You are on page 1of 1

Ang isang libro ay nag-lalaman ng ibat ibang kwento at may

kanya-kanyang aral. Maaaring tungkol ito sa pag-ibig, kababalaghan,


pambihirang karanasan at iba pa. Isa itong iskape para sa mga katulad
kong nakararanas ng depresyon o kalungkutan dahil naibibigay nito
ang kasiyahang hinahanap ng pagkatao ko. Ang libro ay hindi lamang
isang libro subalit ito ay isang mundo; hindi man perpektong mundo
ngunit maganda ang pagkaka-buo. Imahinasyon at isip lamang ang
pagaganahin pero mayroon itong kakayahang dalhin ang isang tao sa
lugar o pangyayaring nasa mga pahina nito.

Ang librong ito ay tungkol sa isang babae na nahulog sa isang lalaking ilang araw pa lamang
niya nakikilala at kilala bilang manloloko at babaero. Naungkat rin dito ang problema ng babae
sa kanyang ina na iniwanan siya. At gaano nga ba kahirap ang mag-mahal?

Ang librong ito ay tungkol sa isang babaeng nag-pplano ng kanyang pagpapakamatay ngunit
hindi niya ito kayang gawin mag-isa. Mayroong website na maaari kang humanap ng kapares mo
na balak rin tuldukan ang kanyang buhay. Ngunit sa kanyang paghahanap, ang kanyang nahanap
ay ang lalaking magpapa-ibig sa kanya.

Ang librong ito ay tungkol sa isang babaeng pinatay ang kanyang sarili dahil sa mga
problemang kanyang kinaharap sa buhay, lalo na sa eskuwelahan. Ang kwento nito ay tumakbo sa
pakikinig ng isa sa kanyang mga kaibigan sa mga tape na ini-rekord niya bago siya magpakamatay.
Inilarawan ng librong ito ang epekto ng maliliit na bagay sa isang taong nakararanas ng depresyon.

Ang librong ito ay tungkol sa isang lalaking nagpakamatay dahil sa pangungutya sa kanya ng
kanyang nakatatandang kapatid at dahil na rin sa kakulangan ng atensyong naibibigay sa kanya
ng kanyang mga magulang. Tumakbo ang istorya sa pakikinig ng kanyang matalik na kaibigan sa
mga kantang nakahiligan nilang dalawa. Sa huli ay natanggap na rin ng kanyang matalik na
kaibigan ang pagpapakamatay niya.

You might also like