugar na pinupuntahan nila dahil wala pang
pangalan ang mga ito nang dumating sila.

Naisip ng nakatataas na pinuno ng mga dayuhan na dapat ay magkaroon ng pagsusuri sa lahat ng


pook. Sa gayon,aniya,ay mabibigyan ng pangalan ang bawat bayan at maging ang mga baryong
nasasakupan nito.

Agad nagpahingi ng pahintulot ang mataas na pinuno sa kanilang gobernadorcillo para


makapunta bsila sa kahit saang lugar sa Pilipinas.

Minsan,sa paglalakbay nila ay napadako ang inutusang tatlong Kastila sa isang lugar. Anihan ng
panahong iyon kaya naakit silang pagmasdan ang mga nanggagapas ng palay sa gitna ng bukid.

Aliw na aliw ang tatlong Kastila habang pingmamasdan ang mabibilis na kilos ng mga
kalalakihan habang gumigiik ng inaaning palay. Hinangaan ng mga ito ang kasipagan ng mga
magsasaka na parang walang kapaguran sa paggawa.

Sa kanilang hinay-hinay na paglalakad ay nakarating sila sa tabing-ilog.Mula roon ay nakakita


sila ng maraming bahay sa kabilang ibayo, Ibig ng tatlo na pumunta doon upang makapagtanong.
Gusto nilang malaman kung anong bayan ang masasakop sa malawak na kapatagang iyon subalit
takot namang tumawid sa tulay ang mga ito. Yari lang kasi sa kawayan ang tulay at luma-
langitngit kapag matatapakan. Natatakot silang baka mahulog. Nagpasya na lang sila na
ipagpatuloy ang paglalakad.

Sa paglalakad nila ay nakasalubong nila ang isang magsasaka. Ito rin ang kanilang
napagtanungan sa Wikang Kastila dahil hindi pa sila marunong magsalita ng katutubong wika ng
mga dayuhan.

Sa pamamagitan ng senyas ay para na rin silang nagkakaintindihan. Itinanong ng mga Kastila


kung ano ang pangalan ng lugar na iyon. Ang pagkakaintindi naman ng magsasaka ay kung ano
ang ginagawa ng mga kasamahan niya sa bukid.Nakaturo kasi ang daliri ng nagtatanong na
Kastila sa malawak na bukid. Mabilis na sumagot ang magsasaka.

"Ah,iyon ba? Sila ang magsasakang tagagiik."

Masayang bumalik sa kanilang piununo ang tatlong Kastila.Ibinalita nila ang pangalan nila ang
bayang napuntahan. Palibhasa ay malayo ang kanilang nilakad at nabulol sa pagsasalita,ang
pagkakaintindi ng tagasulat ay taguiik.

Kaya nang dumating ang panahon.ang salitang taguiik ay napalitan ng taguig para mabilis
tandaan at mabilis din bigkasin. Mula noon, hanggang ngayon, ang tawag nila dito ay Taguig.
Alamat ng Batangas

