You are on page 1of 13

Siena College of Taytay

Taytay, Rizal
Integrated Basic Education
AY 2016-2017

PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG CYBERBULLYING SA MGA MAG-AARAL NG


SIENA COLLEGE OF TAYTAY

Stephenie Van M. Gonzaga


Precious Gem Loren J. Tuazon
Wiwona May L. Aragon

Marso, 2017
PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG CYBERBULLYING SA MGA MAG-AARAL NG
SIENA COLLEGE OF TAYTAY

Papel na iniharap sa mga kaguruan ng Siena College of Taytay.Taytay, Rizal.

Isang bahaging kailangan sa pagtatamo ng pag-aaral ng Filipino 11-Pagbasa at Pagsusuri ng


Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Stephenie Van M. Gonzaga


Precious Gem Loren J. Tuazon
Wiwona May L. Aragon

Marso, 2017
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang papel-pananaliksik na pinamagatang Pag-aaral Ukol sa Epekto ng Cyberbullying sa

mga Mag-aaral ng Siena College of Taytay, ay inihanda at isinagawa ni/nina Stephenie Van M.

Gonzaga, Precious Gem Loren J. Tuazon at Wiwona May L. Aragon, bilang bahagi ng mga

gawaing kailangan sa pagtatamo ng pag-aaral ng Filipino-11 Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto

Tungo sa Pananaliksik.

Tinanggap bilang bahaging kailangan sa pagtatamo ng pag-aaral ng Filipino-11 Pagbasa

at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik.

Petsa Guro Lagda


PASASALAMAT

Kami po ay lubusang nagpapasalamat sa mga naging bahagi ng aming pag-aaral na ito.

Nang dahil sa kanila mas lalo pang lumawak ang aming kaalaman. Kung hindi dahil sa tulong

nila hindi kami makakakuha ng mga impormasyon na makakatulong para maipabahagi din sa iba.

Kay Gng. Cornelia Lucero ang aming pinakamamahal na guro sa Pagbasa at Pagsuri ng

Filipino 11 kami ay lubusang nagpapasalamat sa walang sawang pagsuporta at pag- unawa na

ibibinigay ninyo sa amin sa paggawa ng aming panahong papel kayo ang gumabay sa amin

upang matapos ang aming pananaliksik.

Sa aking mga kaibigan na tumulong at nagbigay ng kanilang mga saloobin na nakatulong

din sa amin upang matapos ang aming pananaliksik patungkol sa Cyberbullying. Nang dahil sa

kanilang karanasan at kaalaman naging maganda ang resulta ng aming pananalksik.

Sa aming magulang na tulong at umintindi dahil sa aming pagiging abala sa gawaing ito.

Sa tulong ng kanilang pinansyal hindi man ito gaano kalaki ay nakatulong pa din ito upang

matapos ang aming gawain kami po ay nagpapasalamat sa inyo.

At higit sa lahat, kami ay nagpapasalamat sa Poong Maykapal dahil kahit gaano kahirap ang

dinanas namin nandiyan pa din siya upang palakasin ang aming loob na matapos ng maayos ang

pananaliksik na ito.
PAGHAHANDOG

Ang Pananaliksik nito ay hinahandog namin sa mga estudyanteng nakakaranas ng

Cyberbullying sapagkat ang mga batang ito ay naging matatag upang harapin ang kanilang

mga problema at suliranin sa buhay. Sila din ang naging inspirasyon namin upang matapos ang

pananaliksik na ito.

Ito ay taos puso naming inihahandog kay Gng. Cornelia Lucero na walang sawang sumuporta at

umunawa saamin. Siya ang nagbigay ng gabay upang matapos ng maayos ang aming panahon

papel.

Inihahandog din naming ito sa aming mga magulang na patuloy na umaalalay at gumagabay sa

lahat ng aming ginagawa. Ito din ay aming inihahandog sa aming paaralang Siena College of

Taytay dahil kami ay nabigyan pagkakataon na makapasok at makapag- aral sa paaralang ito .

Inihahandog din naming ang pag-aaral na ito para sa mga magulang ng mga biktima ng

Cyberbullying sapagkat nais namin silang bigyan ng paalala na kung ano man ang maging

resulta ng pag-aaral na ito, maging gabay na sila sa kanilang mga anak na nakakaranas ng

Cyberbullying.

Inihahandog din naming ito sa Panginoong may Kapal na nagbibigay ng lakas at katalinuhan sa

amin para ito ay maisagawa ng maayos.


