You are on page 1of 3

Ang Pinakamasakit sa Lahat ng Masakit

Uumpisahan ko sa masakit. Yung masakit na kaya


pa. Yung masakit na natitiis pa. Yung masakit na
itutulog o ipipikit mo lang ang iyong mga mata ay
ayos na. Yung masakit na naramdaman ko nang
makita ko sa selpon mo ang pangalang mahal.
Natahimik ako sandali. Nanlamig ang aking katawan.
Ninamnam ko ang bawat minuto noong oras ng
pagsulyap, aking nalaman. Sino tong gagong to.
Hanggang sa pag uwi ko sa bahay, inaatake ako ng
selos. Ang hirap pag yung nagustuhan mo ay parang
diwata sa ganda na mapapatingin yung iba, ngunit
hindi ka dapat makaramdam ng selos kasi wala ka
namang karapatan diba? Masakit. Hindi ako pinatulog
ng aking isip. Nakatira ako sa sariling panaginip, hindi
ko mabatid. At kinain na ng dilim ang pighati't sakit.
Ang ikalawa, ang mas masakit. Yung mas masakit na
medyo kaya pa. Yung mas masakit na medyo natitiis
pa. Yung mas masakit na labas pasok ang patalim sa
puso ko pero nasasanggahan pa. Yung mas masakit
nang nalaman kong kayo na pala. Mas masakit na
makita na ang saya niyong dalawa, samantalang ako
NGANGA. Mas masakit na makita na magkahawak
ang inyong mga kamay sa kawalan at nagpapalitan
kayo ng masasarap na ngiti sa isa't-isa. Mas masakit.
Nakalipas ang ilang araw at ang buwan, aking
napagtanto. Ang salitang kaibigan ay isang mabigat
na termino. Ako yung kasama mo lagi kapag iiyak ka.
Ako, yung sasabihan mo ng problema pag inaaway
ka niya. Ako, yung kasama mong kumain sa labas
nang hindi siya sumipot sa date niyong dalawa. Ako
yon. Ako yon. Ako lang naman yon. Ang kaibigan mo,
kaibigan mo lang.
At eto na, ang pinakasukdulan sa lahat. Hindi ko alam
kung bakit sa dinamirami ng tao, sayo ko pa ito
naramdaman. Ang pagsisisi ko'y umaapaw malapit na
itong sumabog. Kaya eto na, ang pinakamasakit. Ang
pinakamasakit sa lahat ng masakit. Ang
pinakamasakit na hindi ko na kaya. Ang
pinakamasakit na hindi ko na matitiis pa. Ang
pinakamasakit na hindi kaya ng tulog para
makalimutan na. Ang pinakamasakit na parte ng
istorya, ang hindi pag-amin sayo na mahal kita. Mahal
kita. Mahal parin kita. Sa araw araw nating
pagsasama, dala ko ang iyong gamit sa eskwela,
pinapayungan kahit mainitan o mabasa man. Kasama
kita sa saya at lungkot, kaya ako itong si tanga, nag
assume na baka may something sa ating dalawa. At
ngayong nasasaktan ka na, dahil sa kanya, wala
akong magawa kundi damayan ka. Paano ko
sasabihin sayong mahal kita kung ang lagi mong
bukambibig ay ang pangalan niya. Ang pangalan
niyang nakatanim dyan sa puso mo. Ang pangalan
niyang gasgas na gasgas na sa utak ko. Ang
pangalan niyang paulit ulit na tumutusok sa puso ko.
Sawang sawa na ako, dahil sa bawat oras na umiiyak
ka sa tabi ko, naiisip ko na hindi mo deserve itrato ng
ganito. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon, pag ibig
ang sagot diyan sa kakulangan sa pagkatao mo.
Minsan, ayos na ang salitang kaibigan na kahit
masakit sa parte ko, kung yun naman ang bubuo
sayo, tatanggapin ko, dahil mahal kita. Mahal kita.
Mahal ko.

You might also like