You are on page 1of 13

Page 1 of 13

Laguna College of Business and Arts


Calamba City

STRESS
(A MUSICAL-COMEDY-ACTION-PLAY)
Page 2 of 13

CAST:

NARRATOR

FEMALE:
NIDORA DE EXPLORER
YAYA DUB
GEORGIA
MERI
KATHRYN
LISA
NADINE

MALE:
ANSELMO DE EXPLORER
FRANKIE STEIN
ENRIQUE
DANIEL
JAMES
TATA LINO

*NOTE: ang mga salitang naka-italized at nasa loob ng mga (parenthesis) ay mga instructions kung
paano i-aarte mga mga naturang linya. Please wag basahin ng malakas. salamat.
Yung mga salita na naka-underline ay indication na kakantahin. ^_^

STRESS
(THE MUSICAL)

OPENING SCENE

NARRATOR:
(lalakad sa gitna at haharap sa audience, kakantahin ang first line ng Superstar by The Carpenters)

Long ago and oh so far away

(short pause)

Charing!!! Actually, hindi nalalayo ang setting ng ating istorya, recently lang din ito nag-take place.

Meet the de Explorer family, kinabibilangan ng inang si Nidora (pasok si Nidora na namamaypay) at ng
kanyang asawa na si Anselmo (pasok si Don Anselmo naka-fedora hat.) pag-aari nila ang Hacienda
de E.

(Mag-aakbay ang mag-asawa)


Page 3 of 13

May tatlo silang supling, ang panganay ay si Enrique (tutugtog ang kantang Rude; sabay pasok ni
Enrique na umiinom ng iced tea sa isang Nestea tumbler), sinundan ni Daniel (tutugtog ang Nescafe
Theme, sabay pasok ni Daniel na may bitbit na Nescafe mug), at ang bunso na si Nadine.

Sa magkakapatid, si Nadine and pinakatatangi ng mag-asawa. Dahil bukod sa nag-iisa itong babae at
bunso ng pamilya, siya rin ang pinakanagbibigay ng saya sa mag-asawa. Malapit din sya sa kanyang
mga kuya.

SCENE 1

NIDORA: Kumusta ang araw mo sa hacienda, Dad?

ANSELMO: hindi maganda, Ma. Ang daming problema. Sumabit ako dun sa presentation para sa
Japanese investor natin, umabsent kasi si Meri, may sakit daw yung kapatid.

NIDORA: Bawi ka na lang dad.

ANSELMO: Lalo pang sumama yung araw nang pito sa tauhan natin absent may sore eyes daw yung
iba, at yung iba naman tinitigdas. (mapapansin ng ama si Daniel na kanina pa nakatingin
sa kanya) O Daniel anong problema, may sasabihin ka ba?

DANIEL: Ano kasi dad

ANSELMO: What? (to the tune of Eenie Meenie by Sean Kingston) Youre indecisive you cant decide,
you kept on looking from left to right, cmon get closer look in my eyes

DANIEL: kasi, dad, yung sa Sabado

ANSELMO: Anong meron? (singhal)

NIDORA: (tatapikin sa balikat ang asawa at kakanta to the tune of Let Me Be the One by Jimmy
Bondoc) Let me be the one to ask your son, para hindi na sya mag-make excuses

ANSELMO: Hindi! Ako ang kinakausap kaya dapat kami ang magharap now, listen here young man,
(to the tune of Eenie Meenie by Sean Kingston) You cant make up your mind, mind,
mind, mind, mind please dont waste my time, time, time, time,time Im not tryin to rewind,
wind, wind, wind, wind kaya sabihin mo na kung ano man yan!

DANIEL: (to the tune of Im Yours by Jason Mraz) I wont hesitate no more, no more it cannot wait here
it goes... hindi po ako makakatulong sa hacienda. May DOTA tournament po kasi kami.

ANSELMO: DOTA, DOTA, puro ka na lang DOTA, (to the tune of Mas Mahal Mo Ba ang DOTA by
Dino R) Bakit ba ganyan mas mahal mo pa ang dota, gabi-gabi wala kang tulog at di nag-
aaral, paggising sa umaga nag-do-DOTA ka na, tapatin mo nga ako, mas mahal mo ba ang
pag-do-DOTA mo?

