You are on page 1of 1

HAHAWAK PA O BIBITAW NA

Ni: Ma. Rowela T. Cabigon


Ako ay iyong binigyan ng isang milyong dahilan
Upang Ikay aking iwan
Ako ay iyong binigyan ng isang milyong problema
Para sabihin kong tama na

Oo, ako ay iyong binigyan ng dahilang umalis


Pero bakit ikaw parin ang nais
Hindi ko alam kung hahawak pa o bibitaw na
Sa relasyong ako lamang ang nagpapagana

Oo, minahal kita ng buong buhay


Pero hindi mo ako minahal ng tunay
Tiniis ko lahat para ang buhay moy mabigyan ng kulay
Sa mundo nating unti unti ng nawawalan ng kulay

Sabi nila ito ay pagsubok sa relasyon


Para lumalim at tumibay ang koneksyon
Pero sabi rin nila na tama na ang imahinasyon
Na akoy mahal nya pa hanggang ngayon

Bb. Robie Araez

You might also like