You are on page 1of 7

Hindi totoong maka-mahirap

ANG TRAIN NI DUTERTE


(Gabay sa pagtalakay)

1. Ano ang TRAIN?

Itinuturing na urgent ng gubyernong Duterte ang Tax Reform for Acceleration


and Inclusion o TRAIN. Layunin ng TRAIN na makalikom ng P1.3 trillion para
tustusan ang Build! Build! Build! o ang engrandeng programa sa imprastruktura
ng pamahalaan. Itutulak daw nito ang pambansang pag-unlad at ang kapakanan
ng mahihirap.

Sa ilalim ng TRAIN, bababa ang personal income tax ng mga kumikita ng mas
mataas kaysa minimum wage, at may mas mababang 6% flat rate para sa estate
(mana) at donor (mga donasyong higit P100,000.) taxes.

Dagdag namang bubuwisan ang ilang mga produktong pangkonsumo na dati ay


hindi saklaw ng 12% Value Added Tax o VAT tulad ng local shipping, low o
socialized housing, power transmission at cooperatives (pero mananatiling
exempted ang mga senior citizen at persons with disabilities o PWD). May bago
at/o dagdag ring excise tax sa produktong petrolyo, mga pinatamis na inumin
(sugar-sweetened beverages o SSB), at mga automobile.

2. Ano ang konteksto ng TRAIN?

Bumabagal ang ekonomiya: humihina ang OFW remittances, tumataas ang


global interest rates, at may krisis sa US, EU, Japan, at China. Batbat rin ng
kontrobersya sa pulitika ang Pilipinas mula sa madugong anti-drugs war at
matinding human rights violations kaakibat ng militarisasyon ng burukrasya at
mga bangayan sa hanay ng mga burukrata. Kinakailangang bigyang-diin na
habang pinatatampok ng rehimeng Duterte ang anti-drugs war at iwinawasiwas
ang military rule, isa-isa nitong inilulusot ang mga kontra-mamamayang
patakaran. Halimbawa, bukod sa TRAIN, naipasa na sa ikatlong pagbasa ng
Kongreso ang mga panukala tungkol sa compressed work week at public
utilities. Ang mga prayoridad na bill ng rehimen ay yaong mga lalo pang
magpapadulas sa neoliberalismo.
Samantala, ang mga nakikita ng gubyerno na solusyon sa pagbagal ng
ekonomiya at kontrobersya sa pulitika ay ang sumusunod: (1) pagpapataas ng
infrastructure spending gamit ang malilikom sa TRAIN, at (2) pagpapanatiling
mataas ng investment grade credit ratings (rekord sa pangungutang ng Pilipinas)
para (a) makapangutang ang gubyerno (para mapataas ang infrastructure
spending), at (b) maging madali para sa mga negosyante ang mangutang (para
mapadulas ang private investments).

3. Kanino ang mas mabigat na pasanin sa TRAIN?

Sa pinakamahihirap ang mas mabigat na pasanin sa TRAIN. Regresibo pa rin ang


tax system na ito.

Ayon sa upisyal na datos: Ang pinakamayayamang 20% Filipinos lamang ang


kumikita ng family living wage (o halagang kailangan ng pamilyang may 5
myembro para mabuhay nang disente) pataas (sa abereyds, P30,000 para sa 5
katao), samantalang kulang na kulang ang kinikita ng pinakamahihirap na 80%
kumpara sa kailangan para mabuhay nang disente bawat araw.

Pero pantay lamang ang halaga na bubuwisin sa kanila sa mga dagdag na buwis
samantalang babawasan pa nga ang sisingiling buwis sa pinakamayayaman.

Tandaang walang ganansya sa mas mababang personal income tax ang mga
kumikita ng minimum wage pababa dahil exempted sila sa pagbayad nito.
Habang mainam para sa ilang nasa middle class ang mas mababang personal
income tax, hindi makatuwiran na babawasan pa ng obligasyong buwis yaong
mga kumikita na ng limpak-limpak na salapi. Hindi makatuwiran na bigyan ang
isang corporate executive na kumikita na ng Php 303,059 kada buwan (o Php 3.7
milyon kada taon) ng dagdag na Php 1,212. Hindi rin makatuwiran na ang chief
executive officer ng isang kumpanya, na kumikita ng Php 706,017 kada buwan (o
Php 8.5 milyon kada taon), ay buwisan lamang ng Php20,694.

Sa TRAIN, gagaan ang pasanin ng pinakamayayaman, na antemano ay malaki


ang kita. Gagaan ang pasanin ng pinakamayayaman sa pagbaba ng personal
income tax at sa flat rate na singil sa estate at donor tax.

Madadagdagan ang iniuuwing kita ng nasa pinakamayayamang sambahayan.