DANIEL: di naman sa ganon dad

ANSELMO: bahala ka na nga sa buhay mo! (layas sa scene)


Page 4 of 13

DANIEL: nagalit na ng tuluyan si Dad

NIDORA: stressed kasi sa hacienda, hayaan mo at lalamig din ang ulo nun. Pero anak bawasan mo
ang DOTA na yan baka mapabayaan mo ang pag-aaral mo. (mapapansin si Enrique na
nakatingin lang) Ikaw, Enrique may sasabihin ka ba?

ENRIQUE: wala ma (aalis sa scene na parang naguguluhan)

NIDORA: (papaling kay Nadine) May problema ba ang kuya nyo?

NADINE: Wala naman siguro

SCENE 2

NARRATOR: Isang gabi, nang dahil sa stress nakatulugan ni Don Anselmo ang pag-inom ng Chivas,
at nanaginip na nasawi daw sa pag-ibig ang middle child na si Daniel.

DANIEL: (Hahawakan ang naka laylay na hangmans noose at kakanta to the tune of My Immortal by
Evanescence) This pain wont seem to heal, this pain is just too real, theres just too much
that time cannot erase

ANSELMO: Anak hindi solusyon ang pagkakamatay dahil ang buhay ay (Kakanta to the tune of You
Learn by Alanis Morisette) You live you learn, you love you learn, you cry you learn, you
lose you learn.

DANIEL: Dad, sinikap ko namang wag sumuko, pero (kakanta sa tono ng In The End by Linkin Park) I
tried so hard and got so far, in the end it doesnt really matter, Ive got to fall to lose it all, in
the end it doesnt even matter. Goodbye cruel world. (Aakto na magbibigti)

(Daniel fades from the scene, magigising si Anselmo at malalamang panaginip lang ang lahat)
(Pasok si Nidora)

NIDORA: Anong nangyari?

ANSELMO: (To the tune of Pan De Monio by Parokya ni Edgar) Ang ganda-ganda ng aking tulog, para
bang hindi ako mabubulabog Ngunit ang pangit ng panaginip ko, nag-suicide daw ang
middle child ko.

NIDORA: (to the tune of Wala Lang Yun by Parokya ni Edgar) Wala lang yon, wag kang mag-alala,
wala lang yon, kumalma ka na nga, wala lang yun, parang awa mo na wala lang yun.

SCENE 2

NARRATOR: Pero likas sa mga magulang ang pagiging Praninger-Z pag minsan, kaya naman
napagtripan ni Anselmong kausapin ang nananahimik na bunso na si Nadine

ANSELMO: May boyfriend ka na ba anak?

NADINE: Wala pa naman po, Dad. Bakit po?


Page 5 of 13

ANSELMO: Kung sakaling mag-bo-boyfriend ka (To the tune of Dapat Tama by Gloc 9) Dapat Tama,
sa isip at sa salita, dapat tama, lalung-lalo na sa gawa. Huwag na huwag kang gagawa
ng mali, at wag kang makakaisip na magbigti!

NADINE: Dad, ang weird mo ha! Hindi makabubuti sa yo ang pagiging praning. Sina kuya nga pala?

NIDORA: Umuna na ng pasok. May review daw sila ng mga kaklase nila.

NADINE: Ive got to go na din pala Mom, may group study din kami for Law on Negotiable Instruments.

SCENE 3

NARRATOR: Habang paranoid si Anselmo, heto naman ang magkapatid na Enrique at Daniel sa
eskwelahan at hinihintay ang kaibigan nilang si James (Pasok si James at sasayaw sa Energy Gap
Dance ng Milo). Anak siya ng katunggali ng tatay nila sa negosyo na si Frankie Stein. (Singit sa eksena
si Frankie, mag-aabot ng baon kay James) Repeater ng isang taon si Enrique at sa kamalasan,
mukhang repeater pa ng sem

DANIEL: Tol dito kami. (kakaway kay James)

JAMES: (lalapit at makikipag-barkada handshake kay Daniel) Kumusta ang mga trops? (makikipag-
barkada handshake din kay Enrique na parang lantang gulay) Hey whats wrong with you?

DANIEL: hindi pa kasi nasasabi ni Kuya kay dad na ibinagsak siya ni Ms. Diumano sa Finance.

