You are on page 1of 3

MGA PILING AKDA NI RIZAL

MGA SANAYSAY
Filipinas dentro de Cien Aos

nailathala mula Setyembre 30, 1889 Pebrero 1, 1890 sa La Solidaridad


pananaw kung ano ang maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng 100 taon, binigyang-pansin ang nakaraan,
kasalukuyan at hinaharap
ginawang batayan ang Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio Morga
sumasalamin sa tripartite view ng kasaysayan

I. Ang Nakaraan
upang mahinuha ang hinaharap ng isang bayan, kailangang maunawaan ang kanyang nakaraan
sa pagsakop ng Espanya sa Pilipinas:
o napalitan ang uri ng pamahalaan, batas, tradisyon, relihiyon, paniniwala; lumiit ang populasyon,
naghirap at nabansot and bayan
o unti-unting nakalimutan ang mga sinaunang paraan ng pagsusulat, awit, tula at pilit na pinayakap ang
mga di nauunawaang doktrina, gawi at panlasang di naman angkop sa kapaligiran
o pinatanggap na tayo ay mas mababang lahi hanggang sa matutunan nating ikahiya ang pinagmulan at
sambahin ang bagong kulturang ipinakilala
o sinikap na gawing mga hayop na panghila, mga katauhang walang isip at puso
o sa labis na pang-aabuso, nagsimulang mamulat at pag-aralan ang naging kapalaran

ano ang magaganap sa hinaharap?


o mananatili ba itong kolonya ng Espanya, anong uri ng kolonya
o magiging lalawigan ba ito ng Espanya
o lalaya ba ito at magiging kolonyang muli ng ibang kapangyarihan

II. Ang Kasalukuyan


ang kalagayan ba ng Pilipinas ngayon ay katulad noong 300 taong lumipas
o para sa mga liberal na Espanyol, ang mga Pilipino ay hindi nagbago o umunlad
o para sa mga prayle, ang mga indio ay nailigtas mula sa pagiging di sibilisado
o para sa mga nakararaming Pilipino, ang kanilang moral, diwa , tradisyon at mabuting asal ay
nalugmok

sa simula, tila nagkaroon ng pagganda ang kalagayan ng Pilipinas


o maunlad na hukbong-dagat
o mga sangay sibil at militar ay higit na organisado
o mabilis na komunikasyon sa lungsod
o walang kaaway na panlabas

dahil sa pagtanaw sa utang na loob, at sa amor propio (o pagmamahal sa sarili) nanatiling tapat ang mga
Pilipino sa mga mananakop

naging matagumpay ang Espanya na kontrolin ang Pilipinas sa loob ng 3 dantaon sa pamamagitan ng:
o pangako ng kaligtasan
o alok ng pakikipagkaibigan
o higit na malakas na armas
o pagsasamantala sa kawalan ng pagkakaisa

noong una, maging ang mga prayle ay nagsilbing tagapagtanggol ng mga indio mula sa mga mapang-aping
enkomendero
nang lumaon, ang mabuting pagtingin ay naglaho, maihahalintulad ang relasyon sa isang bata at yaya
o pilit na hindi palakihin ang bata upang habambuhay na umasa sa huli
o sinikap na panatilihing mangmang ang mga katutubo upang patuloy na umasa sa mga taong
umaabuso sa kanila
kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa pamamaraan ng pamamalakad, kung patuloy na malulugmok sa
paghihirap ang mga katutubo, maaaring mas naisin ang madugong pakikibaka sapagkat wala naming
mahalaga pang mawawala sa kanila
nabigo ang mga naunang pag-aalsa dahil sa kawalan ng suporta ngunit ngayoy nagsisimula ng mabuo ang
diwa ng pagkabansa
ang malawakang pang-aabuso ang nagsisilbing bigkis ng lahat ng mamamayan ng kapuluan, samantalang
patuloy na dumarami ang mga naliliwanagan

mapipigilan pa ba ng Espanya ang pagsulong na ito?


