You are on page 1of 10

Kultura ng pilipinas

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at
mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa
pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 333 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas.
Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila.
Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na
seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista,
nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito. Ang mga Pista ay kadalasang may
patimpalak sa katutubong pagsayaw, at sa ibang lugar ay mayroon pang sabungan. Ang mga ganitong tradisyon ay
ginaganap din sa mga bansang nasakop ng mga Kastila. Sa katimugang bahagi ng bansa na karamihan ay mananalig
Islam ay nagdiriwang din ng kanilang mga tradisyon at nakagawian.

Bago pa man dumating ang mga unang mananakop, ang mga mangangalakal galing sa India, Malaysia, Indonesia,
Tsina at Hapon ay may malaking kontribusyon din sa Kultura ng Pilipinas. Ang Hinduismo at Budismo ay may
impluwensya sa mga katutubong paniniwala ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at ang mga
mangangalakal na Muslim. Ang wikang Tagalog at iba pang wika sa Pilipinas ay maraming hiniram sa wikang
Sanskrito. Isang mabuting halimbawa ang karma, na hanggang ngayon ay pinaniniwalaan pa rin ng mga Pilipino.
Marami sa mga pamahiin, hiniram na salita at pagkain, tulad ng pansit, siopao at iba pa ay minana sa mga
mangangalakal na Instik. Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng
kaugalian, tradisyon, mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.

Lipunang Pilipino

Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan. Isa bilang bansa, at marami dahil sa pagkakahiwalay ng mga ito ng
lugar, dahil sa pulo pulo nitong ayos at mga kasanayan. Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano,
Muslim, at iba pang pangkat; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at
pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap.

Kaugaliang Pilipino

Bayanihan: Nabuo ang Bayanihan sa mga samahan ng mga magkakapitbahay na nagtutulungan kahit kailan o saan
man kailanganin ng tulong. Kadalasan makikita ang bayanihan sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong. Ang mga
tambay at ang mga taong-bayang na malapit dito ay agad agad ding tutulungan ang drayber kahit ano pa man ang
mangyari maayos lamang ang nasirang sasakyan. O kaya naman mas kadalasang inilalarawan ito ng paglilipat
bahay noon ng mga nasa lalawigan. Ang mga bahay ay sabay sabay bubuhatin ng mga kalalakihan na sinasabayan
pa kung minsan ng awitin upang di gaanong madama ang kabigatan nito. Ito ay kabaligtaran ng ugaling
indibidwalismo ng mga lipunang Europeo at Amerikano.

Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak: Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at
iba pang kamag-anak. Ang pangunahing sistemang panlipunan ng mga Pilipino ay mag-anak. Maraming mga
Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili
na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga
lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.

Pakikisama: Ang pakikisama ay ang kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting
pakikitungo sa iba. Hiya: Ang kaugaliang Hiya ay isang panlipunang kaugalian. Ang mga Pilipino kasi ay naniniwala
na dapat na kumilos sila kung ano ang mga tinatanggap na kaugalian ng lipunan; ang kung sila ay nakagawa ng
kaugaliang hindi tanggap, ang kahihiyan na ginawa nila ay hindi lang para sa kanilang sarili kundi kahihiyan din ito
para sa kanilang mag-anak. Isang halimbawa ay ang pagiging magarbo ng paghahanda kahit na hindi dapat sapat
ang kabuhayan niya. Kung ay isa ay pinahiya sa maraming tao, sila ay nakararamdam ng hiya at nawawalan ng
lakas ng loob.\

Palabra de Honor: "May isang salita" Isang kaugalian ng mga Pilipino na kailangan tuparin ang mga sinabi nitong
mga salita o pan

Amor Propio: Pagpapahalaga ng isang tao sa kanyang dignidad.

Delicadeza: Isang ugali na kailan na dapat ang isang tao ay kumilos sa tama at nasa lugar.