JAMES: Kala ko ba kagabi mo sasabihin sa erpats mo?

ENRIQUE: Di ko nga nasabi

JAMES: Ano bang kasing nangyari sa yo sa Finance? Yung bumagsak ako normal yun, pero ikaw,
Enrique, grabe shock of the century yun!

ENRIQUE: (to the tune of Because I Got High by Afro Man) I was gonna go to class before I got high,
I couldve cheated and I could have passed but then I got high Im taking it next semester
and I know why, cause I got high, cause I got high, cause I got high

JAMES: You on weed dude?

ENRIQUE: Hell, no! I got high on caffeine! Yung 5 pesos per cup dyan sa vendo machine sa canteen.
Lutang ako nung mag-exam walang tulog, men. Nagsabay ang PFS namin at Financial
Accounting, pati na rin ang hell week. Parang wala nang solusyon ang mga problema.

TATA LINO: (sisingit out of nowhere at makikiupo sa barkada) Iho, lahat ng problema may solusyon.
Kung walang solusyon, abay wag mong problemahin yun!

DANIEL: Paano naman kung sunod-sunod ang pagpapaulan ng mga assignments at projects.
Page 6 of 13

TATA LINO: Sa buhos ng assignments at projects, sipag ang ipampayong, wag kang magpakalunod
sa walang katapusang procrastination.

SCENE 4

(Darating sa school si Nadine at aabutan ang bestfriend nyang si Lisa na kausap ang ina nitong si
Georgia)

GEORGIA: Basta anak, remember, wag magpapatuloy ng stranger sa bahay. Delikado ang buhay
ngayon.

LISA: Yes ma. Dont worry.

(aalis sa eksena si Georgia)

NARRATOR: Anak ng isang negosyante sa Maynila si Lisa. Palaging wala sa kanilang bahay ang
kanyang mga magulang at malimit nyang kasama ay ang kanyang Yaya Dub. Malaki
ang pagkagusto ni Lisa kay Enrique.

LISA: Uy, BFF kanina pa ako naghihintay dito, nakita ko pa nga mga utol mo dito.

NADINE: Sorry, kinausap pa kasi ako ni Dad e.

LISA: Ah ganon ba. Hey friend, kalian mo ba ako ipapakilala sa kuya mo?

NADINE: Ilang beses ko bang sasabihin sa yo na walang interes sa babae si Kuya Enrique? Focused
yun sa studies nya.

LISA: Eh kasi naman (kakanta to the tune of Everywhere by Michelle Branch) He is everywhere to me,
and when I close my eyes its him I see.

NADINE: (kakanta to the tune of Tukso Ka Ba? by Imelda Papin) Tukso ka ba sa isip ng kuya ko?
Pwede bang layuan mo na lang ang kuya ko nakalaan na sa iba ang isip non

LISA: Grabe ka naman. Malay mo naman di ba? Maging kami din ng kuya mo in the future. Di ba yaya?

YAYA DUB: (dancing and dubsmashing to the tune of Miracles Happen by Myra)

NADINE: bahala ka na nga sa buhay mo. Tara review na lang tayo, walang himala pagdating sa Law
on Negotiable Instruments, aral lang talaga ang sandigan.

YAYA DUB: (dubsmashing to the song Wag Ka Nang Umiyak by Sugarfree habang hawak ang Law
on Negotiable Instruments)

SCENE 4

NARRATOR: And when you thought things wont get any worse magkaka-LQ kayo ni wa-sweet mo.

DANIEL: (tatakbo papunta kay Kathryn) Sorry Im late, may dinaanan pa kasi kami ng tropa.
Page 7 of 13

KATHRYN: Monthsary natin ngayon, ni isang text na bumabati wala kang pinadala tapos ngayon
nagsisinungaling ka pa! (halatang inis at titingin sa relo; singing to the tune of Love the
Way You Lie by Rihanna) Just gonna stand here and watch me burn, but thats all right
because I like the way it hurts. Just gonna stand there and here me cry, but thats alright
because I love the way you lie, I love the way you lie.

DANIEL: Okay, I slightly lied. Nag-DOTA lang naman kami saglit, pang-alis ng stress, puro exams at
pag-aasikaso ng PFS na kasi ang buong Academic week

KATHRYN: Kayo lang ba talaga ng tropa mo ang magkakasama?

