You are on page 1of 2

Gerson Jan Salazar Guinanas HUMSS- Comte

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan

BAGYONG HATID NG CLIMATE CHANGE

Ang climate change ay ang patuloy na pagbabago ng klima na nagdudulot ng di


pangkaraniwang pangyayari sa kapaligiran. Ito ay maaring di pangkaraniwang init na
nararanasan o mga malalakas na mga bagyo na patuloy na sumisira sa yamang likas.
Sa loob ng maraming taon, patuloy at patuloy ang pagbabago ng ating mundo.

Ang kapuluan ng Pilipinas ay pinalilibutan ng mga malalawak na anyong-tubig.


Isa na sa mga ito ay ang Karagatang Pasipiko na nasa silangang bahagi ng bansa.Sa
Karagatang Pasipiko karaniwang namumuo o nagsisimula ang mga bagyo. Karamihan
ng mga bagyong ito ay nakakapasok sa Philippine Area of Responsibility at nagdudulot
ng pag-ulan sa ibat ibang bahagi ng bansa na natatamaan nito.

Ang mga sumusunod na mga bagyo ay nagdulot ng malaking pinsala at bilang


ng mga namatay at nawawala. Ang una sa listahan ay ang Bagyong Yolanda noong
Nobyembre 2013. Ito ay tinag-uriang Super-typhoon na may bilis na 230k km/hr na
nagresulta ng higit kumulang 90 bilyong halaga ng mga nasira. 6,300 and naging bilang
ng mga namatay at 1,081 ang nawawala. Pumapangalawa sa bilang ay ang Bagyong
Pablo noong Disyembre 2012 na nagdulot ng mahigit kumulang 42.2 bilyon na pinsala
na ikinasawi nang 1,901 na mga indibidwal at 844 ang mga nawawala. Ito ay may bilis
na 185km/hr. Pangatlo ang Bagyong Glenda noong Hulyo 2014 na may bilis na
165km/hr at nagdulot ng 38.6 bilyon na halaga ng mga nasira at may 106 na bilang ng
mga namatay at 6 ang nawawala. Sumunod dito ay ang Bagyong Sendong noong
Disyembre 2013 na ikinamatay ng 1,901 ng mga indibidwal. Ang hagupit ng bagyo ay
naiparamdam sa kapuloan ng Visayas at Mindanao. Ang bagyomg ito ay may label na
Severe Tropical Storn na may bilis na 60km/hr. Panglima sa listahan ay ang Bagyong
Pedring na nagdulot ng 15.6 bilyong pinsala noong nakaraang Septyembre 2011.
Mahigit kumulang 11 bilyong halaga ng pinsala naman ang hatid ng Bagyong Lando
noong Oktubre 2015 na humagupit sa Luzon na may bilis na 185km/hr. Ikinamatay
naman nang 26 na indibidwal ang paghagupit nang Bagyong Juan noong Oktubre
2010 na may pinsala na higit kumulang 8.22 bilyon. 77 naman na indibidwal ang
namatay sa hagupit ng Bagyong Juaning noong Hulyo 2011. Pangsiyam ay ang
Bagyong Nona noong Oktubre 2015 na may pinsalang 6.46 bilyon na ikinamatay ng 42
na indibidwal. At panghuli sa listahan ay ang Bagyong Seniang na humagupit sa
Visayas at Mindanao na ikinamatay ng 66 na indibidwal.

Ang unos na dulot ng mga bagyong ito ay naging mahirap para sa mga
mamamayang Pilipino. Mahihinuha natin na ang sanhi ng mga kalamidad na ito ay ang
walang katapusang problema sa climate change. Bawat minuto, oras, araw, buwan at
taon ang nasasayang kung hindi tayo mamumulat sa katotohanan na ang mundo ay
nagbabago; at ang dahilan nito ay tayo rin. Kaibigan, imulat mo ang iyong mga mata sa
mga katotohanan at maging kabahagi ng pagbabago ng mundo. Ang pagsisimula ng
pagbabago ay mangagaling sa iyo.

You might also like