Professional Documents
Culture Documents
Eh Ang Tanong
Eh Ang Tanong
Huhugot pa ba ko?
Kung ang paghugot ko dito ay ang paghugot din ng punyal sa isang inosente na tao?
Huhugot pa ba ko?
Kung ang pagdarak ng dugo ay dulot din ng paghugot ng mga terroristang armado
Huhugot pa ba ko?
Huhugot pa ba ko?
Huhugot pa ba ko?
Huhugot pa ba ko?
Pwes ayoko ng humugot, ito'y saksak ko sa kukute ng mga tao na supil, di birong pagkitil kaya't bawal
ang paghugot at paggamit ng Baril!
Kawawa naman yung bata, isang patunay lang yun na maraming namamatay sa maling akala!
Pero teka..
Gusto niyo yata magpakilig din ako ng dalaga tulad ng mga hugot sa telenovela.
Huy ikaw.
Oo ikaw.
Ikaw na nakikinig ngayon. Talo mo pa ang ikaw ni Yeng sa pag ibig na hinintay ko nun.
Matagal kitang dinasal at ito na ang sagot. Matalino ka diba? bat hanggang ngayon di mo ko masagot?
Ngunit Ako'y napa ekis. Kasi may boyfriend ka na daw at yun ang di ko kayang tanggapin.
Pero bigla kong nabuhayan kasi Kaibigan lang pala kaibigan lang pala napawi aking pangangamba.
Ako'y napakanta kasi kahit walang bagyo sigurado na ang PAG ASA.