DANIEL: May kasama din kaming girls, hindi kasi dumating yung mid namin, alangan naman mag-solo
mid na naman ako.

KATHRYN: Puro ka palusot! Mga lumang dahilan na yan!

TATA LINO: (sisingit sa eksena, singing to the tune of Lagi Mong Tatandaan by Parokya ni Edgar)
Kung panay ang dahilan, huwag kang magtityaga, eh bat ikaw handa kang ibigay ang
lahat? Oo na, sige na, alam kong mahal mo sya, e ang tanong ay mahal ka rin ba nya?
(aalis sa eksena)

DANIEL: Mahal kita, peks man. Yung mga girls na kasama namin (kakanta to the tune of Wala Lang
Yun by Parokya ni Edgar) Wala lang yun wag kang mag-alala, wala lang yun, ikaw lang
talaga, wala lang yun, parang-awa mo na, wala lang yun.

KATHRYN: Ah ganon, wala lang yun pala ha (kakanta to the tune of Oo by UpDharmaDown) Di mo
lang alam akoy iyong nasaktan, o baka sakali lang na maisip mo naman puro DOTA na
lang sanay ako naman

DANIEL: bakit ba lagi na lang tayong ganito? (kakanta to the tune of Skin by Grin Department) Lagi na
lang tayong nag-aaway, sa walang kwentang bagay. Lahat ng tao ay pinag-seselosan, kahit
alam mong itoy ka-DOTA lang.

KATHRYN: (kakanta sa tune ng Meant to Be theme) Sabi nila love is blind love is one of a kind well
para sa akin, hindi na. Were through! Hmph! (walks out of the scene)

SCENE 5

NARRATOR: At dahil nag-break ang dalawa, umuwing lugami si Daniel.

ENRIQUE: Tol, anong problema?

DANIEL: (to the tune of Pare Ko by Eraserheads) O kuya ko, mayron akong problema, wag mong
sabihing na naman. Binreak ako ng jowa kong si Kathryn, napikon sa aking pag-ge-gaming.
Nag-away kami ni Kath, nagalit kasi hindi ko daw binati ng monthsary tapos late pa ako sa
date namin ayun nakipag-break. Monthsary lang naman, maka-rage mode

TATA LINO: (mag-aappear out of nowhere at makikiupo) Iho, kaya naimbento ang salitang monthsary,
marami sa mga relationships, hindi na umaabot ng anniversary.
Page 8 of 13

ENRIQUE: Ano nang balak mo ngayon?

DANIEL: (to the tune of Beer by ItchyWorms) Ibuhos na ang beer sa aking lalamunan, upang malunod
na ang puso kong nahihirapan, bawat patak anong sarap

ENRIQUE: (sisingit) Ano ba talagang mas gusto mo, ang beer na yan o yung si Kathryn mo? (to the
tune of Pare Ko by Eraserheads) Wag na nating idaan sa maboteng usapan, lalo lamang
madadagdagan ang sakit sa ulo at bilbil sa tyan. Mag-sorry ka kaya? Suyuin mo ulit

DANIEL: Ginawa ko na yun kaso nagalit nag-walkout, dati naman okay lang sa kanya ang sorry kahit
pa anong dami ng kasalanan ko, tapos ngayon

TATA LINO: Iho, kung lagi kang hihingi ng tawad sa minamahal mo, bat di na lang palengke ang
jinowa mo? (alis sa scene)

SCENE 6

NARRATOR: Dumating ang sabado si Daniel na sa DOTA ay lango muling naglaro (singing to the tune
Mas Mahal Mo Ba Ang DOTA by Dino R) Isa, dalawa, tatlo, magpupush mirana ko, hindi
mapipigilan nakamanta na ako Pumapana, sapul ka na naman, king-ina ka patay ka na
naman, bitch! Hinahabol may leap yan boi hindi maaabutan kahit faceless void tumi-TP
na asa ka pa again king-ina ka babalikan kita. Panalo sa 4on4 sila Daniel at James,
pauwi na sila nang

JAMES: Tol okay lang ba kung maki-overnight stay ako sa inyo?

DANIEL: Bakit tol nag-away ba kayo ni erpats mo?

