You are on page 1of 1

"ano ngaba ang nagbago?

"

bakit kaya marami nang nagbago ngayon, ngunit sa paglipas ng panahon, sa bawat
pag-andar ng araw at taon, napansin mo ba ang pinagkaiba ng kahapon at ngayon?
marahil ay hindi, dahil hindi mo maikumpara limot mo na. limot mo na ang bawat
pagkakataon , mga sandaling lumipas at bahagyang naglaon. mga tamis ng ngiti,
pait at hapdi. malamang nga'y limot mo na pati na ang saya't lungkot, mga pasakit
na iyong idinulot, marahil nga'y limot mo na o sadya lang na tinalikuran mo na.

dahil Ogosto ngayon, buwan ng wikang pambansa. ang pagbabagong naganap sa


wika ang aking halimbawa, halimbawa Filipino : wikang mapagbago, diba tema
palang masakit na yung nalaman mo na kahit pala yung wikang Filipino'y
nagbabago na. yung tipong nakikisabay sa pagbabagong nagaganap sa ating paligid
ang pagibig mong biglaang nanlalamig. habang patuloy sa pagyabong ang wika,
sya ring pag-agos ng aking luha. inaalala mga pagkakamali iniisip ang dahilan ng
biglaan mong pagkawala.

isa pang halimbawa, yung ahas na dating hayop ngayon ay si bes na, yung akala ko
ikay nawala, s'ya pala ang nakakuha. yung plastik na dati'y pangsupot lamang ng
iyong mga pinamili, ngayo'y mga ugali ng taong dumarami. yung salitang "mahal
kita" na madalas ko sayong naririnig, ngayo'y ay sa inchik na lamang na maraming
nakabig.

akala ko dati nagbago ka na, nagbago na ba, may bago na ba, may bago pa ba o
may bago ka na.
kahit magpabago bago bago bago bago pa ang bago mong BAGO ka! babalik parin
sayo ang pangbabago mong BAGO ka! ngayung nagbago ka, naglaho ka, nawala
sa mga oras na kaylangan kita sana wag mong maisipan pa na ikaw ay bumalik at
nanaising humalik, wag mong aasahang ako sayo'y mananabik bagkus ay inis na
napuno at nahitik ang siyang sasalubong sayong pagbabalik. ngayon sa aking
pagtatapos isang tanong ang ibabatid, ano ngaba ang nagbago ako o ang mundong
saki'y nakapaligid.

You might also like