You are on page 1of 2

Bago tayo magsimula sa ating aralin, alamin muna natin ang kahulugan ng pamagat ng kabanatang

ating tatalakayin ngayon.

Sa Kubyerta, ano nga ba ang ibig sabihin nito? Para sa kaalaman ng iba, ang kubyerta ay isang bahagi
ng barko na kung saan itoy mataas at ayon sa istoryang matutunghayan niyo ngayon, ditto
namamalagi ang mga matataas na opisyal at iba pang makapangyarihang tao.

Ginanap ang unang kabanata noong Disyembre ng umaga kung saan naglalayag patungong Laguna
ang Bapor Tabo.

Maari niyo bang ilarawan ang Bapor tabo? ( magtawag sa klase )

Muling papasok sa istorya si Dona Victorina na wala pa ring ipinagbabago. Nagpapanggap pa din
siyang isang Taga-Europeo.

Siya at sina Don custodio na mahimbing natutulog, Padre Irene na nagbibigay ningning sa mga pari at
si Simoun na mag-aalahas ang maari mong makita sa itaas na dako ng barko

Di kalaunan, mas lalong uminit ang ulo ni Donya Victorina sapagkat kinuwestyon nito ang kanilang
routa dahil tila para daw mali ang kanilang dinaraanan. Agad naming sinagot ito ng kapitan na
maaring makapinsala sa palayan at mga pananim kung magpapatuloy siyang magpatakbo ng
matulin.

Agad naming sumabat si Dona Victorina at sinabing wala ni-isa na maayos na lawa sa buong
kapuluan. Ngunit mabilis na sumagot si Simoun. ( Maari niyo bang ilarawan muna si Simoun? )

Bumaling lahat kay Simoun sapagkat ang solusyong naisip niya ay walang gagastusin.

Ano ang solusyong naisip ni Simoun? ( magtawag sa klase )

Nagulat ang lahat at tumutol si Don Custodio sa gustong mangyari ni Simoun sapag maari daw itong
makapinsala ng maraming bayan.

Sumagot si Simoun at sinabing walang masama kung masisira ang bayan. Iminungkahi pa nga niya
ang sapiliting paggawa sa mga preso at sa mga mamamayan na walang matatanggap na sahod at
sarili mismong gamit ang marapat na gamitin.
Ibinase niya ito sa ideya ng paggawa ng piramide sa Ehipto. Natakot at nag-alala si Don Custodio na
maari itong maging tulay sa isang himagsikan

Binalaan ni Don Custodio si Simoun na magdahan-dahan sa kanyang pananalita. Agad naming


dinepensahan ni Simoun ang sarili at sinabing ibinabahagi lamang niya ang kanyang naisip na
solusyon.

Nagkaroon ng mainit na sagutan ang dalawa at sinabi ang kanya kanyang opinion sa pwedeng
mangyari. Kalaunan, hindi na pinansin ni Simoun ang mga katwiran ni Don Custodio at bago siya
lumisan, sinabi niyang hindi na muling maghihimagsik ang mga mamamayan. Nakakita si Don
Custodio ng kanyang katapat.

You might also like