JAMES: mas maganda na nga siguro kung nag-aaway kami, at least mat interaction. Kaso he is barely
home, puro business.

DANIEL: Sige, sa bahay ka muna (To the tune of 2012 by Jay Sean) Its alright, oh its alright you know
what they say life aint always easy and everyday were survivors so forget the day

JAMES: pano dad mo, badterps pa rin yata yun e

DANIEL: bahala na kami ni kuya dun.

NARRATOR: Samantala sa hacienda, troubles brewing Pumasok na si Meri-mo at puro bad news
ang dala nya. Yolanda lang ang peg ah

ANSELMO: So kamusta na ang kapatid mo?

MERI: Okay na po, sir. Sorry po sa biglaang pag-li-leave

ANSELMO: eh ano pa ngang magagawa ko? Ginawa mo na e. Sumabit na tayo sa presentation.


Ayusin mo na lang, magrereset ako ng meeting with Mr. Tendo Souji.

MERI: Ah sir, tumawag po yung secretary nya sa September na daw po ang balik ni Mr. Souji.
Page 9 of 13

ANSELMO: Anak naman ng (gigil) eh yung mga supply natin ng fertilizers at vitamins para sa
kabayo, dumating na ba?

MERI: hindi pa po. Made-delay daw po ng one week ang delivery.

ANSELMO: Ano ba naman yan? Yung mga nagkasakit na tauhan nakapasok na ba?

MERI: Opo sir.

ANSELMO: Ah mabuti.

MERI: Pero sir walo sa mga hardinero natin nagbakasyon muna, tinamaan po ng summer flu.

ANSELMO: Ano???

MERI: (to the tune of Tulad ng Iba by Gloc 9) Hindi lahat ng may lagnat mananatiling nilalagnat, hindi
lahat ng may sakit mananatiling may sakit, hindi lahat ng wala mananatiling wala, ulo mo sir ay
lamigan, pagpasensyahan mo na lang.

ANSELMO: (rapping to the tune of Tulad ng Iba by Gloc 9) paggising sa umaga ayoko nang bumangon,
ayokong pumunta dito, kunsumido na ako kahapon, ubusin ang almusal, binabagalan
lumamon, hindi natutuwa kahit ang breakfast ko ay bacon wala ka na bang ibang
magandang ibabalita sa akin?

MERI: ah sir, umuwi daw po ng maaga sina Daniel at Enrique

ANSELMO: Ah, thats good

MERI: pinasasabi po ng asawa nyo na umuwi na din daw po kayo ngayon na

ANSELMO: Bakit?

MERI: NAgrarambol daw po ang mga jonakis nyo sa bahay.

SCENE 7

NARRATOR: Kung nagtataka kayo kung bakit may rambol, balikan natin ng konti ang mga happenings
sa bahay ng mga de Explorer

DANIEL: (to the song 2012 by Jay Sean) Turn it up, turn it up, mash it up we gonna party like party like
its the end of the world.

ENRIQUE: (lalapit sa kapatid; kakanta to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) Meron lang akong
surprise sa yo, at baka ito ay ikagalit mo

DANIEL: (to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) Kuya ano namang ikagagalit ko, wo ohoh, wo ohoh
(stops singing)

ENRIQUE: (gestures hand towards Kathryn, lalabas si Kathryn sa pinagtataguan) Ito


Page 10 of 13

DANIEL: (to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) Let me recollect my thoughts please pano nga ba to
nangyare, sa dami ng isda sa dagat bakit sya pa ang yong napili

ENRIQUE: (to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) Daniel, teka lang hindi sya fish

DANIEL: (to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) That is just a figure of speech

ENRIQUE: (to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) I resent kasi your idiom, wo oh oh, wo oh oh

DANIEL: So ano to kuya? (to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) Girlfriend mo na ang ex-Girlfriend
ko?

JAMES: (to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) Teka lang medyo awkward to

ENRIQUE: (to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) hindi ko girlfriend and ex-girlfriend mo!

DANIEL: So it doesnt mean anything na nandito sya at dala-dala mo sya? Ano yun? Casual
acquaintance? You dont fool me dude!

