You are on page 1of 1

PULUNGMASLE HIGH SCHOOL

Guagua, Pampanga
Ikalawang Buwanang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7
I. Pagkilala: Suriin ang ipinapahayag ng bawat pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito nangangahulugang masalimuot na pamumuhay sa lungsod o siyudad.
a. Sibilisasyon b. Kabihasnan c. Sibiko d. Migrasyon
2. Ito ay ang panahon kung saan nadiskubre ng tao ang apoy,.
a. Neolitiko b. Mesolitiko c. Paleolitiko d. Panahon ng metal
3. Ang Potamos sa salitang Mesopotamia ay nangangahulugang ____________________.
a. Ilog b. Dagat c. Lawa d. Sapa
4. Ito ang panahon kung saan ang tao ay umaasa lamang sa kapaligiran.
a. Neolitiko b. Paleolitiko c. Mesolitiko d. Panahon ng metal
5. Ang mga sumusunod ay mga kabihasnang umusbong sa Mesopoptamia, maliban sa:
a. Elamite b. Dravidian c. Akkadian d. Assyrian
6. Ang Meso sa salitang Mesopotamia ay nangangahulugang ___________________.
a. Dulo b. Itaas c. Gilid d. Pagitan
7. Ito ang panahon kung saan natuto na ang mga tao kung paano magtanim at mag-alaga ng mga hayop.
a. Panahon ng metal b. Mesolitiko c. Paleolitiko d. Neolitiko
8. Ito ay tumutugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak at ilog.
a. Kabihasnan b. Sibiko c. Sibilisasyon d. Migrasyon
9. Sa panahong ito, napalitan ang mga kasangkapang yari sa bato ng mga metal at tanso.
a. Neolitiko b. Panahon ng metal c. Paleolitiko d. Mesolitiko
10. Ito ay ang tinguriang Cradle of Civilization dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.
a. Phoenicia b. Anatolia c. Persia d. Mesopotamia
11. Ito ay isang arko ng matabang lupa na naging tagpuan ng ibat ibang grupo ng tao.
a. Yellow river b. Fertile Crescent c. Indus River d. Ganges River
12. Ito ang tinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
a. Indus b. Shang c. Assyrian d. Sumer
13. Ito ang pinakamalaking gusali ng mga Sumerian.
a. Obelisk b. Ziggurat c. Pyramid d. Tore ni Babel
14. Ito ang Sistema ng pagsulat ng mga Sumerian na nakasulat sa clay tablet.
a. Cuneiform b. Oracle Bone c. Calligraphy d. Pictogram
15. Ito ang pinakamahalagang epikong mga Sumerian.
a. Hudhud b. Ramayana c. Gilgamesh d. Mahabharata
16. Pinapalagay na sila ang bumuo sa kabihasnang Indus.
a. Mhergah b. Aryan c. Dravidian d. Tamil
17. May dalawang lungsod na nabuo noong panahong neolitiko sa timog asya, ito ay ang Harappa at _______________.
a. Mohenjo Daro b. Uruk c. Nippur d. Langshao
18. Ang Sistema ng pagsulat ng mga Indus ay tinatawag na _______________.
a. Calligraphy b. Pictogram c. Cuneiform d. Oracle bone
19. Ito ang kabihasnang umusbong sa Ilog Huang Ho.
a. Shang b. Indus c. Mesopotamia d. Phoenician
20. Ito ang butong ginamit ng mga Shang sa panghuhula ng hinaharap.
a. Ornament bone b. Oracle bone c. Ordinary bone d. Original bone
21. Ito ang Sistema ng pagsulat ng mga Shang.
a. Pictogram b. Calligraphy c. Alibata d. Cuneiform
22. Siya ang mananalakay buhat sa Akkad na nagtatag ng lungsod-estado para magkaisa ang mga mamamayan.
a. Hammurabi b. Haring Sargon c. Nebuchadnezzar d. Amaterasu
23. Sila ay gumamit ng dahas at lakas upang mapalakas ang kanilang puwersa.
a. Akkadian b. Babylonian c. Assyrian d. Chaldean
24. Ito ay isa sa mga pinkamahalagang ambag ng mga sinaunang tao sa kabihasnan.
a. Code of Ethics b. Code of Policies c. Code of Hammurabi d. Code of Rights
25. Sila ang lumikha ng konsepto ng Zodiac at Horoscope.
a. Lydian b. Chaldean c. Hittite d. Persian
26. Ito ang Sistema ng kalakalan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga produkto sa ibang estado o bansa.
a. Barter b. Bargain c. Buy and Sell d. Laisses faire
27. Ito ang naging pundasyon ng pananampalatayang Hudaismo at Kristiyanismo.
a. Quran b. Doctrine c. Bibliya d. Kodigo
28. Kilala sila sa paggawa ng ibat-ibang kagamitang yari sa bakal.
a. Persian b. Hebreo c. Lydian d. Hittite
29. Sila ang tinaguriang Tagapagdala ng Kabihasnan, dahil naipamahagi ng nila ang mga produkto ang kabuhayan sa
ibang tao.
a. Sumerian b. Phoenician c. Chaldean d. Hebreo
30. Binigyang diin nila ang karapatang pantao; maging sa kanilang mga lupaing sinakop.
a. Persian b. Lydian c. Hittite d. Chaldean

Inihanda ni: G. RD G. David

You might also like