You are on page 1of 2

Pagbilang

Isa, dalawa, tatlo hahanapin ka na ni nanay! sigaw ng babaeng nakatakip ang


mata upang hindi makita ang bata. Nagmadaling magtago si bunso, sabik na sabik
makipaglaro sa Ina.
Nang makitay biglang nagtatakbo, ngunit biglang ring nadapa. Dapit- hapon ay
maririnig ang iyak ni bunso at lumapit ang nangangambang ina. Tuloy tuloy na
umiyak si bunso dahil sa hapdi ng sugat.
Isa, dalawa, tatlo hihipan na ni nanay para hindi na umiyak si bunso! Masiglang
sabi ng nanay at sa isang iglap ay nawala ang sakit . Sa paggising sa umaga upang
pumasok ay umupo sa hapagkainan. Pinagdikit ang dalawangt kamay at
nagpasalamat dahil meron siyang tinatawag na nanay.
Isa, dalawa, tatlo susubuan ka ni nanay! Sabay taas ng kutsara. Ayaw man ang
pagkain ay napapasubo si bunso dahil sa nanay.

Nagdaan ang mga taon ay tumanda na si bunso. Namulat sa mga kasamaan


meron ang mundo. Sa sugal ay lagi siyang talo. Sa alak ay lagi siyang sinusundo.

Isa, dalawa, tatlo hahalikan kana ni nana-- ng bigla mo siyang pagsarhan ng


pintod sa takot na baka makita ka ng mga kabarkada mo.
Isa, dalawa, tatlo yayakapin kana ni nana-- ng bigla mo siyang itulak dahil sa
pangambang baka may makakita sainyo.

Lagi mo siyang tinutulak papalayo kahit na hinihila ka niya palapit. Lagi mo


siyang pinagsasarhan ng pinto kahit sa gabiy ikay kanyang pinagbubuksan. Lagi kang
umaalis pero siya? Siya ay lagi kang hinihintay. Ano ba ang inyong ikinababahala? Na
malaman ng iba ang nanay moy isang baliw?
Maari, ngunit ang baliw na babaeng iyong tinutukoy ay ang nag-alaga sayo
noong panahong hindi ka pa mulat. Ang babaeng tinatawag mong baliw ay ang
babaeng asyos tapat. Ang babaeng tinatawag mong baliw ay ang babaeng
minamahal at inaaruga dapat.

Sumama ka sa barkada, inom dito, gala roon, walwal dito, party doon. Sabay
sabay kayo nag sasaya ng magkagulo. At ang ating sambit mo ng oras na yon ay
nanay
Nagmadali kang umuwi sa bahay sa takot na baka masama ka sa gulo. Sa
pag-uwi mo ay tahimik ang lahat. Naninibago. Pinihit mo ang busol ng pinto at nakita
si nanay.

Isa, dalawa, tatlo nakahiga na si nanay. Pinipilit mong gisingin nguniit walang
tugon.
Isa dalawa tatlo, magising ka nanay mahal na mahal ka ni bunso

Isa dalawa tatlo, nawala na siya sayo.

All: Ikaw, ikaw, ikaw

OO KAYO,

OO KAYONG LAHAT, ANO NGA BANG GINAWA NIYO NG KAMIY NAABUSO?

(TAWA)

ALL: OO NGA PALA, WALA.

You might also like