You are on page 1of 3

THE CASE: The worlds slow deterioration.

(Slow murder of Mother Nature)

THE CLUES: Bad human activities.

THE SOLUTION: To stop abusing the environment and start changing our bad ways. We are given this
world to make it better, not to make it worse.

MAGKAKAKLASE LAHAT NG MAIN CHARACTERS

POPOY: ANG JOKER


-Joker ng klase, masiyahin, palabiro
-Ngunit sa likod ng mga ngiti ay ang pighati at pangungulila sa ama.
THE CASE: INTENSIVE MINING
THE CLUE: (Flashback)
Noong musmos pa lamang si Popoy, sinama siya ng kaniyang ama sa pinagtatrabahuhan nitong
minahan. Unang pagkakita niya palang dito ay namangha na siya sa mga aktibidad na kaniyang
napapanuod. Mula sa paghuhukay ng malaking sasakyan sa lupa hanggang sa misteryosong kuweba sa
di kalayuan na kaniyang natatanaw. Simula ng araw na iyon, pinangarap na ni Popong na maging minero
katulad ng kaniyang ama. Pag laki ko, magiging minero din ako katulad mo, Itay. Nakangiting sambit
nito sa kaniyang ama.
THE EFFECT:
Naglalaro si Popong, nagbubungkal ng lupa gamit ang kaniyang maliit na sasakyang laruan, nang
kaniyang matanggap ang masamang balitang nangyari sa ama. Sa kasamaang palad, nalibing ng buhay
ang kaniyang ama sa kuweba ng lupang pinagmiminahan dahil sa pagguho.
Nasa eskuwelahan sa elementarya si Popong ng malaman niya ang masasamang dulot ng
pagmimina sa kalikasan. Ang industriyang pumatay sa kaniyang ama ay may kakayahan pang
makapinsala sa iba (di pa kasi ako nagsesearch haha). Ang magandang tanawin sa mata ng isang
musmos ay napawi. Namulat si Popong sa maling gawaing ito.

CARDONG: ANG PROBINSIYANO


-Probinsiyanong nanirahan sa Maynila upang mag-aral.
THE CASE: DEFORESTATION
THE CLUE: (Flashback)
Sa kanilang probinsiya, wala kang matatanaw kung hindi matataas na punot sari-saring halaman
na nakapaligid sa kanilang bahay. Dito madalas masayang maglaro si Popong at ang kaniyang mga
kababata. Umaakyat ng puno upang pumitas ng manga, magtagu-taguan sa likod ng mga puno at
marami pang iba.
Isang araw habang naglalaro si Popong at ang iba pang bata, nakarinig sila ng kakaibang tunog sa
kagubatan. Sinundan nila kung saan nanggagaling ang tunog at dinala sila nito sa kinakalbong kagubatan
para sa pagsasagawa ng planong modernisasyon ng alkalde ng kanilang probinsiya. Namangha ang mga
kabataan dahil sa laki ng mga sasakyang nagpuputol ng puno. Nagpalakpakan silang lahat kasama na si
Cardong.
THE EFFECT:
Noong bumagyo, nasalanta ang bahay na kanilang tinitirhan dahil sa baha. Nagdulot ito ng
masamang marka sa isipan ni Cardong at ditto siya namulat sa importansiya ng presensiya ng mga puno
sa kapaligiran.

LUNA: ANG GRADE CONSCIOUS


-Nakatira malapit sa pagawaan ng mga produkto na naglalabas ng usok na masama sa kalusugan.
-Tampulan ng tukso dahil sa pagiging grade conscious. Luna-tic
-Lingid sa kaalaman ng iba, nais niyang mag-aral ng mabuti upang mai-alis ang pamilya sa kasalukuyang
kalagayan.
-Sakitin, may asthma.
THE CASE: IMPROPER INDUSTRY REGULATION/ AIR POLLUTION
THE CLUE: (Flashback)
Dahil malapit lang sila sa paggawaan ng mga produkto, madalas silang naglalaro noong bata pa
lamang sila dahil namamangha sila sa makakapal na usok na nagmumula dito papuntang langit. Madalas
silang nagkukunwaring mga anghel na nasa langit na, mga tipikal na larong pamabata.
THE EFFECT:
Kung hindi lahat, karamihan sa kanila ay may kumplikasyon sa baga. (RESEARCH! RESEARCH!)
Nang lumaon, hindi na sila natutuwa sa mga nakakasulasok na usok dahil naapektuhan nito ang kanilang
kalusugan. (Dito siya namulat)

CALLY CASAN
-Nakatira sa tabing ilog (na maraming basura)
-Maraming kapatid
THE CASE: IMPROPER WASTE MANAGEMENT/ WATER POLLUTION
THE CLUE: (Flashback)
Noong bata palang si Cally, siya ang palaging nauutusan ng kaniyang ina na magtapon ng mga
basura sa may tabing ilog dahil siya ang panganay.
THE EFFECT:
Bago siya pumasok sa paaralan, nadaanan niya ang kaniyang kapatid na si Keena na
nakikipaglaro sa may ilog. Dito nagtatapon ng kaniya-kaniyang mga basura ang kanilang mga kapitbahay.
Siyay nabahala dahil sa maruming kapaligiran na pinaglalaruan ng kaniyang kapatid. Pinagkakaguluhan
ni Keena at ng kaniyang mga kalaro ang mga patay na isda sa gilid ng ilog. (Dito siya namulat)
THE SOLUTION: (FLASHFORWARD) YEARS LATER
Sa eskwelahan, tatawagin si Keena ng kaniyang guro, Ms. Keena B. Casan, its your turn to share your
story. Dito, ipagmamalaki sa harap ng klase ang mga ginawa ng kaniyang ateng si Cally Casan (Hahaha
play of words) at mga kaklase nito upang maitama ang mga maling gawain sa kalikasan. Silay naging
advocates ng isang organisasyon na pangkalikasan, nagvolunteer sa mga gawain upang maisalba ang
kalikasan at marami pang iba. (Ipapakita yung pati yung mga taong nagflashback kanina, member ng
advocacy.)

Note: Kalikasan ay karugtong ng kinabukasan. Kaya ginawa kong magkapatid sina Cally Casan tsaka
Keena B. Casan. Sa story naging sagot sina Cally Casan para magkaroon ng magandang Keena B. Casan
hahahaha

THE END
PWEDE DIN KAYO MAGBAGO NG CHARACTERS, ETC. KUNG MAY NAIISIP PA KAYO. YUNG FLOW NALANG
NG PAGFLASHBACK ANG PROBLEMA PERO MAY NAIISIP NA DIN AKO DUN. BUKAS NALANG. HIRAP
IEXPLAIN

Reason: Since target audience natin dito ay teens, ano nga ba ang mai-aambag nila sa pagsagot sa
problemang Slow murder of Mother Nature? Since hindi pa ganoon kalaki ang power nila upang
masave ang kalikasan, meron lang silang power ay influence for change etcetera kaya ang solusyon for
now ay maging advocates sila at volunteers para maiwasan yung mga maling gawain at maitama yung
mga nagawa na. Baby steps lang parang ganun. So ayun ang objective ng video, to gain advocates and
volunteers (especially among the youth). :/

You might also like