You are on page 1of 1

Argumento 2: Ang Wikang Filipinoy sagisag ng ating pagka-Pilipino kayat nararapat

lamang na gamitin.

Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Subalit sa panahon
ngayon, ang mga kabataan sa mga eskwelahang nagpatupad ng English Only Policy ay
nakakalimutan na ang ating kinagisnan at hindi na marunong magsalita ng wikang pambansa.
Kung ganito ang sitwasyon, masasabi pa rin ba natin na tayoy tunay na malaya? Pagkat parang
nasasakop pa rin tayo ng ibang bansa na patuloy na nagiimpluwensiya sa buhay nating mga
Pilipino.

Dahil sa pagpapalaganap ng striktong English policy,pati na rin ang pagkakakilanlan sa sarili


ay nawawala na. Litaw ang malaking papel na ginagampanan ng wikang Ingles sa kasaysayang
linguistiko ng Pilipinas. Sinasabi nga naman na ito ay wikang pangmayaman lamang o
pangmatalino, kapag gumagamit ka nito, pinipuri ka, hinahangaan at pinapalakpakan. At aminin
man natin o hindi, ipinapakita rito na ang paggamit ng sariling wika ay wala na masyadong
kahalagahan sa mga kabataang Pilipino. Na hindi na kahanga-hanga ang pagiging mahusay sa
Tagalog, hindi tulad noon na mas humahanga tayo sa mga magaling sa sariling wika.
Kapansin-pansin ang pagbabago ng tuldik o accent ng mga Pilipino lalo na ang mga kabataan
tuwing sila ay nakikipagtalastasan sa ibang tao, na kawangin sa tuldik ng mga Amerikano.
Isinasalamin nito ang pagkakawala ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino sapagkat pinapabayaan
nating umusbong ang wikang Ingles sa isipan ng mga kabataan. Nawawala na ang interes ng mga
kabataan sa pag-aaral ng Filipino at ilan sa mga ito ay hindi na alam ang ibang matalinghagang
salita, ang baybayin at ang alibata.
Hindi dapat nating mga kabataan tinatalikuran ang sariling bansa kundi dapat pahalagahan ang
wikang Filipino, dahil ito ang kaluluwa ng isang bayan na siyang nagbibigay buhay dito. Subalit,
ang mga kabataan sa paaralan ngayon na sumusunod sa English Only Policy, ay tila
nalilimutan na ang mga karanasang dinanas ni Jose Rizal upang linangin ang wikang Filipino sa
bansa.

Ang wikang Filipino ay ang pambansang wika nating mga Pilipino. Itoy isang paraan upang
magkaroon tayo ng pambansang pagkakakilanlan at magsilbing tulay na magdudugtong tungo sa
ikasusulong ng Pilipinas. Kayat mas mahalaga na gamitin ang sariling wika lalo nat nasa ibang
bansa tayong mga kabataan. Patuloy natin itong gamitin sa pang-araw araw na gawain para hindi
makalimot.

Tayo ay muling maging bahagi ng bayan at ang wikang ating kinagisnan ay ipaglaban at ating
mahalin, tangkilikin at itakwil ang mga wikang dayuhan na nagpapabalatkayo sa ating pagkatao.
Hindi kinakailangan ang mabasbasan tayo ng ibang nasyon dahil bago pa natin yakapin ang
kanilang kabihasnan ay atin munang panindigan ang sarili nating kultura at identidad. Gaya nga
ng sabi ni Jose Rizal, Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang
isda at ngayon ngay napatutunayan natin na tayoy maaring maging mas masahol pa sa
malansang isda kung ipagpapatuloy ang paglimot sa wikang Filipino.

You might also like