You are on page 1of 1

WIKA NG KARUNUNGAN

Sa bawat letrang ginagamit sa pagbuo ng mga salita, ito ay may karampatang bigat na tanging mga
taong nagpapahalaga lamang ang nakakakita. Sa kaliwa at kanan ating masusulyapan, mga taong mas
tinatangkilik ang salitang banyaga at itinuturing na parang atin. May mga pagkakataon pang ikinahihiya
ang wika natin sa halip na pagyamanin. Madalas gamitin sa masama sa halip na maging pundasyon ng
karunungan at salamin ng pagkakakilanlan ng kaunlaran. Hindi bat mas nakakahiya ang mga taong
ginagamit ang wika laban sa paninira sa iba sa halip na maging tulay para magkaisa? Ang wika na dapat
sana ay magbuklod sa bansa at maging daan sa pagkakatuto at susi sa kaunlaran at tagumpay ng bawat
mamamayan.

You might also like