You are on page 1of 2

TUTOL ang mga lider ng Simbahang Katoliko sa panukalang muling buhayin ang death penalty sa bansa

dahil hindi naman ito makakasugpo sa laganap na krimen sa Pilipinas.

Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, sa halip na buhayin ang death penalty ay hulihin
ang mga kriminal at mabilis na ipataw ang hustisya sa mga krimen upang masugpo ang anumang
kriminalidad.

Iginiit din ni Bacani na hindi napapanahon at hindi na dapat ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Inihayag pa ni Bacani na kaya malakas ang loob ng marami na gumawa ng krimen dahil hindi naman sila
nahuhuli.

Kung mahuli man aniya ay matagal naman maigawad ng hukuman ang hatol lalo na kung mayayaman at
maiimpluwensiya ang nakagawa ng masama.

Mabilis na paghuli sa mga kriminal at mabilis na pagbibigay ng hustisya sa mga kaso ang dapat atupagin
ng pamahalaan at mga mambabatas. Hindi talaga napapanahon at hindi dapat ang death penalty na
ibalik pa, napakalaking biyaya sa ating bansa ang pag-alis sa death penalty, ani Bacani.

Sa totoo lang hindi naman ang death penalty ang nakakatulong na sugpuin ang krimen kundi ang
talagang nakapipigil ay ang paghuli at ang mabilis na pagpapataw ng hustisya sa mga nagawan ng
kasamaan. Iyon ang talagang nakakapag- encourage o nakakapagbigay ng lakas ng loob sa marami na
gumawa ng masama, aniya pa.

Sinabi pa ng Obispo na hindi na dapat ibalik ang death penalty sa Pilipinas dahil marami ng bansa sa
buong mundo ang nagsisisi at inalis ang parusang kamatayan.

Sinabi rin nito na kinakailangang bigyan ng suporta at sikaping matulungan ang mga biktima ng krimen
na magkaroon ng katarungan para magkaroon ng healing ang kanilang damdamin at maabsuwelto
naman ang mga walang kasalanan.
Ayon sa Exodo 20:13, kung saan ipinagutos ng Diyos sa sangkatauhan na Huwag kang papatay,
ipinahihiwatig dito ang kahalagahan ng buhay. Marami sa mga sumusuporta sa adbokasyang pro-life ang
naniniwalang ang hatol na kamatayan na siyang muling ipinanukala ni Senador Vicente Tito Sotto III ay
taliwas sa pagiging pro-life. Ngunit di na kaila sa ating lipunan, madalas ay ang inosente ang siyang
napapatawan ng parusa sa kadahilanang kulang ang kakayahang kumuha ng mga magagaling na
abogado o tagapagtanggol dala na rin ng kahirapan.

Taliwas sa kaalaman ng nakararami, ang Simbahang Katolika ay hindi tuluyang kinokondena ang
paghatol ng kamatayan. Napakahaba na ng panahon kung saan ibinigay ng Simbahan sa isang Estado
ang karapatan upang maghatol ng kamatayan. Ngunit ito ay gagawin lamang sa kadahilanang ito ay
naayon sa Diyos, makabubuti sa mas nakararami at hindi mayroong saysay.

Ipinapakita sa Lumang Tipan ng Banal na Kasulatan sa Genesis 9:6 ang hatol na kamatayan sa sinumang
nakapatay, Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo:
sapagkat sa larawan ng Dios nilalang ang tao. Maging sa Bagong Tipan nababangit sa Mga Taga-Roma
13:4 Sapagkat siyay ministro ng Diyos sa ikagagaling mo. Datapuwat kung ginagawa mo ang masama,
ay matakot ka; sapagkat hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagkat siyay ministro
ng Diyos, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.

Ang Inang Simbahan ay mapangunawa higit sa lahat sa mga dukha. Ang paghatol ng kamatayan ay hindi
niya sinasangayunan, lalo na kung ito ay magdudulot lamang ng kawalan ng hustisya.

Naniniwala ang Simbahan na ang mga korte ang siyang may layunin sa pagpataw ng parusang
kamatayan. Ilan sa mga ito ay: pagbabago sa kriminal; proteksyon ng nakararami mula sa kriminal; at
upang hindi na tularan pa ang kriminal.

Ang nais ng Simbahan ay gawin ang lahat ng paraan upang ang nakagawa ng krimen ay magbago at ang
hatol na kamatayan ay ang pinakahuli at nalalabing hakbang na lamang.

You might also like