You are on page 1of 4

Mendoza, Jessa Patricia Anne B. Mrs.

Alma Sabulao
TREDFOR A53 August 9, 2017

The Evolving Role of Marriage: 1950-2010


Shelly Lundberg and Robert A. Pollak
The Future of Children, Vol. 25, No. 2, Marriage and Child Wellbeing Revisited (FALL
2015), pp. 29-50
Princeton University

1. Bakit mo pinili ang artikulong ito?

Pinili ko ang artikulong ito dahil nais kong malaman ang mga pagbabago sa buhay ng
pagiging kasal o may-asawa sa haba ng panahon. Dahil pabago-bago ang mga gawi ng tao,
kasama nitong nagbabago ang ilan sa mga kultura at mga nakasanayan ng lipunan. Isang bagay
ang nananatili at hindi nagbabagoang kahulugan ng pag-aasawa at ng pamilya. Interesante
para sa akin ang paksa ng pag-aasawa dahil normal ito sa kultura ng mga Pilipino. Nakakabit
sa kultura ng mga Pilipino ang pagiging family-oriented. Nais ko ring malaman kung ano ang
mga pagbabagong nagaganap sa pag-aasawa ng iba't ibang henerasyon at kung paano
nababago ang pagpapatakbo ng isang pamilya. Nangangarap ako na balang araw,
magkakaroon ako ng isang masayang pamilya kaya naman mahalaga para sa akin na pag-
aralan ang mga ganitong uri ng paksa. Nais kong malaman kung nananatili pa ba ang esensya
ng pag-aasawa at pagbubuo ng isang pamilya sa panahon ngayon. Dahil sa pag-usbong ng
mga bagong ideya, nagbabago ang pamamaraan ng pag-iisip ng mga tao lalo na ng mga
kabataan. Sa kasalukuyan, may ilang mga kabataan, o tinatawag na mga millennial, na pinipiling
hindi mag-asawa. Sa artikulong ito, malalaman ang iba't ibang aspeto kung ano ang naging
katalista sa pagbabagong ito.

1
2. Ano ang problemang inihain sa artikulo?

Sa artikulo, inihain ang problema ng pagiging kaunti ng bilang ng mga kabataang


pinipiling hindi mag-asawa. Sinasabi sa artikulo na mas pinipili na ng ilan sa ngayon ang
cohabitation o mas kilala sa terminong live-in ng mga Pilipino. Nagiging alternatibo ito sa pag-
aasawa at mas marami na ang mga taong mas pinipili ito kaysa sa kasal. Sinasabi rin sa artikulo
na isa sa mga pinakabumaba ang bilang ng mga pag-aasawa sa mga lugar kung saan mas
angat ang antas ng kahirapan. Marami ang iniisip ang ideya ng kasal, at negatibo ang kanilang
pagtingin dito dahil sa maraming aspeto lalo na pagdating sa pinansyal. Mahirap ang
magpakasal. Bukod sa dami ng gastusin, mahirap ang magpalaki ng anak. Kaya naman mas
pinipili ng ilan na hindi na lang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya. Noong mga unang
panahon, agad nang nagpapakasal o nag-aasawa ang mga taong katatapos lang sa kanilang
pag-aaral. Noon, isa sa mga prayoriti ng mga tao ang pag-aasawa at mas marami ang
nangangarap ng kasal kaysa sa kasalukuyang panahon. Ayon sa artikulo, mas mataas ang
porsyento ng matagumpay na kasal o pag-aasawa sa mga mas nakaaangat sa lipunan at dahil
sa hirap ng buhay sa ngayon, hindi na ito nakakamit ng karamihan.

3. Ano ang ginamit na metodo ng mananaliksik upang masagot ang mga problemang
inihain?

Gumamit ng iba't ibang datos ang mananaliksik upang masagot ang mga problemang
inihain sa mga unang bahagi ng papel. Ginamit ang mga datos na ito upang ipagkumpara ang
porsyento o posibilidad ng pag-aasawa noon at ngayon. Nakatulong ang mga datos upang
masagot ang mga problema. Nagpakita ng mga graph at talahanayan ang mananaliksik upang
makita ng mga mambabasa ang mga pagbabago sa bilang ng mga pinipiling magpakasal mula
taong 1950 hanggang 2010. Qualitative ang piniling metodo ng mananaliksik upang ikumpara
ang mga nakalap na resulta. Mas epektibo ang ganitong metodo sa paksa ng pag-aaral dahil
mas makikita ng mga mambabasa ang pagkakaiba ng mga datos na ipinapakita sa bawat
suliranin.