Utang na Loob : Ang Utang na Loob, ay isang utang ng tao sa taong tumulong sa kanya sa mga pagsubok na
kanyang dinaanan. May mga kasabihan nga na: Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan

Mga Pambansang Pagdiriwang

Ang mga okasyong ipinagdiriwang sa buong kapuluan ay yaong napakahalaga sa kasaysayan at lipunan. Nakikiisa
ang bawat isa sa mga Pilipino sa pagdaraos ng mga ito kaya't tinatawag itong pambansang pagdiriwang.
Karaniwang idinedeklarang pista opisyal o walang pasok sa mga opisina at paaralan ang mga pambasang
pagdiriwang.

Bagong Taon

Tuwing unang araw ng Enero ipinagdiriwang ang Bagong Taon. Masayang sinasalubong ito bago maghating-gabi ng
Disyembre 31. Masayang sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng mag-anak. Nag-
sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family
reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-buklod ng pamilya.

Araw ng Rebolusyong EDSA

Makaysaysayan ang araw na ito. Ipinagdiriwang ito tuwing ika-25 ng Pebrero. Ang araw na ito ang naging hudyat
ng pagbalik ng kalayaan ng mga mamamayan mula sa rehimeng diktador. Nagkaisang nagtungo ang libu-libong
mga Pilipino sa EDSA noong Pebrero 22-25, 1986. Ito ay sa harap ng Camp Aguinaldo at Camp Crame. Sinuportahan
ito ng mga mamamayan. Tinawag itong Rebolusyong EDSA o EDSA Revolution. Tinatawag din itong People's Power
Revolution o Rebolusyong Lakas-Sambayanan at Rebolusyon ng Pebrero.

Araw ng Kagitingan

Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong
Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa
bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang
pakakaisa laban sa mga dayuhan.

Araw ng Mangagawa

Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga manggagawa dahil sa
kanilang mga paglilingkod sa lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa ating mga pangangailangan.
Tumutulong sila upang tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan, iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Araw ng Kalayaan

Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa
Espaa. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba
pang mga bayani. Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park. Marami pang
inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang na ito. Sama-sama ang mga Pilipino
ipinagdiriwang ang okasyong ito.

Araw ng mga Bayani

Ang Araw ng mga Bayani ay ipinagdiriwang tuwing Agosto 26 taun-taon. Nag-aalay ang mga Pilipino ng mga
bulaklak para sa kanila. May mga palatuntunan pa. Pinahahalagahan sa araw na ito ang mga nagawa ng mga
bayani para sa kalayaan at kapakanan ng bansa.

Mga pansibikong pagdiriwang

May iba pang mga pagdiriwang sa Pilipinas. Kabilang dito ay ang mga pansibikong pagdiriwang. Isinasagawa ang
mga ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Ipinakikita rito ang mga katangian at ilang kaugalian ng mga Pilipino.
Di tulad ng mga pambansang pagdiriwang na idinideklarang pista opisyal, ang mga pangsibikong pagdiriwang ay
karaniwang idinaraos nang may pasok din sa opisina at paaralan sa buong bansa. Gayunman, may ilang lugar na
nagdedeklarang walang pasok gaya ng Lungsod Quezon kapag nagdiriwang ng pakakatatag nito tuwing Agosto 19.

Araw ng mga Puso

Tuwing ika-14 ng Pebrero ito. Ipinakikita natin sa ating mga mahal sa buhay kung gaano natin sila inaalala.
Ipinakikita rin natin ang kahalagahan nila. Marami tayong ginagawang paraan upang ipakita ang ating
pagmamahal. Nagkakaisa tayo sa pagdaraos ng pagdiriwang na ito. Nagbibigayn tao ng kard o anumang alaala sa
araw na ito.

Linggo ng Pag-iwas sa Sunog

Ipinagdiriwang ang Linggo ng pag-iwas sa Sunog sa buwan ng Mayo. Binibigyang-diin ang mga paraan kung paano
tayo mag-iingat sa sunog. Tinuturuan din tayo sa pag-iwas sa sunog. Natututuhan pa natin ang nararapat na
gagawin kung may sunog. Kapag may sunog sa ating lugar, nagtutulungan tayo upang mapatay ito. May mga
programa pa ang mga barangay na nagpapakita ng mga paraan ng pag-iwas sa sunog

Araw ng mga Ina/mga Ama

Mga pagdiriwang na pansibiko ang Araw ng mga Ina at Araw ng mga Ama. Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang
pagdiriwang para sa mga ina at tuwing ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na
ito ang kabutihan ng ating ina at ama.

