salamat mahal sa mga araw ng pagbigay sakin ng kaligayahan
sa mga oras ng nababalot ito ng kalungkutan
ikaw ang nagsilbing liwanag sa madilim kong daanan natungo muli sa landasin at mga pangarap kong nais makamtan
Isa ka sa mga pangarap kong nais sanang matupad
ngunit di ko man lang naasam at binali agad alam kong nasaktan kita kaya humihingi ako ng patawad ngunit buo na ba talaga ang desisyon at ang galit moy nasagad?
ang balakid sa pagkatha ng ganitong tula
ay ang unti unting pagpatak ng aking mga luha mababasa ang papel, magugusot o maaring masira na parang yung tiwala mong tila ba nawala
Ang isang pamamaalam paano ko ba sisimulan,
totoong ikaw nga ay nakilala ng biglaan at biglaan din akong umibig na di ko napigilan ngunit biglaan din pala tayong matatapos ng di ko inaasahan.
Labis na kalungkutan ang sa puso koy namumutawi
Ang hirap ng ibalik ng mga ngiti sa labi Ang mga nasambit, hindi na ba maaaring mabawi At mapalitan ng saya muli, ang nararamdamang pagkasawi.
Salamat mahal at yung pagibig moy aking naramdaman
Mga layunin mo sa buhay sana ay iyong makamtan Mahal kita yun lang ang sana'y iyong pakatandaan Ngunit ngayon ako munay magsasalaysay sa aking basang unan
Salamat pa din mahal sa buhay ko'y ikaw ay dumating
Salamat sa pagpaparamdam sakin ang langit sayong piling Salamat sa pagiging puso at ako ang naging saging Kaligtasan at kasiyahan mo'y tangi ko lamang hinihiling.