You are on page 1of 2

Sobre la Indolencia de los Filipinos

HANS
1. Ano ang konteksto sa likod ng pagsulat ni Rizal ng sanaysay na ito?
Ang naging konteksto ng sanaysay na ito ay sa kung papaano tinignan batay sa kasaysayan na
nakaayon sa pananaw ng mga Espanyol sa atin. Pinaratangan tayo ng mga Espanyol na tayo raw
ay tamad dahil sa konteksto nila nakikita nila na mas kakaunti ang ginagawa ng mga Pilipino kaysa
sa kanilang uri ng pamumuhay. Isa rin sigurong dahilang sa pagiging tamad natin ayang
pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino upang makagawa ng iisang Bayan. Dahil dito, walang
kapangyarihan ang mga mamamayan na lumaban sa mga opresyon at pananakop kaya ganoon na
lamang tayo kadaling nasakop ng mga Espanyol.

CHANTAL
2. Anu-anong patunay ang ginamit ni Rizal para sabihing hindi likas sa mga katutubo ang pagiging
tamad?

Bago pa man dumating ang mga Espanyol, nakikipagkalakan na ang mga Pilipino sa isat isa at sa
mga karatig bansa. Ang mga negosyanteng taga-Luzon mismo ang nagdadala ng mga produkto na
kanilang nakukuha mula sa mga Intsik sa ibang isla. Ang mga taga-Butuan ay mga minero ng ginto
at iba pang mineral.Ang mga tribo ay nagsasaka ng lupa, nagtatanim at umaani. Likas rin sa mga
Pilipino ang kakayahan na bumuo ng mga bangka at barko, at sila rin ang gumawa ng Galleon na
ginamit sa kalakalan mula sa Espanya papuntang Acapulco at Maynila. Ilan ito sa mga patunay na
hindi likas na tamad ang mga Pilipino dahil lahat ng tao ay nagbabanat ng buto upang sila ay may
pagkakitaan.

ANDREA
3. Ayon kay Rizal, paano naimpluwensiyahan ng Simbahang Katolika ang pagiging tamad diumano
ng mga katutubo?

Ayon kay Rizal, naimpluwensiyahan ng Simbahang Katolika ang pagiging tamad diumano ng mga
katutubo sa pamamagitan ng pagtanggap ng mga paniniwala at mga tradisyon na hindi naman nila
talaga nauunawaan o naiintindihan. Dahil sa mga halimbawa ng mga Espanyol at sa pagpapakila ng
Simbahang Katoliko ng konsepto ng milagro, naging buhay ng mga katutubo na magbigay ng ginto
at salapi sa simbahan at umasa nalang na magkaroon ng himala o biyaya. Mula sa kabataan ay
itinuturo sa mga katutubo na magdasal ng ilang oras kahit hindi ipinaliwanag sa kanila kung ano nga
ba yung idinarasal nila, at dagdag pa ritoy isinusugpo ang kung ano mang tangka ng mga katutubo
sa pag-uusisa sa mga bagong ideolohiyang ipinapataw sa kanila. Sa halip na magsikap upang
maging mga masisipag na manggagawa, naging ideyal ng mga Pilipino ang imahe ng isang
relihiyoso at mapagdasal na aristokrato. Ipinagpalit ng mga Pilipino ang pagaagrikultura at
pangangalakal sa pagdadasal, paghahawak ng mga dasalan at mga krus. At dahil sa lahat ng ito ay
nagkaroon ang mga Pilipino ng mga ideya ng karangyaan sa kabila ng walang pagkilos.

JEFF
4. Ayon kay Rizal, paano naimpluwensiyahan ng pamahalaang kolonyal ang pagiging tamad
diumano ng mga katutubo?
Bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, mayroon nang sistema ng kalakalan ang mga
katutubo sa mga karatig na bansa tulad ng Tsina at masagana ang mga kommunidad sa
kayamanan galing sa kalikasan. Makikita ito sa teksto ni Pigafetta kung saan sinasabi na may isang
binihag na anak ng datu ang mga tropa ni Magellan at humingi ng kagamitan at pagkain bilang
kapalit ng buhay nito. Ibinigay kaagad ng datu ang mga hiningi nila at nagdagdag pa rito ng iilang
saging at buko. Ngunit, nung dumating ang mga Espanyol, nagkaroon ng maraming digmaan at
away na nagresulta sa kasawian ng maraming katutubo. Kung hindi sila pinatay o ibinihag, kinuha
ang kanilang pamamay-ari at lupa. Dahil dito, nawalan ng ganang magtrabaho ang mga katutubo
dahil hindi rin naman nila makukuha ang produkto ng kanilang trabaho at mapupunta lamang ito sa
kamay ng kolonisador.

You might also like