You are on page 1of 4

Edad: Kasarian

Tirahan Relihiyon

Numero ng Telepono o Celfone: Lugar kung saan ipinanganak

EDUKASYON

PANGALAN AT LOKASYON NG PAARALAN O PETSA/


INSTITUSYON TAON
Allah, isang salita na may limang letra. Dahil sa salitang ito,
malalaman at makikilala mo na kung sino at taga-saan sila. Isama mo na rin
ang magaganda at makukulay na mga kasoutan nila na bumabalot sa kanilang
katawan, dahil dito, matutukoy na agad ng mga taong taga ibang bayan o
lalawigan na isang Muslim ang kanilang kaharap. Ilan lamang ito sa mga
halimbawa ng mga salita at kasoutan na nagpapakita ng pagkakaiba-iba ng
wika ng lipunan. Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa
isang lipunan sa mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay
hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay
na nag-unay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at
adhikain. Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan
niya at nagtuturo sa kanya sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan
at kung paano niya ito maisagawa sa pamamaraang maituring na kanais-nais.
Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay sa kanyang
paglalakbay tungo sa makabulohang buhay.

Ang isang Muslim (sa wikang Arabo: )ay ang taga-taguyod


ng Islam. Sa literal na kahulugan ng salita, ang Muslim ay sinumang tao na
ipinagkaloob ang sarili sa Diyos (Allah sa wikang Arabo). Tinatanggap ng
karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat na
binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos
at ang paninindigang na si Muhammad ang huling propeta. Isinasalarawan
ng mga Muslim ang mga maraming karakter sa Tanakhat Bibliya, katulad
nina Musa (Moses) at Isa (Hesus), bilang mga Muslim, dahil, bilang mga
propeta, ipinagkaloob nila ng buo ang kanilang sarili sa Diyos. Sa Islam,
kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng
pamumuhay na itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na
dumaan sa Arabong propetang si Muhammad noong nabubuhay pa
siya. Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga Mohamedano,
ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila
bilang mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto
nilang tawagin silang mga Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa
Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa marami nang iba pang mga
Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na
pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad. Para sa mga Muslim, isa
lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang
mga Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.

Kabilang sa mga pananagutan o obligasyon ng mga Muslim sa


kanilang pananampalataya ang pagsasakatuparan ng pananampalataya sa
iisang Diyos. Kailangan silang sumamba sa Diyos ng limang ulit sa isang
araw, na nakaharap sa kinaroroonan ng Mecca. Dapat silang magbigay ng
limos sa mga mahihirap. Nararapat silang mag-ayuno sa buwan
ng Ramadan. At kung maaari, kailangan nilang mapuntahan ang Mecca
kahit na isang pagkakataon lamang sa kanilang buhay.

Ang mga Muslim ay kilala dahil sa kanilang kakaibang kultura at


paniniwala. Isa sa mga kulturang muslim ay ang Malong, isang Malaki at
makulay na telang ginagamit na pambalot sa katawan. Itoy karaniwang
isinusuot ng mga kababaihan sa paligid ng baywang na ang itaas na dulo ay
nakatagpi sa ibabaw ng kaliwang braso. Ang mga kalalakihan naman,
isinusuot ito na nakapaligid sa baywang tulad ng isang palda.

Sila ay maaaring matagpuan sa isang distrito sa Quiapo, Maynila at


sa ilang mga bahagi ng Mindanao tulad ng Sulu, Tawi-Tawi, Maguindanao,
at Lanao del Sur. Sila ang pinakamalaking pangkat ng mga di-Kristiyanong
Pilipino at itinuturing na pinakamatapang na pangkat ng mga Pilipino dahil
hindi sila natalo o nasakop ng mga dayuhan. Malaki ang pagpapahalaga nila
sa kanilang pagkakaibigan at kanilang pagiging matapat. Mayroon silang
sari-sarili at katutubong kultura ngunit pareho ang kanilang paniniwala sa
relihiyong Islam at ang pagsamba nila sa kanilang diyos na si Allah.
Kabilang din sa pangkat na ito ang mga Maguindanao, Maranao, Samal,
Tausug, Yakan, at Badjao.

You might also like