You are on page 1of 3

Buod:

Batay sa datos na nailikom ng mga mananaliksik, mahihinuha na higit sa mga estudyanteng


mula sa ikalawang taon ng Medical Technology ay nakararanas ng normal na pagdumi. Makikita
ito sa mga estudyanteng dumurumi ng isang beses sa isang araw at araw-araw sa isang linggo. Ito
rin ay makikita sa uri ng kanilang dumi. Higit sa mga tagatugon ay mayroong Type 4 na uri ng
dumi. Batay sa Bristol Stool Chart ang normal na uri ng dumi ay mula Type 3 hanggang Type 5.
Higit pa rito, makikitang higit sa kalahati ng mga tagatugon ang kumukonsumo ng whole grain,
prutas, at gulay na mayaman sa dietary fiber.

Mula rito, mahihinuha ng mga mananaliksik na isa sa mga salik na nakaaaapekto sa


pagkakaroon ng normal na pagdumi ng mga tagatugon ay ang wastong pagkonsumo ng dietary
fiber. Ang dietary fiber at whole grains ay parehong aktibong sangkap na mayroong resistant
starches, bitamina, minerals, phytochemicals at antioxidants (Leaf, 2014). Sa kabilang banda,
mapagpapasyahan din ng mga mananaliksik na nakatutulong ang pagkonsumo ng dietary fiber sa
pagkakaroon ng normal na pagdumi at sa pag-iiwas ng constipation ng mga tagatugon.
Ang bran, na may mataas na konsentrasyon ng dietary fiber, ay nakikita sa trigo, kanin, at
obena. Ayon kay Jan de Vries, Paige Miller, at Kristin Verbeke (2015), ang mga epekto ng wheat
bran fiber sa timbang ng dumi ay maiiugnay sa mataas na resistensiya nito sa permentasyon sa
pamamagitan ng colonic bacteria kasama ang water binding capacity nito kayat tumutulong ito
sa malakas na epekto sa stool bulking.

Makikita sa datos na nalikom na karamihan sa mga estudyante ay kumokonsumo ng fiber


mula sa bran, isang uri ng pagkaing madalas na pinagkukunan ng fiber, partikular na ang kanin,
tinapay, cereals, at oatmeal. Mula rito mahihinuha na ang pagkonsumo ng bran ang dahilan kung
bakit karamihan sa mga estudyante ay may type 4 na uri ng dumi. Ang konklusyong ito ay katulad
sa konklusyon ng pag-aaral nina Clare L. Lawton, Jenny Walton, Alexa Hoyland, Elaine Howarth,
Peter Allan, David Chesters at Louise Dye.
Ayon sa resulta ng pag-aaral nina Clare L. Lawton, Jenny Walton, Alexa Hoyland, Elaine
Howarth, Peter Allan, David Chesters at Louise Dye (2013) ukol sa epekto ng pagkonsumo ng
mga cereals na naglalaman ng wheat bran fiber, 749 na katao mula sa sampol na populasyon
naging 1,073 na katao ang mayroong dumi na may ideyal na consistency at mula 11 katao naging
limang katao nalang ang nakararanas ng malalang constipation. Malinaw na makikita sa kanilang
resulta na ang fiber ay nakakapagpabuti ng pagdumi ng isang indibidwal kayat ang pag-aaral na
ito ay nakapagbigay ng katibayan na may benepisyo ang pagkonsumo ng fiber sa digestion ng
indibidwal.
Isang mabisang paraan upang maiwasan ang mga abnormalidad sa pagdumi ay ang dietary
fiber na kadalasang nasa mga prutas, gulay, at legumes na mabisa sa pag-iwas sa pagkakaroon o
pagpapagaan ng pakiramdam ng taong nakakaranas ng constipation. Malaki ang naitutulong nito
upang gawing normal ang pagdumi. Nakatutulong din ito sa pagpapalambot at sa bigat at porma
ng dumi at sa pagpapababa ng pagkakaroon ng tyansa ng constipation.

Ang soluble fiber, na matagpuan sa mga pagkain gaya ng peas/patani, barley, at ilang mga
prutas at gulay tulad ng mansanas, kahel at karot, ay nagpapabagal ng dihestiyon at ito ay
nakatutulong sa proseso ng pagsipsip ng pagkain. Pinapalambot ng mga soluble fiber ang matigas
na dumi sa constipation, at pinapatigas naman ang malabnaw na dumi. Ang pagtaas ng
pagkonsumo ng natutunaw na fiber sa pamamagitan ng pagdaragdag sa pagkain ng gulay at prutas
ay nagresulta sa mas madalas at malambot na dumi.

Ang mga mani, gulay at marami pang iba ay mga pagkaing naglalaman ng hindi natutunaw
na fiber. Itong klase ng fiber ay nagpapalaganap ng paggalaw ng dumi sa bituka at mas nagiging
mabigat ang dumi. Ang hindi natutunaw na fiber ay kilala bilang isang epektibong klase na
nagpapababa ng posibilidad na magkaroon ng constipation. Nagdadagdag ng kabuuan ang
insoluble fiber sa dumi, at ito ay nakatutulong na mas mapabilis ang daloy sa bituka. Makikita na
karamihan sa kanila ay walang nararanasan na masamang epekto at may benepisyo silang
natatanggap tuwing kumukonsumo sila ng dietary fiber.

Base sa nalikom na datos, mapupuna na ang mga estudyante ay malimit kumain ng mga
prutas at gulay kumpara sa ibat ibang whole grains tulad ng kanin, tinapay, cereals, at oats. Mula
rito, mahihinuha na ang hindi balanseng pagkonsumo ng soluble at insoluble fibers ang dahilan
kung bakit mayroon pang mga estudyante na nakakaranas ng constipation. Ang konkluysiong ito
ay katulad sa konlusyon ng pag-aaral ni Dr. Cecilia Cristina Santos Acuin. Ayon kay Dr. Cecilia
Cristina Santos-Acuin isang chief science research specialist sa Nutritional Assessment and
Monitoring Division of the Food and Nutrition Research Institute (2015), may malaking pagbaba
ang pagkonsumo ng prutas at gulay na mayaman sa fiber ng mga Pilipino nang magsagawa sila ng
National Nutrition Survey.

Sa kabila ng mga nabanggit na benepisyo ng fiber sa katawan, ito ay karaniwang hindi


binibigyang pansin at halaga, partikular na ng mga Pilipino. Sa pagkonsumo ng masusustansiyang
pagkain, kinakailangang isaalang-alang ang lahat ng nutrients at minerals na makabubuti sa
katawan, ngunit mahalagang bigyang pansin din ang kahalagahan ng fiber sa kalusugan.

Sa pangkahalatan, mahihinuha mula sa mga datos na nailikom, nailahad, nasuri at


naipaliwanag ng mga mananaliksik na ang pagkonsumo ng dietary fiber ay nakatutulong sa
pagkakaroon ng mga estudyanteng mula sa ikalawang taon ng Medical Technology ng normal na
pagdumi. Napagpasyahan din ng mga mananaliksik na nakatutulong ang pagkonsumo ng dietary
fiber para maiwasan ang pagkakaroon ng constipation.

You might also like