Akmang tatalon na ang babae mula sa pinakataas na palapag
ng gusaling kaniyang kinatatayuan. Hindi ako makahinga. Ang bilis ng kabog ng aking dibdib. Tilay may kabayong naghahabulan sa dibdib ko. Nangangatog na ang kaniyang tuhod. Takot siya. Oo, takot siya. Kitang-kita sa kaniyang mga nanlulumong mga mata. Tatalon na ako! Ayaw ko nang mabuhay! Paiyak na sigaw niya. Tumulo pa ang isang malakristal nalikido mula sa kaniyang mata. Maraming mga tao ang nagkukumpulan. Naghihiyawan. Silay natatakot na baka tumalon ano mang segundo ang babae. Bumaba ka na diyan! Walang maidudulot na mabuti ang pagpapakamatay, iha! Maawa ka sa sarili mo. Bumaba ka na. Rinig kong sigaw ng mga tao, parang mapuputol na ang mga ugat nila sa leeg sa kakasigaw. Kita ko ang isang lalaking aligaga, hinahawakan niya ang kaniyang telepono. Siguroy tumatawag siya ng magsasaklolo sa babae. Panay ang tingin niya sa babae. Isang paa. Isang paa nalang ang nakasandal sa kaniyang kinatatayuan. Isang paa niya rin ang nakalutang sa ere. Si ginawa niyang iyon napasigaw ang lahat. Kinabahan ako. Lahat ng nakatitig sa kaniya kung hindi tulala, aligaga. Diyos ko, maawa ka sa kaniya! Huwag niyo pong hayaan na mamatay siya! Sigaw ng matandang babae habang nakaluhod at umiiyak. Naawa ako sa kaniya. Parang maiiyak na rin ako ngunit pinilit kong isawalang bahala siya. Biglang lumakas ang hangin. Sandaling tumigil ang ikot ng mundo ko. Nawalan ako nang balanse at tuluyan na akong nalaglag. Oo, ako. Paalam mundo ng pighati. Huling sambit ko. DubdubDubdub Huling kabog ng nagdurusa kong puso.