You are on page 1of 3

Flisvos Marina - Palaio, Faliro

Ang Flisvos Marina ay itinuturing bilang The Mega-Yatch Destination in Greece dahil sa
kalawakan ng dagat na pwedeng paradahan ng mga yate o maliliit na barko. Hindi lang dagat ang
malawak pati na rin ang lugar na pwedeng pasyalan ng mga pamilya at kabataan. Pinapasyalan ito
dahil sa maraming masasayang gawain na pwedeng libangan ng mga tao.
Isa sa mga dahilan kung bakit magandang pasyalan ang Flisvos Marina
ay dahil sa sariwang simoy ng hangin na dala
ng dagat na nilalanghap at nararamdaman
ng mga tao habang namamasyal. Ang fresh
air na dala ng dagat ay nakakapagtanggal ng
stress sa mga taong problemado. Sa unti
mong oras nang pagpasyal sa Marina Flisvos
ay makakalimutan mo na ang mga problema
mo at mas lalo kang makakapag-isip. Mas
napapalapit rin ang isang tao sa inang
kalikasan. Mararamadamon mo talaga ang
lahat ng magandang naidudulot ng kalikasan sa
atin. Sa konti mong paglalakbay matututunan
mong mahalin at pahalagahan ang mga
biyayang pinagkaloob sa atin ng Diyos.
Maganda rin ang tanawin ng dapit-hapon at masayang panoorin ang paglubog ng araw. Magandang
kunan ng mga larawan ang pagblubog ng araw sa Flisvos Marina. Ang tubig ay nagiging kulay mga
dahilan kung bakit kadalasan ito pinapasyalan ng mga magkasintahan upang magkaroon ng mga
matatamis at hindi makakalimutang mga sandali at alaala.

Kung pagkain naman ang hinahanap mo, maraming kainan ang


mahahanap sa Marina Flisvos. Ice Cream, Burgers, Waffles, mga
inumin, at Sweets, ay ilan lang sa mga pagkain na mahahanap sa Marina
Flisvos. Kung trip niyong kumain ng mga burgers, potatoes, mexican
food, american dishes, at iba pa ay puntahan lang ang TGIF. Masasarap
at presko ang mga pagkain na makakain dito. Masarap kumain dito lalo
na kung kasama ang buong pamilya. Sa loob ay may bar rin. Kaya kahit
ang mga pagkain dito ay may medyong kamahalan ay sulit pa rin dahil
hindi ka lang busog sa pagkain,
kundi sa saya rin at ligaya na
naibibigay ng atmosphere ng
TGIF. Kung ang trip nyo naman ay ang kumain ng ice
cream, mahahanap rin dito ang ChillBox, Hagen Dazs,
Crme Martini at Yogolicious, na kilalang kilala sa mga
Griyego. Ikaw na mismo ang pipili ng mga ingredients na
ilalagay sa iyong ice cream. Marami ring kapehan sa Flisvos
Marina tulad ng Mare Marina ( isang exclusive caf bar),
ang Cruiser (Caf- Bar), at Nisos. Habang ikaw ay
nagpapahinga o kumakain ay matatanaw mo ang mga barko na dumarating at umaalis, mga taong
naglalakad, matatanaw mo ang dagat at ang mga isda, at ang malinaw na himpapawid.

Isa rin sa mga pinupuntahan sa Flisvos


Marina ay ang malaking parke kung saan
maraming bata ang naglalaro. Maraming
libangan ang mahahanap sa parke ng
Flisvos Marina. Meroon ditong basketball
court, playground, outdoor gym, pwede
ring mangisda, at pwede kang magarkila ng
bisekletang pang-dalawa, pang-apat, o pang-
anim na tao. Araw-araw laging puno ang parkeng
ito ng mga tao maging bata man, teenager, adult, at matanda. Bakas sa mga
mukha ng mga tao ang saya at ligaya na nararamdaman nila at ito ay
nakakataba ng puso. Makikita mo ang mga batang nakikipaghabulan, mga
teenager na naglalaro ng basketball o ang kilala ngayon na laro Pokemon
Go, at makikita mo rin ang mga matatanda sa mga bangko
nakikipagkuwentuhan. Positibong aura ang dala ng bawat isa at tiyak na
mahahawaan ka rin nito. Ang parkeng ito ay napapalibutan ng mga ibat
ibang halaman kaya habang ikaw ay nagbibisikleta ay ma

You might also like