You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa pagtuturo ng Filipino

Para sa Ikatlong Taon

Inihanda ni: MACAROMPIS, ALKHIMA M.

I. Layunin
Pagkatapos ng punto, inaasahan ang mga mag-aaral na:
a. Baybayin ang kahulugan ng Maikling Kuwento;
b. Isa-isahin ang Sangkap ng Maikling Kuwento; at
c. Isa-isahin ang Uri ng Maikling Kuwento.
Pagpapahalaga: Pangangalaga sa kalikasang Handog ng May
Kapal
II. Paksang Aralin
Maikling Kuwento

Pinagmulan: Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan nina Ailene G. Baisa-


Julian, Nestor S. Lontoc at Mary Grace G. del Rosario. Ikalawang
Edisyon. (Pahina 43-46)

III. Kagamitan
Cartolina, Pentel Pen

Approach: Deductive

IV. Pamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng mag-aara

A. Panimula
Magandang Umaga mga mag-aaral. Maganda Umaga din po Bb.
Alkhima.
Mag dasal muna tayo. Opo Bb. Alkhima.

B. Asignatura
Nag bigay ba ako ng asignatura ninyo? Opo Bb. Alkhima.
Sige. Ipasa sa unahan.

C. Repasuhin
Ano nga yong tinalakay natin kahapon? Tungkol po sa element ng tula.
Ok. Anu-ano nga ulit yong mga element ng Tula? Sukat, tugma, Tayutay,
larawang- diwa at
simbolismo.
Magaling!

D. Paglalahad
Ang maikling kuwento ay isang masining
Na anyo ng panitikang may isang kaniktalan.
Ang paglalarawan at paglalahad ditto ay madali,
maikli, at masining kayat sa isang upuan o sa
sandaling panahon lamang ay agad itong
matutunghayan, mababasa at kapupulutan ng pananabik,
aliw, at maging-aral.

May ibat ibang sangkap ang maikling kuwento.


Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: Tauhan, Tagpuan,
Banghay, Pananalita at tema.

Ano ang kahulugan ng mga ito? Tauhan ay tumutukoy sa


pangunahing tauhan at ang
iba pang nasasangkot sa mga
pangyayari sa kuwento.

Tagpuan ito ang


pinangyayarihan ng kuwento
kasama na ang panahon kung
kalian ito naganap.

Banghay ay mga
pangyayaring nagaganap o
magaganap sa kuwento mula
sa simula hanggang s wakas.

Pananalita ito ang buhay at


diwa ng mga tauhan at ng
mga pangyayari s kuwento.

Tema Tema ito ang paksa o


kaisipang hangad maibahagi
ng manunulat sa mga
mambabasa.

Dumako naman tayo sa uri nito.


Ano ang unang uri ng maikling kuwento
At ano ang ibig-sabihin nito? Kuwento ng katutubong
Kulay. Binibigyan diin ang
kapaligiran at mga pananamit
ng mga tauhan at ang uri ng
pamumuhay at hanapbuhay
ng mga tao sa nasasabing
pook.
Ikalawa naman ang Kuwento ng Pakikipag-
Sapalaran. Ano ibig-sabihin nito? Itoy nasa balangkas ng
pangyayari at wala sa tauhan
ang kawilihan o interes sa
kuwentong ito.
Pangatlo ang Kuwento ng Kababalaghan.
Ito ang mga di-kapani-paniwalang pangyayari
bukod pa sa mga katatakutan ang siyang diin
ng kwentong ito.

Ano ang pang-apat na uri ng Maikling Kuwento? Kuwento ng Tauhan.


Sa kuwentong Tauhan ay ang interes at diin ay nasa
Pangunahing tauhan.

Pang-lima ay ang Kuwento ng Katatawa.


Ano ibig-sabihin nito? Ang diin ng kuwentong itoy
magpatawa at bigyang-aliw
ang mambabasa.
Pang-anim ang Kuwento ng Pag-ibig.
Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan
Ng pangunahing tauhan at ng kanyang katambal
Na katauhan.

Pang pito ang Kuwento ng Kaisipan o Sikolohiko.


Sa kuwentong ito sinisikap pasukin ang kasuluk-
Sulukang pag-iisip ng tauhan at ilahad ito sa mga
mambabasa.

Pang-walo ang kuwento ng Talino. Ang kuwentong


Ito ay punumpuno ng suliraning hahamon sa katalinuhan
Ng babasa.

Pang-siyam ang Kuwento ng Pampagkakataon.


Kuwentong isinulat para sa isang tiyak na pangyayari
Gaya ng pasko, Bagong-Taon, at iba pa.

At ang huli ay Kuwento ng Kapaligiran. Kuwentong


ang paksa ay mga pangyayaring mahalaga sa lipunan.

Naintindihan? Opo Bb. Alkhima.


E. Pangkalahatan

Ano ang kahulugan ng


Maikling Kuwento? Ang maikling kuwento ay
isang masining na anyo ng
panitikang may isang
kaniktalan. Ang paglalarawan
at paglalahad ditto ay madali,
maikli, at masining kayat sa
isang upuan o sa sandaling
panahon lamang ay agad
itong matutunghayan,
mababasa at kapupulutan ng
pananabik, aliw, at maging-
aral.

Anu-ano ang mga sangkap ng


Maikling Kuwento? Ang mga sangkap ng
maikling kuwento ay ang
sumusunod: Tauhan,
Tagpuan, Banghay,
Pananalita at tema.

Anu-ano naman ang mga Uri ng Maikling


Kuwento? Kuwento ng katutubong
Kulay, Kuwento ng
Pakikipag-Sapalaran,
Kuwento ng Kababalaghan,
Kuwento ng Tauhan,
Kuwento ng Katatawa,
Kuwento ng Pag-ibig,
Kuwento ng Kaisipan o
Sikolohiko, kuwento ng
Talino, Kuwento ng
Pampagkakataon at Kuwento
ng Kapaligiran.
Magaling!

V. Ebalwasyon

Pillin sa hanay B kung anong uri ng Maikling Kuwento ang tinutukoy sa hanay A. Titik
lamang ang isulat sa patlang.
A B

______1. Ang balangkas ng pangyayari ang binibigyang a. kababalaghan


Diin ng kuwentong ito. b. kapaligiran
______2. Ang kuwentong ito ay nakapagpapatawa sa mga c. katatawanan
Manonood or mambabasa. d. katutubong kulay
______3. Ang tauhan ang binibigyang-diin ditto. e. pag-ibig
______4. Hilig ito ng mga bata, nakatuon ito sa mga f. pakikipagsapalaran
bagay na mahirap paniwalaan. g. pampagkataon
______5. Ito ay kuwentong nagbibigay-diin sa kultura h. sikolohiko
Ng isang lugar o pangkat. i. talino
______6. Ang kuwentong ito ay tungkol sa mga j. tauhan
Pangyayari sa kapaligiran.
______7. Ito ang kuwentong humahamon sa talino ng mambabasa.
_____8. Ang kuwentong ito ay tungkol sa dalwang taong nagmamahalan.
_____9. Ang kuwentong ito ay nasa isip ng pangunahing tauhan.
_____10. Kuwento naman ito hinggil sa isang partikular na okasyon.

VI. Asignatura

Magbasa ng isang uri ng maikling kuwentong gusting-gusto mo. Gumawa ng buod


hinggil dito saka ipaliwanag sa papel kung bakit ito ang paborito mong uri ng kuwento.

You might also like