Linggo ng Wika

Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat
ng sanaysay sa wikang Filipino. Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni Pangulong
Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito.
Binibigyang-diin ang pagmamahal sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga
Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.
Araw ng mga Nagkakaisang Bansa

Pagsapit naman ng Oktubre 24, ipinagdiriwang ang Araw ng mga Nagkakaisang Bansa. Ipinakikita ng pagdiriwang
na ito ang ang pakikipagkaibigan natin sa iba't ibang bansa sa buong mundo. Pagkakabuklud-buklod ang simbolo
nito. Ang Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa ang nagbubuklod upang lubos na magkaunawaan at magkaisa ang
mga bansa. Pagtutulungan ang isa pang layon nito. May mga palatuntunan din inihahanda rito. Hindi lamang sa
paaralan kundi pati na sa telebisyon at radyo.

Linggo ng Mag-anak

Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino ang kahalagahan ng mag-anak at ang pagmamahalan at pagkakaisa ng
bawat kasapi nito.

Araw ng mga Guro

Iba-iba ang buwan ng pagdiriwang nito. Dito naman pinahahalagahan ang kabutihan ginagawa sa atin ng mga
guro.

Araw ng Maynila/Araw ng Lungsod Quezon

Ginugunita rin ng mga Pilipino ang kanilang lungsod o bayan. Nagkakaiba-iba ng lamang ito ng petsa ayon sa bayani
o natatanging Pilipinong ginugunita. Tuwing Hunyo 24 ang Araw ng Maynila. Ika -19 naman ng Agosto ang Araw ng
Lungsod Quezon.

Mga pagdiriwang na panrelihiyon

Marami pagdiriwang na panrelihiyon sa Pilipinas. Isinasagawa rin ito sa iba't ibang buwan sa buong taon. Makikita
rito ang mga kaugalian at katangiang Pilipino

Pasko

Mahalaga para sa mga kapatid nating Kristiyano ang pagdiriwang ng Kapaskuhan tuwing ika-25 ng Disyembre.
Araw ito ng paggunita sa pagsilang ni Jesus, ang Anak ng Diyos ng mga Kristiyano. Misa de gallo o simbang-gabi ang
hudyat ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Nagsisimula ito sa ika-16 ng Disyembre. Ang misa de gallo ang
magkakasunod na siyam na simbang-gabi hanggang sumapit ang araw ng Pasko. Nagkakaisa ang mga Pilipino sa
pagdiriwang nito. Marami ang dumadalo sa misang ito. Sama-samang nagsisimba ang mag-anak dito.

Pagmamahal sa bawat isa ang mensaheng ipinahahatid sa atin tuwing sasapit ang Pasko. Isang araw rin ito para sa
mga mahal sa buhay - mga kamag-anak at mga kaibigan - at pati na rin ng mga kaaway. Kailangang maghatid ang
bawat Kristiyanong Pilipino ng kapayapaan hindi lamang sa buong bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Kung
kaya't dapat tandaan na ang mensahe ng Pasko ay pagmamahal at kapayapaan. Tanda rin ito ng pagkakabuklod ng
mga mag-anak. Nagsasama-sama rito o nagkakaroon ng reunion ang mga kasapi ng mag-anak. Isa pang
napakagandang pagdiriwang kung Pasko ang parada ng makukulay at maiilaw na parol na yari sa San Fernando,
Pampanga. Dinarayo ng mga turista ang paradang ito.
Ati-atihan

Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng uling o
anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang mga sumasali sa parada. Nagsusuot pa sila ng makukulay na
kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Nio ng
isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang iba sa kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang
kahulugan ng salitang viva.

Mahal na Araw

Isang napakahalaga at natatanging tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino. Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito.
Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo, kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni
Cristo. Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o namamanata tuwing Mahal na
Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan ang sarili sa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa kanilang
mga katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto ni Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga pangunahing daan
ng baryo o bayan tuwing Biyernes Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng lahat ng simbahan
tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating Panginoon.

