You are on page 1of 3

Aguilar, Jamaica

Delara, Elaine
Toledo, Jojen

ISANG ALAALA SA AKING BAYAN


I
Kung magunita ko yaong mga araw
na unang namasid niring kabataan,
sa tabi ng pampang na kulay luntian,
ng isang dagatang may bulong na taglay;
kung magunita ko ang hingang mahinhin
niyong Favonyong sa noo koyy hain
ang mabining simoy na tangi kong aliw,
may lamig na dulot na kagiliw-giliw;

II
Kung minamasdan ko ang liryong maputing
pinamumukadkad ng sa hanging bati,
saka, pagkaraan ng kanyang lunggatiy
natutulog naman sa buhanging tipi;
kung sinasagap ko sa mga bulaklak
ang kanilang bangong makalangot sukat,
na inihihinga kapag liwanag
ng bukang-liwayway pangiting ninikat;

III
Nagugunita kong may kahalong lungkot
ikaw, kabataang sakbibi ng lugod,
na ang isang inang magiliwing lubos
ay siyang nagbigay ng iyong alindog.
Nagugunita ko yaong isang baying
naging ligaya kot siinilangan,
sa tabi ng lawang may lamig na alay,
pugad ng lahat ng pag-ibig ko sa buhay.

IV
Ang mga paa kong kulang pa sa tatag,
sa mga gubat moy mayroon ding bukas,
sa mga baybayin ng ilog mong lahat
nakatamo ako ng aliw at galak;
nagdasal din ako sa iyong dambana
nang buong taimtim noong akoy bata,
at sa iyong simoy na dungis may wala,
yaring aking pusoy natigib ng tuwa.

V
Kita ko ang Diyos sa aking kalakhan
ng mga gubat mong nangagtatandaan;
kailanmay di ko natikman minsan man
ang pait ng palad sa iyong kandungan;
samantala; iyang bughaw na langit mong
aking minamalas, minsan may-di ako
kinulang ng lingap na galing sa iyot
sa katalagahay nukal ang aliw ko.
VI
Kamusmusang mura, bayan kong maganda,
masaganang bukal ng mga ligaya,
at ang mga aliw-iw ng kundimang tila
nakapaglalayo ng sariling dusa!
mangagbalik kayo sa aba kong puso,
magsibalik kayo oras kong maamo,
magsibalik kayong parang ibong dapo
sa mga bulaklak kapag sumasamyo.

VII
Ngunit! Ay! Paalam! Nawa ay ingatan
ang kaaliwan mot kapayapaan.
wari ka nang magaling, na sa kabutihay
siyang naggagawad ng pala sa tanan;
dahilan sa iyo, ang aking panata,
dahilan sa iyo, ang aking pag-asa
na may matutuhat ang langit man sanay
mayag na kupkupin ang yumi mot ganda.

You might also like