You are on page 1of 1

Scene 10.

(simenteryo)

Rigor: Limang taon na ang naka lipas matapos mapatay ang mahal kong kapatid ng walang kamalay
malay. Kasabay rin ay hanggang ngayon walang mala yang aking ina matapos ang pangigipit ni donya
Leticia.

Kristina: Kasama ako ng papa ninyo makipag laban sa hustisya noon para sa tita Princess ninyo. Kumuha
kami ng pinaka magagaling na abugado para ibalan ang kaso. Pero nanaig pa rin ang kapangyarihan ni
Donya Leticia.

Anak: Bakit po ina? Ano po ang ginawa ng Donya? Siya po ba ang dahilan bakit hindi ko puwedeng
makasama si lola at tita?

Rigor: Walang dapat sisihin sa pagkawala ng mahal natin sa buhay kundi siya. Gamit ang pera ay kaya
niyang bilhin ang lahat ng tao.

Anak: Paano po ung may mga prinsipyo pa?

Rigor: Pera pa rin ang gagamitin niya para siilin ka at umayon sa gusto niya. Katulad ng abugado natin
dati at ang saksi na sana magiging daan sa hustisya.

Kristina: Maysdo ka pang bata para maintindihan ang lahat anak. Sa ngayon mabuti na pnatilihin mong
bata ang iyong isip, mag aral mabuti at pag laki mo ay maiintindihan mo rin ang buhay.

Rigor: Gagawin ko lahat makapag tapos ka lang para hindi ka matutulad sa amin na natatapakan at
nagiging basura lamang. Gawin mong inspirasyon ang tita Princess mo na isa sa libo libong biktima ng
extra judicial killings.

Kristina: nakakatuwa Rigor, nabago ka ng panahon. Mas naging mayaman ang isipan mo, malayong
malayo sa dating sangano.

Rigor: Lahat ng tao ay maaring magabago gaano man sila kasama. Sa pag babago ay kailangan tulungan
nila ang kanilang sarili at sympre tulong mula sa pamilya at lipunan. Kung karahasan ang ipapairal
walang tao mabibigyan ng pagkakataon itama ang mga mali. Kung diyos ay marunong magpatawad sino
tayo para kamatayana ng ipalit sa kapatawaran.

You might also like