May netong ganansya sila dahil mas malaki ang nadagdagan nilang iniuuwing
kita dahil sa mas mababang personal income tax kaysa sa mawawala sa kanila
dahil sa dagdag na VAT, buwis sa langis, sa auto, sa matatamis na inumin at sa
pagtaas ng presyo ng bilihin. Mananatili ang netong ganansya kahit isalik ang
mas mataas na buwis sa automobile laluna sa mga tinatawag na high-end luxy
car:

Bahagdan ng Paglalarawan Buwanang kita Madadagdag sa


populasyon ayon kanila taun-taon:
sa kita
Ikapitong 2.3 milyong pamilya Php 24, 524 Php 3,167
bahagdan na may mataas na
kita
Ikawalong 2.3 milyong pamilya Php 32,565 Php 7,906
bahagdan na may mas mataas
na kita
Ika-syam na 2.3 milyong pamilya Php 47,710 Php 14,027
bahagdan na may lalong mas
mataas na kita
Ikasamput Pinakamayayamang Php 115,428 Php 33,795
pinakamataas na 2.3 milyong pamilya
bahagdan

Ganito ang mababawas sa nakokolekta ng gubyerno mula sa pinakamayayaman:


Mas mababang personal Php927 billion
income tax
Flat rate sa estate at donor tax Php16.9 billion

Sa TRAIN, mas bibigat ang pasanin ng pinakamahihirap, na antemano ay


kulang-kulang ang kita. Dagdag pabigat sa pinakamahihirap ang higit na
bayarin dahil sa dagdag na aytem na papatawan ng VAT, ang bagong excise tax
sa langis, at ang tax sa SSB. Halimbawa, ayon sa Bayan Muna, magmamahal
nang lampas Php600 ang LPG. Lalampas sa Php2,000 kada buwan ang bayarin
ng mga abereyds na kumokonsumo ng kuryente. Lalampas sa Php60 ang presyo
ng Coke. Magmamahal ang mga delata nang mahigit Php3.00.

Kukunan pa ng gubyerno ang bulsa ng pinakamahihirap na mamamayan:

Bahagdan ng Paglalarawan Abereyds na Mababawas sa


populasyon ayon sa buwanang kita kanila taun-taon:
kita (income decile) (2018)
Unang Pinakamahihirap na Php 5,106 Php 807
pinakamababang 2.3 milyong pamilya
bahagdan
Pangalawang Sumunod sa Php 8,250 Php 1,264
bahagdan pinakamahirap na
2.3 milyong pamilya
Pangatlong Sumunod pang Php 10,652 Php 1,601
bahagdan pinakamahirap na
2.3 milyong pamilya
Pang-apat na Sumunod na Php 12,987 Php 1,985
bahagdan pinakamahirap na
2.3 milyong pamilya
Panlimang Sumunod na Php 15,760 Php 2,599
bahagdan pinakamahirap na
2.3 milyong pamilya
Pang-anim na Sumunod na Php 19,335 Php 3,794
bahagdan pinakamahirap na
2.3 milyong pamilya

Sumusunod ang dagdag na makokolekta ng gubyerno:


Dagdag na aytem na saklaw ng VAT Php658.4 billion
Bagong excise tax sa langis Php681.7 billion
SSB Php259.6 billion
Automobiles (mas sa mga may-kayang Php143.4 billion
bumili nito)

4. Hindi ba masasalag ng social protection ang impak ng buwis sa


pinakamahihirap?

Hindi sustenidong masasalag ng social protection ang impak ng buwis sa


pinakamahihirap. Sa TRAIN, may planong gawaran ng Php2,400 kada taon ang
10 milyong pinakamahihirap na sambahayan sa 2018. Magkakaroon din
diumano ng pantawid pasada. Pero para lamang ito sa taong 2018.
Pansamantala lamang at samakatwid ay panandaliang pampalubag-loob lamang
ang naturang social protection.

5. Hiindi ba magdudulot ng mas mahusay na panlipunang serbisyo para sa


pinakamahihirap na Pilipino ang mga bagong imprastruktura?
Hindi talaga para sa panlipunang serbisyo kundi para sa imprastrukturang
pangnegosyo ang TRAIN. Mabibisto ito sa alokasyon ng panukalang 2018 budget
para sa imprastruktura sa isang banda, at para sa mga panlipunang serbisyo sa
kabilang banda.

Malaki ang itinaas ng alokasyon sa imprastruktura kumpara sa serbisyong


panlipunan. Sa panukalang budget, 27.5% ang itinaas ng alokasyon para sa
gastos sa imprastruktura mula 2017 (Php861 billion) patungong 2018 (Php1.1
trillion). Malaki ito kumpara sa kakaunting 5.4% lamang na itinaas ng alokasyon
para sa panlipunang serbisyo. Kalakip dito ang dambuhalang 68.9% pagbawas
ng alokasyon sa pabahay at gagasino namang pagtaas sa social welfare (5.2%),
edukasyon (5.8%), at kalusugan (9.2%). Sa usapin ng kalusugan, mababawasan
pa nga ng Php16.7 bilyon ang mga programa para sa preventive health o pag-
iwas sa sakit).

