You are on page 1of 2

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

SOUTH LA UNION CAMPUS


COLLEGE OF EDUCATION
AGOO, LA UNION

Pagtuturo at Pagtataya sa Panitikan

Panimula
Bago natin talakayin ang ibat ibang mga dulog sa pagtuturo ng panitikan kalakip ang
mga katangian, tuklasin muna natin ang katuturang nakapaloob sa dulog.

Dulog o Lapit
Ayon kay Anthony, ang dulog ay isang lipon ng pagpapahalagang hinggil sa pagkatuto at
pagtuturo.

Mga Dulog sa Pagtuturo ng Panitikan

A. Community Language Learning

Ang CLL ay isang klasikong halimbawa ng dulog na batay sa domeyn na


pandamdamin. Ang dulog na ito ay ekstensyon ng modelong Counselling-Learning ni
Charles A. Curran na nagbibigay-diin sa pangangailangan ng mga mag-aaral.

Ang pagkabahala ay nababawasan.


Ang mga guro ay tumatayo bilang isang tagapayo.
Naiiwasan ang anumang pagdadahilan sa pag-aaral.

Mga Katangian

1. Binibigyang - diin ang pagkaunawa at pagsasalita.


2. Isinasanib sa pagkatuto ng wika ang mga aspekto ng kultura.
3. Wala itong tiyak na paraan ng pagtataya.
4. Hinihikayat din ang sariling pagtataya.

B. Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (Communicative Language Teaching)

Ang CLT ay nagrerepresenta sa isang pilosopiya ng pagtuturo na batay sa


komunikatibong gamit ng wika. Nagsimula ang lapit na ito sa mga naisulat ng literatura na
nauukol sa konseptong nosyonal functional.

Nakapokus sa mensahe kaysa sa porma ng wika.


Hindi naging maganda sa aspektong panggramatika.
Magkapantay nang isinaalang-alang ang mensahe at porma. (David Wilkins)
DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY
SOUTH LA UNION CAMPUS
COLLEGE OF EDUCATION
AGOO, LA UNION

Mga Katangian

1. Binibigyang diin ang kasanayan sa pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng


interaksyon.
2. Gumagamit ng mga awtentikong teksto sa pagtuturo.
3. Nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na bigyang pokus hindi lamang ang
wikang pinag-aaralan kundi pati na rin sa proseso ng pagkatuto.
4. Itinuturing ang mga personal na karanasan ng mga mag-aaral bilang mahahalagang input
sa pagkatuto.
5. Sinisikap na maiugnay ang mga pagkatuto sa loob ng klasrum sa gawaing pangwika sa
labas ng klasrum.

Mga Mungkahing Hakbang sa Pagtuturo

1. Pagtiyak sa Layunin
2. Paglalahad
3. Pagsasanay
4. Paglilipat

Inihanda nina:

Giselle V. Gigante
Angelyn O. Cardenas
Krizzle B. Paguel
Marvin Q. Santos
Diana Morales
Maria Fe Bucao
Princess Celina Sagun
Joana Banting

Bibliyograpiya
Libro
Corpuz, Brenda B at Gloria G. Salandanan. 2014. Principles of Teaching 2. Lungsod
Quezon: Lorimar Publishing House.

Elektroniko
Sfc-Educ. SPEC 7. Agosto 15, 2013. Mga Simulain, Metodo at Dulog sa Pagtuturo ng
Filipino. Nakuha noong Agosto 19, 2017 sa
https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=496386743776796&id=476472942434843
&_rdc=1&_rdr.

You might also like