You are on page 1of 2

Ayon sa komparatibong pag-aaral na isinagawa ng ikalimang pangkat ng 1Nur-

11, mga estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas noong Marso 2010 tungkol sa
mga Nars sa Pilipinas at sa Amerika, mataas na pasweldo ang pangunahing dahilan
kung bakit pinipili ng mga Pilipinong Nars na mangibang bansa. Naging isyu sa dyaryo
ang lumalaking porsiyento ng mga Pilipinong Nars na nagtatrabaho sa Amerika.
Naitala ng POEA na halos 8.7 hanggang 11 milyong Pilipino o halos 11% ng kabuuang
populasyon ng Pilipinas ay nasa karatig bansa.

Ayon sa Journal of Nursing Administration, ang Pilipinas ang namumuno sa


paghahanda ng mga nars para sa migration sa Estados Unidos lalo na dahil sa mga
pang-ekonomiyang benepisyo at ang mga oportunidad para sa karera, kadaliang
kumilos at isang mas mahusay na kalidad ng buhay.

Sa pagtaas ng pangangailangan ng mga nars sa ibang bansa, tinugunan ito ng


Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapadala ng napakaraming rehistradong nars sa
mga bansang nakakaranas ng nursing shortages tulad ng Estados Unidos, UAE, UK,
at Canada. Ngunit dahil sa pagiging Asias main exporter of nurses ng Pilipinas, ito
naman ay nakakaranas ng Brain Drain. Nawawalan tayo ng mga matatalino at
magagaling Nars na maaaring magdulot ng malaking problema sa healthcare ng bansa.
At ayon sa Asian Journal, ang Pilipinas ang may pinakamababang kalidad ng public
healthcare sa Timog-Silangang Asya.

Ang dapat na ratio ng nars sa kanyang pasyente ay 1:8 ngunit dahil sa


patuloy na pangingibang-bansa ng mga nars, ang ratio ng nars at pasyente sa Pilipinas
ay umaabot ng 1:50 (1 nars kada 50 pasyente). Sa panayam kay Jose isang
rehistradong nars na nagtatrabaho sa pambublikong ospital sa Maynila, sinabi nya
nanapipilitan silang mag-duty ng mas matagal kaysa sa nakatakdang walong oras dahil
sa kakulangan ng mga nars. Kadalasan daw ay hindi nabibigay ang mga gamot ng
pasyente sa takdang oras dahil sa napakaraming pasyenteng kanilang inaasikaso.
Dahil dito, naapektuhan ang mabilis na paggaling ng mga pasyente at tumatagal ang
pananatili ng mga ito sa ospital.

Isinusulong ngayon sa ni Senador Teofisto Guingona III sa senado ang isang


panukalang batas para sa mas mataas na sahod ng mga Pilipinong nars na
nagtatrabaho sa gobyerno. Ang Senate Bill 2583 na ito ay naglalayong itaas ang salary
grade ng mga nars mula sa dating salary grade 11 ay gagawin itong salary grade
15.Ibig-sabihin, mula sa dating sahod ng mga nurse na nagtatrabaho sa gobyerno na
P18,549 ay magiging P24,887 na ito. Sakop din ng salary grade 15 ang mga nars na
nagtatrabaho sa pampribadong sector.Inihain umano ni Guingona ang panukalang
batas dahil marami pa ring rehistradong nars ang nanatiling unemployed at marami pa
ring plantilla positions sa public hospitals ang walang nailagay na nurse. Ang bill na ito
ay naglalayong magtatag ng Professional Regulatory Board of Nursing na
mangangasiwa at mamamahala sa pagsasanay ng propesyon.Ito rin ay magbibigay ng
mekanismo na hahasa sa kakayahan ng mga Pilipinong nars, at magbibigay ng
napapanahon at makabagong kaalaman ukol sa kanilang propesyon. Bukod pa rito, ang
Bill na ito ay gagawa ng Incentive and Benefit system na nagsasaad ng libreng pa-
ospital sa mga nars at sa kanilang mga dependente at scholarship grants, at marami
pang mga benepisyo.

Ayon sa International Journal of Nursing Sciences, bagamat mas mataas nga


ang sweldong maaaring matanggap ng mga Pilipinong Nars sa ibang bansa, hindi pa
rin mawawala ang mga negatibong epektong madudulot nito. Una ay ang panahon ng
pag-aadjust sa bagong kapaligiran. Maraming nars ang kailangan iwan ang kanilang
pamilya para magtrabaho sa ibang bansa at napatunayan ng pananaliksik na
nahihirapan magtrabaho ang mga Pilipinong nars dahil wala sa tabi ang kanilang
pamilya para suportahan sila. Ang wika at pagkakaiba sa kultura ay isa rin sa mga
bagay na kanilang kinakaharap. Ayon sa pag-aaral, ang mga nars mula sa Asya ay
nakakaranas ng stress at depresyon dulot ng pagkahiwalay sa pamilya. Ang
diskriminasyon ang isa sa pinakamalaking isyung kinakaharap ng mga Pilipinong
Nars. Dahil sa nasyonalidad, hindi pantay ang trato sa mga nars na mula sa Pilipinas at
sa mga nars na lumaki sa bansa tulad ng Estados Unidos, UK, UAE, at Canada. Ayon
sa International Journal of Nursing Sciences, sa kabila ng pantay na oras ng
pagtatrabaho, mas mataas ang sweldong natatanggap ng mga nars na nagmula sa
developed nations kaysa sa mga Pilipinong nars.

Naniniwala akong mas makakabuti kung mananatili tayong mga Pilipinong nars
sa bansa. Maliit man ang sweldo, nakatulong naman tayo sa ating mga kababayan.Iyon
naman talaga ang trabaho ng isang nars hindi ba? Ang tumulong kahit na walang
kapalit. Higit pa rito hindi na natin kailangang iwanan ang ating pamilya at hindi tayo
mahihirapang mag-adjust sa bagong kapaligiran.Hindi aabusuhin at mamaliitin ang
ating mga talino. At magiging maganda ang serbisyong maibibigay natin sa mga
pasyente, magiging mabilis ang kanilang paggaling kung may sapat na mga Pilipinong
nars ang mananatili sa bansa.

You might also like