You are on page 1of 2

Jacinto, Elliesha Ruth R.

Jimenez, Tricia Anne I.

Te, Kristine J.

Toribio, Dawn S.

PAKSA:

Ang pagkakaiba ng mga paniniwala, lahi, at ideya ay nagiging sanhi ng hindi


pagkakaintindihan na maaring magresulta sa diskriminisasyon (Cornelio, 2017). Ang isang
halimbawa nito ay ang tinatawag na Islamophobia. Ito ay pagkatakot o matinding pagkatakot o
hindi magandang pakikitungo sa mga taong naniniwala o nagsasanay sa relihiyong Islam
(Innisdale, 2013). Dahil narin sa mga hindi kanais-nais na mga pangyayari sa nagdaang panahon,
tulad ng nangyari sa America kung saan itinuturing na utak sa pagbomba ng Twin Tower ay ang
grupong muslim na mas kilala bilang mga Al-Qaeda, patuloy na lumalaganap ang hindi
magandang pananaw patungkol sa mga muslim (OConnor, 2016). Kaya mapapansin din ang
pagdami ng mga islamophobic hate crimes o mga gawain na sumasalungat sa paniniwalang Islam
(Buncombe, 2017). Mga halimbawa nito ay mga kaliwat kanang pangungutya at pangmamata na
nakakaapekto lalo na sa mga babae at batang muslim sa ibat-ibang parte ng mundo. Isa rin ito sa
nagiging rason sa pagbabawal sa kanila at paglilimita sa mga maari nilang mapuntahang lugar
tulad ng pagbabawal sa mga Muslim sa Amerika (Reinl, 2017).

Hindi naiiba o nahihiwalay sa konseptong Islamophobia ang bansang Pilipinas dahil narin
sa malaking populasyon ng mga Muslim sa Pilipinas at ang naging bahagi nila sa ating kasaysayan
(Malaysiakini, 2001). Napatindi ang isyung ito sa kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng
pagdedeklara ng Martial Law ni President Rody Duterte sa rehiyon ng Mindanao na nagpapakita
ng maling pagtrato sa mga Pilipinong Muslim dahil sa pwersahang pagpapaalis sa kanila sa mga
tinitirhan at komunidad na naka-apekto rin sa relasyon at pakikitungo sa kanilang mga Pilipinong
Muslim (Ayroso, 2017). Isa naring nagiging dahilan nito ay ang mas pinatinding seguridad sa
Marawi at ang pagiisip na sila ay konektado at nakikialyansa sa mga grupo ng militanteng Isis
(Cockburn, 2017).
Maraming naging pagaaral tungkol sa patuloy na paglaganap ng Islamophobia sa Pilipinas
ngunit hindi pa nagkakaroon ng malinaw na pagsasaliksik sa kung paano ito nagiging laganap lalo
na sa mga kabataan na aktibo sa paghahayag ng kanilang mga pananaw at saloobin. Mahalaga
itong mapagaralan at alamin ang kalikasan ng paglaganap nito upang mabigyang solusyon at
maagapan ang pagdami ng mga naniniwala sa maling ideya na ito. Ang pagdetermina sa
pinagmumulan nito ay maaaring magbigay daan sa kung paano maiiwasan ang paglaganap ng
konsepto ng Islamophobia at negatibong epekto nito upang makatulong sa pagpapaunlad at pag
papaganda ng relasyon at pakikitungo sa mga Pilipinong Muslim sa Pilipinas. Maaaring maging
basehan ang mga naging pananaliksik sa Europe kung saan nailahad ang mga rason sa
pagkakaroon ng Islamophobia tulad ng kakulangan sa impormasyon ng tao ukol dito, ang
pagiimpluwensiya at pagsasalamin ng media sa mga muslim, Ang pagbabahagi ng mga
maimpluwensyang tao tulad ng mga Politiko ng kanilang maling pananaw tungkol sa Islam,
ang kakapusan sa batas na sumasakop at nagpoprotekta sa karapatan ng mga Muslim, at
ang stereotyping at hindi pagdinig sa kanilang mga hinanaing at saloobin (Huffington Post,
2016) (The Telegraph, 2017)(Husain, 2014) .

Nilalayon ng papel na ito na sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Malaman kung
ano ang nagiging instrumento sa paglaganap at pagusbong ng konsepto ng Islamophobia? Ano
ang pagkakahalintulad nito sa mga rason na mayroon ang ibang bansa tulad ng Europa?

Masasagot ang mga katanungang ito sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga aklat, jornal,
at mga naunang pagsasaliksik tungkol sa kalikasan ng Islamophobia. Mangangalap rin ng ibat
ibang mga datos sa pamamagitan ng pagsasarbey sa mga kolehiyong magaaral ng pakultad ng
sining at panitik sa unibersidad ng santo tomas ukol sa kanilang pagkakamulat at pagka-alam sa
isyu ng Islamophobia. Matapos mangalap ng mga datos ay tutukuyin at ipagkokompara ang mga
ito sa mga naibigay ng rason sa ibang mga pananaliksik. Sa huli, susuriin ang pagkakatulad nito
sa mga rason na mayroon ang bansang Europe at ang kahalagahan nito sa pagbibigay-linaw at pag-
aksyon sa paglaganap ng nosyon ng Islamophobia.

Makabubuo ng isang papel papananaliksik na may 15-20 pahina kabilang ang


bibliyograpiya.

You might also like