You are on page 1of 2

12/6/2017 Lucas 14:15-24 SND - Ang Talinghaga sa Malaking Piging -Ang - Bible Gateway

Lucas 14:15-24 Ang Salita ng Diyos (SND)

Ang Talinghaga sa Malaking Piging


15 Ang mga bagay na ito ay narinig ng isa sa mga kasama niyang nakadulog
sa hapag. Sinabi nito sa kaniya: Pinagpala siya na kakain ng tinapay sa
paghahari ng Diyos.

16 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniya: Isang lalaki ang naghanda ng malaking


hapunan at nag-anyaya ng marami. 17 Sa oras ng hapunan ay sinugo niya
ang kaniyang alipin upang magsabi sa mga inanyayahan: Halina kayo,
nakahanda na ang lahat.

18 Ang lahat, sa iisang paraan, ay nagsimulang magdahilan. Ang una ay


nagsabi sa kaniya: Bumili ako ng isang bukid. Kailangan ko itong puntahan
at tingnan. Ipinakikiusap ko sa iyo, pagpaumanhinan mo ako.

19 Ang isa ay nagsabi: Bumili ako ng limang tambal na baka. Pupuntahan ko


ito upang masubukan. Ipinakikiusap ko sa iyo, pagpaumanhinan mo ako.

20 Ang isa ay nagsabi: Bagong kasal ako. Dahil dito, hindi ako makakapunta.

21 Sa pagdating ng aliping iyon, iniulat niya sa kaniyang panginoon ang mga


bagay na ito. Sa galit ng may-ari ng sambahayan, nagsabi siya sa kaniyang
alipin: Pumunta ka agad sa mga lansangan at mga makikipot na daan ng
lungsod. Dalhin mo rito ang mga dukha, mga pilay, mga lumpo at mga
bulag.

22 Sinabi ng alipin: Panginoon, nagawa na ang ayon sa iniutos mo at mayroon


pang lugar.

23 Sinabi ng panginoon sa alipin: Pumunta ka sa mga daan at sa mga tabing


bakod. Pilitin mong pumasok ang mga tao upang mapuno ang aking bahay.
24 Ito ay sapagkat sinasabi ko sa inyo: Ang alinman sa mga inanyayahang

lalaki ay hindi makakatikim ng hapunan.

Ang Salita ng Diyos (SND)


Copyright 1998 by Bibles International

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+14%3A15-24&version=SND 1/2
12/6/2017 Lucas 14:15-24 SND - Ang Talinghaga sa Malaking Piging -Ang - Bible Gateway

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Lucas+14%3A15-24&version=SND 2/2

You might also like