You are on page 1of 1

EPIKO

Isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari.
MGA ELEMENTO NG EPIKO:
1. SUKAT AT INDAYOG
Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang indayog ay ang diwa ng tula.
2. TUGMA
May tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
3. TALUDTURAN
Ito ay ang pagpapangkat ng mga taludtod nga isang tula. Tinatawag rin itong saknong.
4. MATATALINGHAGANG SALITA
Tinatawag ring idyoma na may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Hindi tuwirang nagbibigay ng kahulugan ang mga ito.
5. BANGHAY
Pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari na maaring maging payak o komplikado. Binubo ito ng simula, saglit na kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at
wakas.
6. TAGPUAN
Ito ang lugar at panahon kung saan at kailan ginanap ang mga pangyayari. Nakakatulong ito sa pagbibigay-linaw sa paksa, banghay at mga
tauhan.
7. TAUHAN
Siyang kumikilos sa epiko. Siya ang gumagawa ng mga desisyon na nagpapatakbo ng epiko. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng
supernatural o di pangkaraniwang kapangyarihan.

You might also like