2
4. Ano ang naging resulta ng pag-aaral?

Napag-alaman sa pag-aaral na malaki ang pagkakaiba ng bilang ng mga pinipiling mag-


asawa noon at ngayon. Isang halimbawa ng paggamit ng datos ng mga taong mag-asawa na
nasa edad 30-44 sa kasalukuyan. Makikita sa datos na malaki ang pagbabago sa bilang ng mga
nag-aasawa at unti-unti itong bumababa. Nakapokus sa dalawang puwersa ang mga
dalubhasang pinag-aaralan ang pagbaba ng bilang ng pagpapakasal sa kasalukuyanang
pagbaba ng ekonomikal na oportunidad para sa maraming lalaki at pagtaas naman ng
ekonomikal na oportunidad para sa mga babae. Ayon naman sa mga ekonomista, pinipili ng
mga indibidwal ang mas makakapag-angat sa kanilang katayuan sa buhay. Dahil dito, nawawala
na o hindi na kabilang ang pagpapakasal sa kanilang prayoriti sa buhay. Mas pinipili na rin ng
mga tao ngayon ang konsepto ng cohabitation. Unti-unti na rin itong tinatanggap sa lipunan dahil
habang tumatagal, mas lalong nagiging liberal ang mundong ating ginagalawan.

5. Paano mo maiuugnay ang artikulong ito sa iyong buhay-estudyante ng kasalukuyang


panahon?

Dahil sa pabago-bagong ideyang kumakalat sa panahon ngayon, mas nagiging


interesado ako sa pagiging iba ng pag-iisip ng mga kabataan o ng mga millennials. Marami
akong nakikita sa social media na mga artikulong ibinabahagi ng mga kabataan tungkol sa pag-
aasawa. Marami ang nagsasabing naghahangad silang ikasal balang araw, ngunit napansin ko
rin na dumarami na rin ang naniniwalang hindi ito mahalaga. Dahil dito, para sa akin, nawawala
na ang kahalagahan ng konsepto ng kasal. Hindi na ito nabibigyan ng importansya dahil sa isa
pang mapagpipilian ng mga kabataan, ang cohabitation. Mahalaga para sa akin ang pagiging
maalam sa mga ganitong paksa dahil hinahangad ko na ikasal balang araw at bumuo ng isang
pamilya. Mahalaga na malaman ko ang iba't ibang aspetong nagbabago sa ating lipunan at kung
ano-anong bagay ang mga tinatanggap na ng lipunan sa kasalukuyang panahon. Bilang isang
estudyante na nag-aaral tungkol sa pag-aasawa, isang mahalagang paksa ito dahil malalaman
ko kung buhay pa ba at litaw ang kulturang ito sa ating bansa. Sa aking palagay, hindi pa ito
mawawala sa ating kultura at patuloy pa rin ang ideya ng pag-aasawa at kasal sa haba ng
panahon.
3
6. Ano-ano ang mga bagay na nadiskubre mo habang binabasa ang artikulo?

Nalaman ko na unti-unti nang tinatanggap ang konsepto ng cohabitation sa ating lipunan.


May malaking epekto ang ekonomikal na aspeto sa desisyon ng mga tao tungkol sa ideya
ng pagpapakasal.
Malaki ang bilang ng mga hindi pinipiling mag-asawa kung ikukumpara noong unang
panahon.
Malaking bahagi ng pag-aasawa o pagbuo ng pamilya ang pamumuhunan sa
pagpapalaki ng mga anak.
Mas mahalaga na sa mga tao sa kasalukuyang panahon ang pagkakaroon ng
magandang edukasyon kaysa sa pag-aasawa.

7. Ano ang iyong mga komento tungkol sa artikulo?

Marami akong natutunang bagong kaalaman tungkol sa statistika ng pag-aasawa.


Nakatulong ang pagpapakita ng graph upang aking maisip ang malaking pagbabago sa
datos ng pag-aasawa.
Sumasang-ayon ako na malaki ang epekto ng ekonomikal na aspeto sa pagpili ng mga
tao sa ideya ng pagpapakasal dahil sa dami ng gastusin at dami ng kailangang ihanda
bago ang kasal.
Maayos na naibahagi ang mga ideyang matatagpuan sa artikulo.
Maraming kaalaman ang maibabahagi ng artikulo sa mga mambabasa.

You might also like