o higit na mapanganib kung ipagpapatuloy ang karalitaan karanasan ang magpapatunay na ang taong
nakaririwasa ay kaibigan ng kapanatagan at kaayusan sapagkat sila ang maaaring mawalan sa
panahon ng ligalig
o hindi rin maaaring lipulin ang lahat ng mamamayan, walang silbi ang isang kolonyang walang
magsisilbi para sa panginoon
o hindi na rin magamit ang alitan ng mga lalawigan sa panahong may pag-unlad na sa transportasyon
at komunikasyon

samakatuwid, hindi na mapipigilan ang pagsulong, at kung nais ng Espanyang manatili sa kanya ang Pilipinas,
kailangang magpatupad ng mga radikal na pagbabago
o kung ito ay magmumula sa panggitnang uri, ito ay magiging mapayapa ngunit kung mula sa masa, ito
ay magiging marahas

III. Ang Mga Kinakailangang Pagbabago


kalayaan sa pamamahayag
o pinamamahalaan ng Espanya mula sa malayo ang Pilipinas kayat kailangan ng makatotohanang
paglalarawan sa kalagayan ng kolonya
representasyon sa Cortes
o kung itinuturing ang mga Pilipinong may kakayahang magbayad ng buwis, kailangan ding kilalanin ang
kakayahang maupo sa Cortes
o Cuba at Puerto Rico na higit na maliit ang populasyon ay may kinatawan dito
tunay na katarungan
pagkakaloob ng katungkulan at gawain batay sa pagsusulit
mga reporma sa kalakalan, agrikultura, seguridad ng indibidwal at ari-arian, edukasyon

ang Pilipinas ay mananatili sa ilalim ng Espanya kung ibibigay ang mga inaasahang liberal na pagbabago; kung
hindi ay dadanak ang dugo para sa kalayaan
hindi na mapanghahawakan na ang Pilipino ay may utang na loob sa Espanya upang pangatwiranan ang
pagyurak sa kalayaan, tahanan, batas, kapayapaan at karangalan ng bayan

IV. Ang Hinaharap


ano ang mangyayari sa Pilpinas matapos lumaya sa Espanya?
anong bansa ang magkaka-interes dito?
o Inglatera ay marami ng kolonya sa Silangan (India, Singapore, Hongkong, Shanghai), higit na
paborable ang malayang Pilipinas para sa kalakalan
o Alemanya ay mas abala sa Europa
o Pransya ay mas may interes sa Tongking at Tsina, at Europa
o Olandya ay kuntento na sa Moluccas at Java
o Tsina ay abala sa sariling interes bunga ng mga banta ng mga bansang Europeo
o Hapon ay higit na interesado sa Korea at abala sa banta ng Rusya at Inglatera
o Estados Unidos ay maaaring magkaroon ng interes sa Pilipinas at kung hindi mahahadlangan ng mga
bansang Europeo ay maaaring magsimula ring manakop
ang mga banta ay buong giting na ipagtatanggol ng mga mamamayan
pagsisikapan ng mga Pilipino na:
o paunlarin at patatagin ang bansa
o pagyamanin ang agrikultura
o palaguin ang pagmimina
o pasiglahin ang maritima at kalakalan
habang may panahon pay ibigay na ang mga hinihiling naming mga reporma
Sobre La Indolencia de los Filipinos

nailathala mula Hunyo 15, 1890 Setyembre 15, 1890 sa La Solidaridad

I. Katamaran
karaniwang ipinakakahulugang kakulangan ng pag-ibig sa paggawa, kakulangan ng sipag
sa Pilipinas, ito ang ginagawang ugat ng kamangmangan, kahangalan, kasalanan, kasamaan
bagamat totoong mayroong likas na katamaran ang mga Pilipino, ito ay BUNGA at HINDI DAHILAN ng
pagkakaurong at kaguluhan

bago magbigay ng lunas sa suliranin, nararapat munang alamin ang sanhi ng katamaran ng mga Pilipino
isang natural na salik ang mainit na klima sa Pilipinas
o kinakailangan ng taong magpahinga sapagkat hindi makabubuti sa kalusugan ang labis na paggawa sa
ilalim ng araw
o bilang kapalit, tayo ay biniyayaan ng mayamang kalikasan
o tao ay hindi mga makina, ang kanyang layunin ay umunlad

