You are on page 1of 1

Pierre Antoine M.

Paquette

XII- St. Peter

Martial law, itoy idineklara para ang kapangyarihan ng president ay mas


lumawak, dito din isinususpende ang writ of habeas corpus, para lang makadakip ng
mga tao na walang warrant of arrest. Sa nangyaring karahasan sa Marawi City, itoy
naging umpisa ng pagdeklara nito.Pero ayon sa pangulo ito ay para sa kaayusan ng
ating estado. Dahil nito, may itinakdang curfew para masigurado ang kaligtasan ng
mga tao. Pero ang tanong, makakasigurado ba ito ng kaligtasan at seguridad ng mga
mamamayan?

Huli ng Mayo, may nangyaring atake na siguradong hindi malilimutan. Sila ay


pinangalang Maute. Sila ay isang grupong terrorista na umaalinsunod sa mga
ideolohiya at prinsipyo ng ISIS. Maraming namatay, may mga nawalan ng pamilya.
Ang mga patay na pinugutan ng ulo ay isang paalaala kung gaanong marahas ang
isang terrorista para makuha nila ang kanilang gustong katapusan. Hindi talaga
malilimutan ng mga nakakaranas nitong matinding karahasan.

Pagkatapos ng nangyaring atake, di umanoy nagdeklara ng batas militar ng


pangulo. Sana itoy maging umpisa na makabangon ang ating bansa sa nangyaring
karahasan sa lalawigan ng Marawi. Ito din ay pwede din makadulot ng kabutihan sa
ating ekonomiya na pwede din maging resulta sa paghigpit ng ating seguridad.

You might also like