Kung saan nagmula ang pangalan ng mayamang lalawigang Batangan na ngayoy lalong
kilala sa tawag na Batanggas, ay siyang inihahayag ng maikling alamat na ito.
Matagal nang panahon ang nakalilipas, nang ang isang pangkat ng mga Kastila ay
maglibot sa isa sa mga lalawigan sa may timog sa Gitnang Luzon. Nang mga panahong iyon ay
wala pang mga sasakyang kagaya ng awto, trak o diyep na tulad ngayon, kaya ang
nagsisipaglibot na pangkat ng mga Kastilang iyon ay nagsisipaglakad lamang.
Nakaratig sila sa mga pook na naggugubat sa sari-saring halaman at sa kapatagang
tinutubuan ng ibat-ibang punongkahoy. Doon sila nakakita ng mga puno ng kape, kakaw,
abokado, suba, dalandan, dayap at kalamansi. Tangi sa kagandahan ng kailikasang iyan, ang mga
Kastilang iyon ay nakarating pa rin sa isang malinaw na batis na may kaaya-ayang ugos ng tubig.
Kayat libang na libang sila sa magagandang tanawin na kanilang namamasdan hanggang sa
makarating sila sa isang pook na napakadalang ang bahay.
Sa kababaan ng paglalakbay, ang pulutong na mga Kastila yaon ay inabot ng matinding
gutom. Sa gayon ay nagpatuloy pa sila sa paglalakad, sapagkat hangad nilang makasumpong ng
taong mahihingian nila ng kahit kaunting pagkain.
Hindi naman natagalan at sa kakalakad nila ay nakarating sila sa isang pook na may ilang
taong gumagawa ng batalan ng isang bahay. Hindi nalalaman ng mga Kastila na ang nagsigawa
ng nasabing batalan ay pawing bataris lamang, na ang ibig sabihin ay walang upa ang
nagsisigawang mga anluwage. Iyan ay isang kaugalian ng mga Pilipino sa diwa ng kusang
pagtutulungan, na maipagmamalaki sa Dulong Silangan.
Ang mga Kastila ay lumapit sa mga taong yaon, na sa palagay nila ay mababait at
mapitagan. Hindi naming nagakabula ang kanilang palagay, sapagkat nang mapansin ng mga
iyon na sila ay pagod at gutom ay binigyan sila ng pagkain. Gayon na lamang ang kanilang
pasasalamat at habang silay nagkakainan ay sila-sila na rin ang nag-uusap tungkol sa
kagandahang loob ng mga Pilipino.
Nang ang mga Kastila ay makakain, bago umalis at nagpaalam ay magalang na nagtanong
ang pinakapuno nila sa mga tao:
- Como, se llama esta provincial?
Bagamat ang itinatanong ng punong Kastila ay kung ano ang pangalan
ng lalawigang iyon, sa dahilang ang tanong ay binigkas sa wikang kastila, ay hindi siya
naunawaan ng mga tao. Ang akala naman ng punong anluwage ang itinatanong niyon ay kung
ano ang kanilang ginagawa, kaya siya ang nangahas na sumagot:
- Batalan, senyor.
- Batalan? ulit ng tanong ng pinunong Kastila.
Sabay-sabay na tumango ang kaharap na mga tao kayat ang akala ng
Pinuno ay iyon na ang ngalan ng lalawigan. Hanggang sa umalis ay inusal-usal ang salitang
BATALAN.
Nang dumating sila sa kanilang kuwartel, dahil sa kalituhan sa kauusal sa salitang
batalan ang naibigay tuloy sa kanilang pinakamataas na puno ay ang katagang BATANGAN.
At mula nga noon iyon na ang naging pangalan ng nasabing lalawigan, na kaya lamang napalitan
ng BANTANGGAS ay sa dahilan sa ating salitang BATANGAN ay hindi mabigkas na mabuti
ng mga Kastila.
Alamat ng Malate

Ang Malate ay isang lugar sa Maynila. Ito ay karugtong ng Mabini at Harrison, malapit sa Roxas
Boulevard at sa tabi nito ay dagat. Kung paano naging Malate ay siya nating isasalaysay.

Mayroong dalawang magkapatid na si Maria at si Jose. Madalas silang naliligo sa tabi ng dagat.

Isang araw habang naliligo ang magkapatid ay may napadaang mga dayuhan at ito ay ang mga
Kastila.

Sa maraming pagkakataon ang mga dayuhan ay mahilig magtatanong sa mga pook at lugar na
kanilang dinaraanan pagkat bahagi ito ng kanilang pagsisiyasat.

Nang mga sandaling yaon ang magkapatid ay nag-aayos ng kanilang dalang baon. Kakain na
lamang sila ng mapuna nila na wala pala silang dalang tubig, mabuti pa yata'y uminom na lang
tayo ng tubig sa dagat ang wika ni Jose. Biglang tumungo ito sa dagat at tinikman ang tubig.

Samantala ang mga kastila na namamasyal ay palapit kay Maria at itinatanong sa kanya ang
pangalan ng pook sa wikang Kastila. Hindi ito maintindihan ni Maria sa halip ay tinawag ang
kapatid na si Jose, kasalukuyang tumitikim si Jose ng tubig sa dagat.

Pasigaw na pinaalam nito kay Maria ang tubig dagat. "MA-ALAT ATE! MA-ALAT ATE!"
Narinig ito ng mga Kastila at inakala ng mga ito na ang pasigaw na sinabi ni Jose ay ang
pangalan ng pook. Magmula noon ay pinangalanan at tinawag ng mga Kastila ang nasabing pook
na MALATE, hango sa tubig dagat na ma-alat ate!
Alamat Ng Malate
Alamat Ng
Antipolo
Alamat Ng
Marinduque
Ang Alamat ng
Taguig
Alamat ng
Batangas
Alamat ng mga Lugar

Paula Beatriz Y. Opia

Grade 7

You might also like