You are on page 1of 1

Danilo F. Clerigo Jr.

9-Rutherford
Artifact Blg. 1 January 29, 2017
Layunin: Nakakasulat ng pagpapahalaga sa mga naiambag ni Dr. Jose
Rizal sa Pilipinas.

Maraming mga dakilang bayani ang nagbuwis ng kanilang mga


buhay para sa lupang sinilangan. Isa sa mga bayaning ito ay si Jos
Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala sa pangalang
Dr. Jose Rizal. Si Dr. Jose Rizal ay maraming naiambag at nagawa para
sa ikabubuti ng kanyang bayan ngunit ang mga ito ay unti-unti ng
kinakalimutan ng mga Pilipino. Marami na ang nakakalimot kung ano
ang nagawa ni Dr Jose Rizal para sa ating bayan kaya paano nga ba
natin papahalagahan ang mga naiambag ng bayaning ito?
Bilang isang kabataan , papahalagahan ko ang mga naiambag ni
Rizal sa pamamagitan ng paggamit ng ating pambansang wika na
wikang Filipino.Hindi ko gagamitin at papahalagahan ang wika ng ibang
bansa dahil mas importante at mas bibigyan ko ng pansin ang ating
sariling wika. Mapapahalagahan rin natin ang kanyang mga naiambag sa
pamamagitan ng pagtangkilik ng sarili nating produkto at pagsunod sa
mga batas at sa pamamagitan ng paggawa ng mga ito ay nagpapakita
tayong mga Pilipino ng nasyonalismo o pagiging makabansa.At ang
huling pagpapahalaga sa kanyang mga naiambag ay ang pagsasabuhay
sa mga aral na naituro ni Rizal sa bayan.
Bilang isang estudyante, mapapahalagahan ko ang mga naiambag
ni Rizal sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga nobelang kanyang
naisulat kagaya na lamang ng El Filibusterismo at Noli Me Tangere,
dahil dito ay malalaman mo kung gaano kalupit ang pagtrato sa mga
Pilipino ng mga Kastila. Ito ang nag udyok sa mga Pilipino na lumaban
para sa kalayaan ng ating bansa sa kamay ng mga dayuhan. At ang
pinaka importanteng pagpapahalaga ay ang pag-aaral ng mabuti. Sabi
nga ni Rizal Ang kabataan ang pag asa ng bayan, naniniwala si Rizal
na ang kabataan ang daan sa pag unlad ng ating bansa at ang edukasyon
ang magiging susi upang maisakatuparan ito.

You might also like