II. Ang Sinaunang Pilipino


kung ituturing ang katamaran bilang isang sakit na pinagkatandaan, ito ay hindi namamana
patunay nito ang mga sinaunang ulat ukol sa mga Pilipino
o tapat na pakikipagkalakalan sa mga Tsino
o ibat ibang produktong itinatanim at pinalalago
o iba pang kabuhayan tulad ng paggawa ng sasakyang-pandagat, pagmimina, paglalala, paghahabi ng
tela, paghahayupan, paninisid ng perlas, paggawa ng alak, atbp
kung gayon, bakit naging tamad ang mga Pilipino?

III. Ugat ng Suliranin


pagliit ng populasyon ng mga katutubo
o pakikidigma; pag-aaklas; pagsalakay ni Limahong; pagpapadala sa mga katutubo sa Borneo, Moluccas,
Indotsina; pamimirata ng mga taga-Mindanao
o paggawa ng mga barko, pagbebenta ng ilang encomendero, sakit, kahirapan, gutom
o nasira ang mga taniman dahil matagal na napabayaan
Pilipino ay nagsimulang panghinaan ng loob dahil sa kawalang katiyakan sa hinaharap

IV. Mga Dahilang Nagpanatili at Nagpalala sa Kalagayan


1. kawalan ng suporta ng pamahalaan sa pakikipagkalakalan sa mga taga-Borneo, Siam, Cambodia at Hapon
dating mamimili ng ating produkto
sa kalakalang galyon, ang tanging nakikinabang ay mga Espanyol at ilang mayayamang taga-Maynila
2. kawalan ng suporta sa panloob na kalakalan
paghihigpit lalo na sa Katimugan, pamimirata ng mga Muslim
3. pagbabawal ng pag-aarmas ng mga magsasaka
pangamba laban sa mga pag-aalsa ng mga katutubo
kawalan ng pandepensa at seguridad ng mga magsasaka
4. pang-aabuso ng mga encomendero
pang-aalipin, sapilitang pagbili ng mga produkto, pandaraya sa mga katutubo
5. monopolyo ng mga opisyal sa mga gawaing pangkabuhayan
pagkasira ng kumpetisyon
6. mahirap na pagkuha ng mga papeles upang makapagnegosyo
kailangan ng impluwensya o suhol
7. masamang halimbawa ng mga Espanyol
pagkakaroon ng mga tagapagsilbi
dahilan ng pag-ayaw sa gawaing manwal
8. pangaral ng mga prayle
ang mayaman ay di makapupunta sa langit
mga ritwal ng pananampalataya bilang sagot sa panahon ng tagtuyot, pagkakasakit ng mga hayop at
pananalakay ng mga peste
pag-asa sa mga milagro upang mailigtas mula sa kahirapan
9. pagiging legal ng pagsusugal
sabong, baraha
mas madaling paraan upang kumita
10. kawalan ng puhunan
kita ay napupunta sa buwis, bayad sa mga serbisyong pansimbahan
11. kawalan ng suporta ng bansang Espanya sa mga produktong mula sa Pilipinas
tanging tinatangkilik ay tabako
hindi malayang nakapagluluwas ng asukal, kape, abaka, pina, jusi, indigo sa Espanya
12. pag-aari ng mga pinakamainam na lupain ng mga korporasyong relihiyoso
hangad ay manatiling mangmang ang mga Pilipino na laging aasa sa mga prayle
13. kawalan ng insentibo upang maging mahusay
hindi ginagawaran ng pagkilala ang kagalingan dahil sa pagiging indio
kawalan ng sistemang merito

You might also like