May isa pang gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang Moriones ng Marinduque. Isang makulay na
kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng damit ng mga Romanong sundalo at makukulay na maskara ang
mga namamanata

Pahiyas

Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de Labrador.
Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong pagkain sa pintuan at mga
bintana ng kanilang bahay.

Isang Bahagi ng pagdiriwang ng San Isidro ang pagbasbas sa mga kalabaw. Ipinaparada ng mga magsasaka ang
kani-kanilang mga kalabaw patungo sa simbahan upang mabasbasan ng pari. Naniniwala sila na malalayo sila at
ang kanilang mga kalabaw sa mga sakit at aksidente sa pagbasbas na ito. Isang makulay na pagdiriwang ito na
kinalulugdan ng lahat sa Quezon tuwing buwan ng Mayo.

Santakrusan

Ito ang isa pa ring kasayahan. Ang santakrusan ay isinasagawa kung Mayo. Isang prusisyon ito na nagpapakita at
isinasadula ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus. Maraming naggagandahang kababaihan sa prusisyong
ito na kumakatawan kay Birheng Maria at iba pang mga babaing tauhan sa Bibliya at mga akadang kaugnay nito.

Araw ng mga Patay o Todos los Santos

Ipinagdiriwang ito tuwing unang araw ng Nobyembre. Ginugunita at pinararangalan ang mga namatay na kamag-
anak sa araw na ito. Karaniwang nagtutungo ang mga Pilipino sa sementeryo upang magsindi ng mga kandila, mag

alay ng mga bulaklak at pagkain, at magdasal para sa namatay na mga mahal sa buhay. Nagkakaisa rin ang mga
Pilipino sa pagsasagawa ng mga kaugaliang ito.
Saling-Awit at ang kultura ng
pagsasalin sa Filipinas
NANANATILING buhay ang mga tradisiyonal na tula at awitin sa pamamagitan ng pagsasalin.

Para kay Michael Coroza, tagapangulo ng Filipinas Institute of Translation, Inc., paraan ng
pagpapaunawa ng kaisipan sa ibang tao ang pagsasalin, partikular na ng mga luma ngunit
makabuluhang mga awitin.

Lagi naman tayong nagsasalin. Iyong ginagawa natin araw-araw na pakikipag-usap sa ibang tao at
nagsisikap tayong magpaunawa sa kanila ay isang paraan ng pagsasalin, wika ni Coroza sa isang
talakayan tungkol sa larangan ng saling-awit sa Polytechnic University of the Philippines noong ika-
3 ng Marso.

Aniya, bahagi ang saling-awit sa buong disiplina ng pagsasalin. Sa katunayan, nakapailalim ito
sa literary translation na isang sangay ng disiplinang ito.

Sa konteksto ng Filipinas, literary translation ito sapagkat ang tradisiyon natin ng mga tula ay
tradisiyong pakanta, paliwanag ni Coroza. Dagdag pa niya, mula noong sinaunang panahon,
kinakanta ang mga tula at hindi lamang binibigkas.

Kaugnay nito, mayroong sariling himig ang bawat anyo ng ating tulaan upang awitin.

Mayroong apat na uri ng pagsasalin ng mga kanta ayon kay Coroza. Tinatawag na saling-awit o song
translationang una kung saan naililipat mula sa simulaang lengguwahe o source language ang halos
lahat ng katangiang taglay ng teksto, tulad ng pangunahing kaisipan, metapora, simbolo, at iba pa, sa
tunguhang lengguwahe o target language (TL).

Sa halaw-awit naman o song adaptation, may isang deribatibong teksto na nalilikha sa TL at marami
sa mga kaisipan o kahulugan at iba pang katangian ng orihinal ang hindi naililipat gayong maaari
naman sana.
Mayroon namang direktang pagpapalit ng konteksto sa palit-awit o replacement text, kung saan
walang anumang kinalaman sa orihinal na mensahe ng awitin ang TL ngunit nananatili ang tono nito.

Sa lapat-awit naman, nakalilikha ng musika ang tagasalin sa pamamagitan ng paglalapat ng liriko sa


isang melodiya na orihinal na walang mga salita.