Ayon sa paghahanay ng mga proyekto, balak paglaanan ng mas malaking


gastos sa imprastruktura ang mga rehiyon na mababa ang poverty incidence.
Mababa naman ang balak na paggastos sa imprastruktura sa mga rehiyon na
mataas ang poverty incidence. Halimbawa, pinakamababa ang official poverty
incidence (porsyento ng populasyon na nabubuhay sa Php61 pababa kada araw)
ng National Capital Region (NCR) na 3.9%. Ngunit kinokopo nito ang
pinakamalaking bulto ng flagship infrastructure projects na nagkakahalaga ng
Php343 billion. Halimbawa, ang Autonomous Region of Muslim Mindanao
(ARMM), na may pinakamataas na official poverty incidence na 53.7%, ay
kabilang sa may pinakakaunting flagship infrastructure projects na
nagkakahalaga lamang ng Php5.4 billion.

Malinaw na hindi nakatuon ang imprastruktura (mga kalsada, tulay, flyover,


train system, airport at seaport) sa pinakamahihirap na rehiyon. Katunayan,
hindi ito ang tipo ng imprastruktura na direkta at pangunahing kinakailangan at
magagamit ng pinakamahihirap tulad ng mga pampublikong eskwelahan,
ospital, pabahay, tubig, kuryente, irigasyon at pabrika. Bagkus, ito ay mga
imprastruktura na pagkikitaan ng malaking halaga ng mga burukrata, mga
kumprador at kakontratang dayuhang bansa o korporasyon.

6. Ano ang mahalaga sa anumang tax program?

Pinakamahalagang isaalang-alang sa anumang tax program, na hindi


ikinonsidera ng Department of Finance (DOF), na:
Matindi ang income inequity o agwat sa pagitan ng kita ng
pinakamayayaman at pinakamahihirap. Ibig sabihin, may mas malaking
kakayahan ang pinakamayayaman na magbayad ng buwis.

Napakababa ng kita ng mayoryang pinakamahihirap. Hindi na nila kayang


mabawasan pa ang kakarampot na kita.

7. Ano ang dapat gawin?

Isakatuparan ang progresibong tax system: Taasan pa ang direct taxes gaya ng
personal income tax at corporate income tax; at babaan pa ang indirect taxes
gaya ng VAT at iba pang buwis sa produktong pangkonsumo.

Isakatuparan ang mga sumusunod na pansamantalang hakbang: (1) Bawasan


ang pasanin ng mahihirap o imantine ang eksempsyon sa mga produktong
direktang apektado ang pinakamahihirap; (2) Dagdagan ng buwis ang
pinakamayayaman, laluna, dagdagan ang buwis sa pinakamatataas na income
bracket; at (3) Ispesipikong paglaanan ng badyet ang mga esensyal na
panlipunang serbisyo.

May Php409 bilyon pa ngang hindi nakokolektang potensyal na corporate


income tax. Dagdag rito, Php3.7 trillion ang pinagsamang yaman ng 40
pinakamayayamang Pilipino. Kung dadagdagan ang singil sa pinakamayayaman:

Pinakamayayamang 150,000 Dagdagan ang buwis ng Makakalikom ng


pamilya o 20% ng kita nila Php71 billion
pinakamayayamang 0.7%
Sunod na pinakamayayamang Dagdagan ang buwis ng Makakalikom ng
171,000 pamilya o sunod na 10% ng kita nila Php20 billion
0.8% pinakamayaman

Ang TRAIN ay itinutulak pangunahin ng mga neoliberal na economic managers


ng rehimeng Duterte sa pangunguna ng mga pinuno ng DOF, Department of
Budget and Management, at National Economic and Development Authority.
Suportado rin ito ng mga pinakamayayamang kinabibilangan ng mayorya ng
mambabatas ng House of Representatives (HOR), mga ekonomista, malalaking
negosyante at mga grupo nila, ng mga pinansyal na institusyon tulad ng
Deutsche Bank, Nomura at iba pa. Tinangka ng Senado na palabnawin ang ilang
kontra-mahirap na bahagi ng TRAIN pero nagbabanta ang DOF na igigiit nito ang
orihinal na bersyon. Kamakailan, ikinalugod pa ng Malacanang ang pagpuri ng
American Chamber of Commerce sa TRAIN bilang progresibo at inklusibo.

Dapat lamang idiskaril ng mamamayan ang TRAIN dahil sa pagiging garapal na


pagiging kontra-mahirap at maka-mayaman nito. Desidido man ang gubyernong
Duterte na mapirmahan ang TRAIN bago matapos ang 2017, kailangan itong
puspusang mailantad bilang isa sa listahan ng mga maka-negosyo at maka-
dayuhang patakaran na magpapanatili ng kahirapan at kawalang-pag-unlad sa
bansa.

Ihinanda ng IBON Foundation. Nag-estima rin at sumangguni sa datos ng


Department of Finance at Bayan Muna tungkol sa TRAIN. Oktubre 2017.

You might also like