You are on page 1of 1

Noong unang panahon ay may isang haring nagngangalang Solomon.

Mayroon siyang nag-iisang anak na


lalaki. Ang kaniyang pangalan ay Loren, si Loren ay napakapilyong bata at ang lahat ay naiinis sa kanya.

Isang araw ay naglibot si Loren sa kanilang nasasakupan kayat ganuon na lamang ang takot ng lahat.
Dahil baka kung ano ang kaniyang gawin.

Tama nga ang mga taong nakapalibot sa kaniya sapagkat mayroon itong ginawang kalokohan. Sa may
daanan ay nag-iwan siya ng balat ng saging kayat nadulas ang mga dumaraan. Kayat ang mga dala
nilang mga gulay, prutas at mga gamit ay nangagkatapon. Hinabol si Loren ng mga kawal ng hari upang
siya ay isumbong sa kanyang Ama ngunit masyado itong maliksi at magaling na magtago. Nagtagal ang
habulan sa pagitan ni Loren at nang mga kawal ng hari hanggang sa sila ay makarating sa kagubatan.
Hindi alam ng mga kawal ng hari na si Loren ay marami palang mga patibong na nagawa sa loob ng
kagubatan dahil siya ay laging nanduon.

Unti-unting nahulog sa ibat-ibang patibong ni Loren ang mga kawal ng hari. May nahulog sa loob ng
butas at hindi na magawang makaahon. Meron din namang nakakita ng ahas at sa sobrang takot ay
humandusay na lamang at nagtatatkbo pabalik sa palasyo ng magising. Ang ilan naman ay nahuli ng
bitag na tali ay nagging palamuti sa mga puno na parang mga christmass balls na nakabitin.

Walang nakahuli kay Loren kayat umuwi na lamang ang mga kawal ng hari na lulugo lugo. Dinaig pa nila
ang mga kawal na nakipaglaban sa isang labanan ng mga hukbo dahil sa sobrang pagod na kanilang
nadama.

Pagdating sa palasyo ay isinumbong nila ang kapilyohang ginawa ni Loren sa kaniyang ama. Mula sa silid
ni Loren ay ipinatawag siya nang kaniyang ama at sinabing kung kaniya pa itong uulitin ay itatakwil na
siya bilang anak ng hari. Dahil ayaw ni Loren na siya ay mapalayas sa palasyo ay pinilit nan i Loren na
maging mabait at tumutulong narin siya sa mga taong gumagawa sa loob ng palasyo.

Magmula nuon ay hindi na naging pilyo itong si Loren at kinagigiliwan na rin siya ng mga tao sa kaniyang
paligid napaka saya pala ng ganuon ang sabi ni Loren.

Sino si Loren?

Sa simula ng kwento ano ang ugali ni loren?

Bakit naging mabuti si loren?

Ano ang ginawa ng kanyang ama sa kanya?

Nagbago ba si loren sa huli?

You might also like