ABSTRAK
TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT NG MANANALIKSIK

DAHON NG PAGPAPATIBAY

DEDIKASYON

PASASALAMAT

PAGHAHANDOG

ABSTRAK

KABANATA I : PROBLEMA AT ANG NILALAMAN

Panimula

Konseptong Balangkas

Pahayag ng Problema

Kabuluhan ng Pag-aaral

Saklaw at Limitasyon

Depinisyon ng Terminolohiya

KABANATA II : PAGSUSURI NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG

AARAL

Banyagang Panitikan

Lokal na Panitikan

Banyagang Pag-aaral

Lokal na Pag-aaral

Pagbubuo
KABANATA III : ANG PARAAN NG PAGRISERTS

Disenyo ng riserts

Mga Tumugon sa Pag-aaral

Lokal na Pag-aaral

Instrumentong Pagtitipon ng Datos

Prosidyur ng Pag-aaral

Estatistikong Pagtatalakay

KABANATA IV : PRESENTASYON, ANALYSIS AT INTERPRETASYON

Profile ng mga Tumugon

Analysis ng mga Datos

KABANATA V : BUOD, KONKLUSYON, REKOMENDASYON

Buod

Konklusyon

Rekomendasyon

Sanggunian

Biblyograpiya
Mga Dahong Dagdag

Dahon A : Liham ng Hiling

Dahon B : Palatanungan

Dahon C : Tally Sheet

Kurikulum Bita
KABANATA I : PROBLEMA AT ANG NILALAMAN

Ang kabanata na ito ay naglalaman ng Problema at ang Nilalaman. Kabilang dito ay ang mga

Panimula, Konseptong Balangkas, Pahayag ng Problema, Kabuluhan ng Pag-aaral, Saklaw at

Limitasyon, Depinisyon ng Terminolohiyang ginamit sa pag-aaral na ito.

Panimula
Ang henerasyon na ito ay nahuhumaling sa teknolohiya. Maraming kabataan ang nag-

nanais na maki-isa sa mga bago sa panahong ito. Karamihan ay gustong maging sikat sa social

media sa pamamagitan ng paglalagay ng mga saloobin, litrato o bidyo sa facebook.

Nagdadagdag din sila ng mga kaibigan sa kanilang account kahit hindi nila ito mga kilala. Hindi

nila ito pinapansin dahil ang nais lamang nila ay makakuha ng matataas na bilang ng Likes.

Ngunit hindi lahat ng mga kaibigan nila sa facebook ay totoo. Ang iba ang patalikod na siyang

pinag-uusapan. Kapag nakabuo na ng samahan ang mga bumabatikos sa isang tao sa facebook ay

agad nila itong pagkaka-isahan sa pamamagitan ng pag-komento, pag-lalagay ng mga negatibong

impormasyon sa isang tao at ito ang tinatawag na Cyberbullying

Ang Cyberbullying ay isang uri ng pananakot kung saan gumagamit ng teknolohiya ang

mga nambibiktima tulad ng mga cellphone at kompyuter kasama na nito ang pag-gamit ng mga

social media, pagpapadala ng mensahe, paglagay ng mga nakakahiyang litrato at bidyo. Maaari

din gumawa ng pekeng account sa mga social media tulad ng facebook, twitter at instagram.

Ang pag-aaral na ito ay para malaman kung anong klaseng Cyberbullying ba ang

naranasan nila. Anu-ano nga ba ang epekto ng cyberbullying sa mga kabataan sa Siena College

of Taytay at kung ilan na ba ang nakaranas nito.


Konseptong Balangkas

Simula Proseso Kinalabasan

Humanap ng mga artikulo Gumawa ng mga tanong Nalaman ang mga datos ukol

gamit ang internet na may para ipa-sagot sa mga sa dahilan, epekto at mga

katunayan na estudyante ng Siena College nakaranas na ng

pinagbabatayan. of Taytay. cyberbullying.

Ang Konseptong Balangkas na ito ay pinapakita kung paano gagawin ang pag-aaral

tungkol sa Cyberbullying. Ang unang gagawin ay ang maghanap ng mga artikulo at datos na

mapapakinabangan at may kaugnayan sa Cyberbullying. Ang sumunod naman ay ang mag-talaga

o gumawa ng mga katanungan na ipapasagot sa mga mag-aaral ng Siena College of Taytay. Ang

huling proseso naman ay ang kinalabasan o produkto ng pag-aaral na ito. Dito na natin

malalaman ang kinalabasan ng ginawang pag-aaral sa tulong din ng mga estudyante ng Siena

College of Taytay.
Pahayag ng Problema

Citation
https://www.stopbullying.gov/cyberbullying/what-is-it/

You might also like