ENRIQUE: (to the tune of Ex-GF by Sponge Cola) Met up with her at the cantina, she had six to nine
margaritas sabi nya kumukuha daw sya ng lakas ng loob para kibuin ka at mag-sorry.

DANIEL: And you expect me to believe that excuse? Hindi ka lang pala repeater Kuya, mahilig ka din
pala sa surplus.

ENRIQUE: Eh loko ka pala e! (aamba ng suntok)

NADINE: (to the tune of Lintik by Brownman Revival) Lintik na pag-ibig parang kidlat tinamaan kayo
ng kidlat mga kuya ano at nag-aaway kayo? (Tao Lang by Loonie) Padating ko sa bahay ano
ba naman yan, ang ganda ng eksena puro awayan

DANIEL: (Tao Lang by Loonie) Ang yabang mo naman bakit ka ba nandito, bakit nakikialam ka dito,
magaling ka feeling mo, ha?

NADINE: (Tao Lang by Loonie) Ang sungit-sungit ng mga tao, wag sanang barumbado anong
magagawa ko, wag sanang sobrang sungit masyado kayong mainit animo kayoy mga
halimaw na mga in-heat kung ganyan kayo, lalayasan ko na kayo! (alis sa scene)

(Itutuloy ni Enrique ang panununtok)

JAMES: (haharang) Teka, teka, wag ganyan Enrique. Isipin mo pag sinuntok mo siya, masasaktan
sya.

DANIEL: Hindi a, (aaktong iiwas) iiwas ako!

JAMES: pagpalagay nang iiwas ka nga, sige. Pag umiwas ka, malapit lang ako, e di ako naman ang
tatamaan ng suntok ng kuya mo (itatagilad ang mukha habang lumalapat ang kamao ni
Enrique)

DANIEL: e di umiwas ka din


Page 11 of 13

JAMES: hindi pwede kasi nakaiwas ka e di yung full impact nun sa akin tatama, syempre gaganti ako
(aakto na susuntok)

ENRIQUE: Aba hindi naman pwede yun, pag gumanti ka, susuntukin din kita (aarte ng susuntok din)

JAMES: e di gaganti din ako (susuntok din)

DANIEL: Aba teka kuya ko yang gagantihan mo, e di syempre igaganti ko din si kuya sa yo (susuntok
din)

JAMES: unfair yun, kapag gumanti ka sa akin, tatadyakan kita (tatadyak)

ENRIQUE: bibigyan kita ng uppercut pag tinirya mo ang kapatid ko (mag-a-uppercut)

JAMES: Gagantihan naman kita ng Dempsey roll (gagayahin ang Dempsey roll ni Ippo)

DANIEL: pag dinempsey roll mo si kuya i-ha-heartbreak punch naman kita! (gagayahin ang heartbreak
punch ni Datte)

NIDORA: (biglang pasok sa eksena) at kapag hindi pa kayo tumigil, makakatikim kayo ng Tekken kick
mula sa daddy nyo!

ANSELMO: Anong kaguluhan ito??? (Tao Lang by Loonie) Pagod na kong talaga, loads of work
ngayong araw, walong oras sa van, tatlong oras sa kalabaw, tapos pag-uwi ko pa parang
di ko malaman kung bakit ang buhay koy parang naging pelikula. Nagbabalak ba kayong
mgaging mga action star ha.

JAMES: Sorry po Tito Anselmo.

ANSELMO: James, nasa salas ang Papa mo. Sinusundo ka na. Pumunta ka na don. (aalis na sa
eksena si James)

NIDORA: Anselmo, lamigan mo lang ang iyong ulo.

ANSELMO: ako na bahala dito, iwanan mo na kami. (aalis sa eksena si Nidora) now, lets talk boys.

NARRATOR: Meanwhile, sa salas ng mga de explorer.

JAMES: Pa? anong ginagawa nyo dito? Di ba may inaasikaso kayong business?

FRANKIE: Anak, kahit pa anong busy ko, siyempre pag kailangan mo ako darating ako.

JAMES: Kahit pa sa bahay ng katunggali mo sa negosyo?

FRANKIE: Hindi naman kayo kasali sa issues namin ni Anselmo. Ano tara, uwi na?

JAMES: Okay, Pa.

NARRATOR: And we give you back the blow by blow points este ang mag-aamang de Explorer pala.
Page 12 of 13

ANSELMO: Anong pinag-aawayan nyo?

