You are on page 1of 1

UST law student patay sa hazing

(Pilipino Star Ngayon) | Updated September 18, 2017 - 11:00am

MANILA, Philippines Isang freshman law student ng University of Santo Tomas ang
pinaniniwalaang nasawi dahil sa hazing rites ng fraternity.
Hindi na umabot pa nang buhay sa Chinese General Hospital ang biktimang si Hornacio Tomas
Castillo III.
Natagpuan ang bugbog-saradong si Castillo sa Balut, Tondo kahapon ng umaga na nakabalot ng
makapal na kumot.
Ayon sa ama ng 22-anyos na bitkima, nagpaalam sa kaniya ang anak na dadalo sa "welcome
ceremony" ng Aegis Juris fraternity kung saan isa siya umanong bagong miyembro
Sinabi ni Horacio Tomas Castillo Jr., na tadtad ng paso ng kandila at sigarilyo ang katawan ng
kaniyang anak.
Wala namang coordination sa UST Civil Law ang naturang welcome ceremony ng Aegis Juris,
ayon sa kanilang dekanong si Nilo Divina.
"It was not coordinated with the faculty. We are not aware of such event. We do not involve
ourselves in activities of any fraternity".

REAKSYON:
Nararapat lamang na magkaroon ng maayos na imbestigasyon ang pulisya patungkol sa nangyare
kay acio at panagutin ang mga may sala. Hindi nararapat pahirapan hanggang mamatay ang gusto sumali
sa fraternity upang matanggap lamang bilang miyembro ng nasabing grupo. Maraming ibang mas maayos
na paraan upang masubok kung talagang pwede pumasok sa brotherhood ang isang tao at hindi dapat
humantong sa patayan.

You might also like