Kaugnay nito, binalikan ni Coroza ang mga hakbang sa paglikha ng ating pambansang awit na
dumaan sa ibat ibang uri ng pagsasalin mula sa una nitong bersyon. Noong 1898, isinulat ito ni
Julian Felipe bilang himig na pinamagatang Marcha Nacional Filipina. Makalipas ang isang taon,
nilapatan ito ni Jose Palma ng liriko gamit ang kaniyang tulang Filipinas na nakasulat sa wikang
Espanyol. Narito ang unang saknong mula sa kauna-unahang bersyon ng Pambansang Awit na unang
ginamit noong 1899:

Tierra adorada

Hija del sol de Oriente,

Su fuego ardiente

En ti latiendo est.

Nagdaan pa ito sa ilang pagsasalin patungo sa wikang Ingles at Filipino. Noong 1938, inilunsad ang
bersyon nina Camilo Osas at Mary A. Lane na nakasulat sa Ingles. Pinamagatan itong Philippine
Hymn na may unang saknong na:

Land of the morning


Child of the sun returning

With fervor burning

Thee do our souls adore.

Naging tanyag naman ang bersyon nina Julian Cruz Balmaceda, Francisco Caballo at Ildefonso
Santos noong panahon ng mga Amerikano. Tinawag itong O Sintang Lupa na naging opisyal na
pambansang awit noong 1948:

O sintang lupa,

Perlas ng Silanganan;

Diwang apoy kang

Sa araw nagmula.

Mula sa liriko ni Felipe Padilla de Len na isinulat noong dekada 60 ang opisyal na Pambansang
Awit na ginagamit sa kasalukuyan. Itinakda ito bilang opisyal na bersyon noong 1998 sa ilalim ng
Republic Act No. 8491, na nagbabawal din sa paggamit ng kapuwa Ingles at Espanyol na mga
bersyon nito.
Kahalagahan ng pagsasalin

Lingid sa kamalayan ng marami, isang pang-araw-araw na gawain ang pagsasalin na naipahahayag


ng mga Filipino sa pamamagitan ng pakikipag-usap, pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.

Hinaharap natin araw-araw sa ibat ibang okasyon ang pagsasalin, ani Virgilio Almario sa
kaniyang aklat na pinamagatang, Batayang Pagsasalin: Ilang Patnubay at Babasahin para sa
Baguhan.

Paliwanag niya, kailangang dalubhasa ang tagasalin sa dalawang wikang nais niyang isalin sa kahit
anong pangyayari. Tinatawag na simulaang lengguwahe (SL) ang wika ng akdang isinasalin at
tunguhang lengguwahe (TL) naman ang wika ng pinagsasalinang akda.

Kalakip nito ang pangunahin sa mga suliraning kinakaharap sa tuwing nagsasalin

ang angkop at wastong pagtutumbas sa mga isinasaling salita.

Ayon kay Almario, mayroong mga panuto sa pagsasalin na madalas nalilimutan ng mga
nagsasagawa nito. Una, dapat na ganap na nauunawaan ng tagasalin ang kahulugan at mensaheng
nais ipahatid ng orihinal na manunulat. Kinakailangan din na mayroon siyang ganap na kaalaman sa
kapuwa SL at sa TL sapagkat sa ganitong paraan, madali niyang mailalahad ang mga kaisipang
ipinababatid ng may-akda.
Bukod pa rito, binigyang-diin ni Almario sa kaniyang aklat ang kahalagahan ng paggamit ng mga
salitang pamilyar sa nakararami sa TL. Dapat din daw malapatan ng tagasalin ng angkop na himig
ang orihinal na himig.

Hindi lamang mga salita ang binabago sa proseso ng pagsasalin ng mga akda kundi pati ang mga
kaisipang nilalaman nito. Bagaman walang dalawang wika ang labis na magkatulad, higit na
makatutulong ang pananaliksik ng tagapagsalin tungkol sa orihinal na akda at sa manunulat nito.
Patuloy na naipapasa ang mga makabuluhang mensahe na nais ipahatid ng mga sinaunang manunulat
sa ganitong paraan.

You might also like