You are on page 1of 1

Danilo F. Clerigo Jr.

X-Einstein

Sunog
Mahimbing na natutulog sina Ryan, Pat at Jason sa kanilang kwarto ngunit nagising sila sa
malalakas na sigaw ng kanilang kapit-bahay na SUNOG!SUNOG! Paggising nila ay nagulat sila ng
umuusok na ang kanilang kwarto, ang bahay pala nila ang nasusunog.
Ryan: Tulong!!Tulong!!Nandito kami sa kwarto!!!
Pat: Huminahon ka lang Ryan, maliligtas rin tayo ng mga bombero
Jason: Masikip ang daan papunta sa atin kaya siguradong matagal-tagal pa bago makarating ang mga
bombero rito
Pat: Kailangan nating gumawa ng aksyon kung hindi masusunog tayo rito ng buhay
Ryan: Eh, ano bang dapat nating gawin?
Jason: May naalala akong sinabi ng aming guro sa tuwing may sunog
Pat: Ano yun?
Jason: Kailangan nating kumuha ng basing tela at itakip ito sa ating mukha upang hindi tayo
makalanghap ng usok mula sa apoy
Ryan: Tara! Kumuha na tayo ng tela. Bilis!
Pat: May tubig dito, basain natin bilis!
Jason: Tara pumunta na tayo sa pinto palabas ng bahay baka hindi pa nasusunog ang bahaging iyon
Dumating ang magulang ng tatlong magkakapatid na sina Ana at Jay
Ana: JUSKO ANG MGA ANAK KO TULUNGAN NIYO SILA BAKA ANO NG NANGYARI SA KANILA SA LOOB!
Jay: Umupo ka muna rito Ana. Maliligtas rin ang mga anak natin, nagpadala na sila ng bombero upang
kunin ang ating anak sa loob
Ana: Panginoon wag na wag mo po silang ilagay sa kapahamakan.
Nakarating na ang magkakapatid sa pinto ngunit balut na balut ito ng mga nasusunog na kahoy at
imposibleng madaaanan.
Ryan: Patay tayo rito. San na tayo pupunta?
Pat: Dun sa likod ng bahay tara bilisan na natin
Nakarating ang magkakapatid sa pinto sa likod ng bahay ngunit itoy hindi rin madaanan.
Pat: Nanghihina na ako. Ayaw ko ng lumakad, mauna nalang kayo
Jason: Magpapakatatag ka! Hindi ako papayag na iwan ka rito. Sama-sama tayong lalabas rito ng buhay
Ryan: Oo nga. Tara bumalik tayo sa kwarto natin, yun lang ang pinakaligtas na lugar rito
Jason: Tara na!
Nakabalik na sila sa kanilang kwarto.
Ryan: San na tayo pupunta? Wala na tayong maaring madaanan
Pat: Di ko na talaga kayang lumakad pa. Magpahinga muna tayo
Jason: Sige. Mag-isip-isip muna tayo sa mga pwede nating daanan baka may nakalimutan tayong palabas
rito
Ryan: Wala na. Nasubukan na natin lahat ng labasan. Wala ni isa pwedeng madaanan
Pat: Tingnan niyo. Hindi na rin tayo pwedeng makalabas rito sa kwarto, nasusunog na yung pinto at
nagsisimula na itong matabunan ng mga nasusunog na kahoy
Jason: Parang dito pala matatapos ang buhay natin ah.
Pat: Oo nga. Hindi na tayo muling makakalaro ng mga paboritong laro natin.
Ryan: Naalala niyo pa ba nung nadapa si Pat sa harap ng crush niya? Hahaha nakakahiya naman.
Pat: Eh nung uhaw na uhaw ka tapos akala mo nestea yung nasa bote yun pala katas ng dahon ng
guyabano HAHAHAHAHA
Ryan:Eh nung ---
Jason: O siya, tama na yan mamatay na nga tayo tapos mag-aaway pa kayo. Maraming salamat pala sa
inyong dalawa sa lahat ng alaalang inyong binahagi sa amin
Ryan at Pat: Sa iyo din kuya
Bombero: MGA BATA NASAN NA KAYO!? SUMAGOT NAMAN KAYO KUNG NARIRINIG NIYO AKO
Ryan: NANDITO KAMI SA LOOB NG KWARTO, DI KAMI MAKALABAS NATABUNAN KASI ANG PINTO NG
MGA NASUSUNOG NA KAHOY
Pat: YAAAY LIGTAS NA TAYO
Jason: Salamat sa diyos narinig niyo rin ang aming panalangin
Naligtas ng bombero ang tatlong magkakapatid at ngayoy kasama na nila ang kanilang mga magulang.

You might also like