DANIEL: (Ex-GF by Sponge Cola) Girlfriend na nya ang ex-girlfriend ko

ANSELMO: Enrique, totoo ba yun?

ENRIQUE: Hindi dad. (to the tune of One Little Slip by Barenaked Ladies) It was a cup of good
intentions, a tablespoon of one big mess, a dash of overreaction and I assume you know
the rest

ANSELMO: Yeah, pinagbabati mo sila, he misunderstood, ayan away. (to the tune of One Little Slip
by Barenaked Ladies) It was a recipe for disaster a four course meal of no siree, It seems
like a happily ever after pero hindi ayan at nagrambol kayo.

DANIEL: Sorry kuya.

ENRIQUE: Im cool with it dude. Wag mo na lang ulitin.

DANIEL: Siguro mas okay, na habulin ko na si Kathryn, makikipagbati ako. Hindi na ako
makapaghintay na ma-reunite kami.

TATA LINO: (sisingit out of nowhere) Iho ang lalaking hindi makapaghintay, maagang nagiging tatay!

DANIEL: Loko! (alis sa scene)

NARRATOR: Finally, nakapagsolo na ang mag-ama, masasabi na ni Enrique ang problema nya, nang
biglang.

GEORGIA: good evening.

ANSELMO: Good evening din, you are?

GEORGIA: (ilalahad ang kamay for a handshake) Im Georgia.

ANSELMO: (Makikipag-kamay) Anselmo

NIDORA: (biglang pasok sa eksena) Anselmo, ano ito??? Nawawala si Nadine, at heto ka, dinala mo
pa dito ang kerida mo.

GEORGIA: No, hindi nya ako kabit okay? Nanay ako ni Lisa, and Im here para ihatid si Nadine na
nag-istokwa.

NADINE: Mom, Dad, sorry

GEORGIA: Oh hello Enrique. I heard from Nadine, nasabi mo na ba sa parents mon a binigyan ka ng
singko ni Ms. Diumano sa Finance?

ANSELMO and NIDORA: ANO???


Page 13 of 13

GEORGIA: oopsie! I might have made (One Little Slip by Barenaked Ladies) One little slip, one little
slip, it was a fusion of confusion and a few confounding things. Sorry, uhm, alis na ako.
Dyan ka na Nadine. Toodles.

ANSELMO: Okay Iwanan nyo na kami Nidora, Nadine (alis sa eksena ang mag-nanay) So what is
this all about?

ENRIQUE: Its as you heard dad, bagsak po ako sa Finance. Natagalan po akong sabihin kasi ayoko
na po sanang dumagdag pa sa stress nyo ni mom. Tsaka hindi ko rin po alam kung
papaano sasabihin magulo po kasi ang isipan ko sa dami ng gawain sa school

ANSELMO: Plano mo bang ilihim yun sa amin ng mom mo?

ENRIQUE: Hindi dad, natagalan lang talaga. Nahihiya na rin po ako. Kasi repeater na nga ako ng year,
ngayon extended pa ng sem gawa ng Finance.

ANSELMO: Bawi ka na lang anak, basta pag bumawi ka next time, wag mo lang gawin yun para sa
amin ng nanay, mo at ng mga kapatid mo. Gawin mo yun para sa sarili mo, para naman
magkaroon ka ng magandang kinabukasan.

ENRIQUE: Salamat, Dad.

(alis sa eksena ang mag-tatay)

TATA LINO: (kukuha ng upuan at uupo sa pinakagitna ng stage) Yang stress kasi killer yan e. Hindi
lang health moa ng pinapatay nyan. Yung pag-iisip mo rin. Yung kakayahan mong mag-
balance ng mga bagay, at makagawa ng tamang desisyon. Naapektuhan din nyan yung
mga tao sa paligid mo. Sabi nila ang tao na stressed Malala pa daw sa tao na Malabo ang
mata. Madali lang naman resolbahin ang stress, wag mo nang hayaan pang mag-build up
ang mga bagay sa paligid mo, para hindi ka hagarin ng mga ito na syang magpapastress
say o, at sa lahat ng oras panatilihin moa ng bukas na isipan at malayang kaalaman.

FIN

You might also like